Eilish knew about Blaze panic disorder pero hindi niya lubos akalain na ang taong mahal na mahal niya ang maglalagay sa kaniya sa ganung sitwasyon, ng paulit-ulit.Pagpapanggap nga lang ba ang lahat? Alam niya ang buong pagkatao ni Blaze, kung ganun ba sinadya niya ang lahat. Simula sa pagpapanggap niyang nag-aalala ito sa kaniya at ang pananatili niya kunwari sa tabi ni Blaze sa tuwing nagpapanic siya.“AAAAHHHHH!” malakas na sigaw ni Blaze at sunod-sunod na pinaghahagis ang mga babasaging gamit niya.“It’s all a lie!” nasasaktan niyang saad. “Kasinungalingan lang ang lahat simula pa lang.” mahina niyang saad. Sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha niya. Nasasaktan siya kapag naiisip niyang planado na lahat ni Beatrice una pa lang.Wala ng tigil ang paghagulgol ni Beatrice dahil mula sa itaas ay rinig niya ang pagwawala ni Blaze. Masakit para sa kaniya na nakikitang nasasaktan si Blaze pero wala siyang magawa, ni hindi niya ito malapitan o makausap ng maayos dahil galit ito sa kaniy
“Sigurado ka na ba tungkol sa bagay na ito?” pagtatanong ni Sabrina nang makita niya ang laman ng letter ni Beatrice. “Yan na lang ang tanging paraan para ibalik ko ang lahat ng kinuha ko kay Blaze. Kung kailangan kong aminin lahat ng nagawa ko kay Chairman gagawin ko. Alam kong hindi ito sapat para mabawasan man lang ang kasalanan ko, hindi sapat na umalis lang ako sa kompanya.”“Pero maaaring hindi ito palalampasin ni Chairman, kilala mo siya iba siya magalit kaya bakit ka susuko? Bakit ka aamin, mabigat ang nagawa mo sa kompanya tapos dito lang matatapos lahat ng ginawa mo?” nag-aalalang saad ni Sabrina pero tipid lang na ngumiti si Beatrice. Handa na siyang harapin lahat ng ginawa niya kay Blaze dahil dapat lang. “Kung kailangan kong pagbayaran lahat Sab, hindi ko na iniisip kung anong gagawin sakin ni Chairman. Ang mahalaga sa akin, malaman niyang walang kasalanan si Blaze, walang kasalanan ang apo niya. Alam kong mahihirapan na akong ibalik ang tiwala ni Chairman, kahit malama
“Kung nalaman niya ang tunay mong pagkatao paano pa kaya ang anak mo? Ina rin siya pero bakit kailangan niya itong gawin gayong magkasing-edad lang sila ng anak niya. Nababaliw na ang kapatid mo.” inis na ring wika ni Sabrina, napapahigpit na lang ang pagkakahawak niya sa manubela dahil gusto niya ng sampalin ng paulit-ulit ang mukha ni Camilla dahil sa pandadamay nito sa batang walang kamuwang-muwang. Mabilis silang nakarating sa park at may mga ilan na ring mga pulis ang nakapaligid. Delikado ang mga ito lalo na at hawak-hawak pa ni Camilla ang anak niya. “Walang magpapaputok. Pakiusap, walang magpapaputok.” Sigaw ni Beatrice sa mga pulis na nakatutok ang mga baril sa pwesto nila Camilla. “Dalhin niyo sa akin si Eilish!!” rinig pa niyang sigaw ni Camilla, nakipagsiksikan na siya sa mga taong nakikius-sosyo sa nangyayari. “Anak, nakikiusap ako sayong huwag mong gawin ‘to. Ano bang problema? Bakit mo pa hinahanap ang kapatid mo gayong matagal na siyang patay. Bitawan mo na ang bat
“Pakiusap, ibigay mo na lang sakin ang anak ko. Nagmamakaawa akong maawa ka sa bata, he’s too young for this kind of situation. Sana naiintindihan mo ako!”“Shut up!” inis na sigaw ni Camilla saka itinutok ang baril kay Jayson na nakikiusap sa kaniya. “Tumigil ka diyan dahil hindi naman ikaw ang kailangan ko! Kasalanan mo rin kung bakit nangyayari ito sa anak niyo dahil pinili mong mahalin ang kapatid ko na dapat ay nagdudusa!!” “Camilla don’t do this. Tandaan mong may anak din tayo, kahit para na lang kay Khian. Nakikiusap ako.” nagmamakaawa na ring saad ni Martin na hindi na gusto kung anong ginagawa ngayon ni Camilla. Napahawak na lang si Blaze sa ulo niya ng makaramdam na naman siya ng hilo at paninikip ng dibdib. Kung ganun totoo ngang hindi niya anak si Khian, bigla na lamang tumulo ang mga luha mula sa kaniyang mga mata kahit na nahihirapan siyang huminga. Halos mapaluhod siya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya, unti-unti na naman siyang nahihirapang huminga at namumula
