Share

CHAPTER 18: HUSBAND'S SUFFERING

MAY LUNGKOT sa mga mata siyang sinalubong ng caregiver ni Ella. Suot nito ang kulay asul na uniporme ngunit mahahalata ang pagkabalisa sa mga galaw nito na para bang may masama ng nangyari sa amo ilang minuto pagkatapos nilang magkausap na dalawa.

"Where is she?" mabilis niyang tanong.

Pansin niyang napahugot muna ng malalim na hininga ang babae bago sumagot. "Nasa kuwarto po, Sir. Ayaw pong kumain ni Ma'am ng almusal, masama na naman po yata ang pakiramdam."

Siya naman itong palihim na napabuntong-hininga. "Natawagan mo na ba si Dr. Reyes?"

Umiling ito. "Pinagbawalan po ako ni Ma'am Ella na tawagan ang doktor niya nang walang pasabi, Sir."

Mariin na lamang nitong naipikit ang mga mata bago sumagot. "I understand."

Pakiramdam niya ay mas lalo lamang bumigat ang dibdib dahil nahahati ang isipan nito ngayon sa dalawa. Nagawa nga nitong makarating sa bahay na tinutuluyan ni Ella ngunit walang ibang nasa isipan niya kung hindi ang kinaroroonan ng mag-ina.

"Is that the key to her room?" d
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status