Share

Kabanata 42

Diretsong nakatayo si Beatrice habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng malaki niyang salamin. Bakas pa rin ang iyak sa mga mata niya. Hindi na siya nakakain kagabi dahil sa mga nangyari, ang trauma mula sa kaniyang kapatid at ang mga nalaman niyang tungkol sa nakaraan.

Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan niya. Iniisip kung anong dapat niyang gawin lalo na at maaaring nasa paligid lang nila ang kapatid niya. Hindi rin magtatagal at malalaman na ng lahat ang tinatago niyang sekreto. Iniisip niya rin kung may kinalaman ba ang mga magulang niya tungkol kay Camilla o katulad din niyang walang alam sa kapatid niya.

Pumasok na siya ng banyo para ayusin ang sarili at mawala na rin ang pagkamugto ng kaniyang mga mata. Hindi niya inaasahan na haharap siya sa ganitong klase ng problema. Dapat niya na bang pagsisihan ang pagbabalik niya? Subalit kung hindi naman siya bumalik baka hanggang ngayon nabubulag pa rin siya sa kasinungalingan at puno pa rin ng sakit ang dibdib niya dahi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status