“I heard ev-everything. A-alam ko na p-pong hindi niyo a-ako t-tunay na a-anak.” nahihirapan nitong saad. “Khian,” nanghihinang saad ni Mrs. Bautista, hindi niya kayang hawakan ang apo dahil sa kalagayan nito. Matamis na ngumiti si Khian kahit na hirap na hirap na siya. “K-Kung, ipapanganak man a-akong m-muli.” “Huwag ka ng magsalita baby, save your energy please.” Pagpipigil sa kaniya ni Blaze pero matamis lang na nakangiti si Khian sa kaniya. “K-kung mabubuhay man a-ako uli, gusto ko,” hindi niya maituloy ang sasabihin niya dahil sa paninikip na ng dibdib niya. “Gusto ko, i-ikaw na ang Da-ddy ko.” humahagulgol na silang lahat at tumango-tango naman si Blaze sa anak. “Ikaw pa rin ang baby ko kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang anak ko kaya huwag kang mag-isip ng ganiyan, okay? Please stay with Daddy, I love you.” matamis na ngumiti si Khian kahit na hirap na hirap na siya at gusto niya ng ipikit ang mga mata niya. Masaya siyang marinig iyun mula sa Daddy niya. “I l-love you
BEATRICE POV Hindi ko alam kung papasok ba ako sa loob o hindi, sa labas pa lang ay halos punong puno na ng tao ang dating tirahin namin ni Blaze na naging tirahin din pala nila ni Camilla. Pakiramdam ko nauubusan ako ng lakas. Masyadong nakakatrauma ang lahat ng nangyari sa amin. Hindi ko alam na kayang gawin iyun ni Ate dahil lang sa pagmamahal niya para kay Blaze. Hindi niya naikwento sa akin na nagkakilala na silang dalawa dati pa bago ko makilala si Blaze. Humugot ako ng malalim na buntong hininga saka lakas loob na naglakad papasok. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, katulad ng dati ganun pa rin ang ayos ng bahay, maging sa kulay walang nagbago. Kahit ni isang pwesto ng mga gamit ay walang nabago, nang lumipat kaming dalawa dito noon ay ako ang nagpwesto ng mga gamit dito. Hindi ba inalis ni Ate ang mga gamit ko? Parang hindi ko kaya, hindi ko kayang tingnan ang musmos niyang mukha na nakapikit at nakahiga sa loob ng kabaong. Hindi ko man siya nakasama ng matagal o naki
Galit siya dahil sa ginawa ko sa kompanya, ang paghihiganti ko na dapat kay Blaze ay maraming nadamay, maraming naapektuhan. Hindi na ako nakapag-isip ng maayos noon dahil ang tanging gusto ko lang ay makapaghiganti kay Blaze at kunin lahat ng mga pangarap at gusto niya. Akala ko magiging kontento na ako pero hindi pala. Ano bang naging magandang dulot ng paghihiganti ko sa kaniya? Nagtungo na ako kung nasaan si Blaze. Nakaupo siya gilid ng pool habang nababasa naman ang mga binti niya. Pansin ko rin ang dalawang bote ng beer sa tabi niya. Hindi niya pansin ang paglapit ko, nananatiling nasa malayo ang tingin niya. Napalingon na lang siya sa akin nang maramdaman niya ang pag-upo ko pero iniwas niya rin ang paningin niya. “Anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat ay nasa loob ka. Kailangan ka nila dun ngayon.” saad ko pero kinuha niya ang bote ng beer at tinungga iyun. “Hindi makakabuti sayo ang pag-inom mo—““Ano bang pakialam mo? Hindi ka na sana nagpunta dito. Umalis ka na.” malami
Lumipas ang mga araw at halos hindi ko kayang makita siyang ganiyan. Naiiwas ko ang tingin sa kaniya at napayuko, nagsimula nanaman lang akong humikbi. Nasasaktan akong nakikita siyang ganiyan. Ngayon ang araw ng libing ni Khian at halos ayaw niyang bitawan ang kabaong ng bata. Mula rito ay rinig na rinig ko ang paghagulgol niya at hinihiling na sana nananaginip lang siya, na sana bumalik na ang anak niya. Napatingala ako para pigilan pa ang mga luha ko, hindi ko maimagine na mas nasaktan ko siya nang ako ang mawala at ihatid niya sa libingan ang peke kong katawan. “Enough Blaze, please. Let him go son.” Nakikiusap na saad ng Daddy niya pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa kabaong ng bata. Minahal niya ng sobra ang itinuring niyang anak, hindi naman kasi ganun kadali maalis ang pagmamahal kahit na nalaman niya na ang totoo dahil ilang taon din silang magkasama at ilang taon din siyang nagpakaama sa batang hindi kaniya. Mapait akong napangiti, kung sana, kung hindi lang