Share

CHAPTER 4- Teacher Zafara

“Tita Remi mauna na po ako,” ani ko habang inaayos ang bag ko.

“Ingat ka hija,” tumango ako at hinalikan ang pisngi niya. She hugged me at ibinigay ang lunch box.

“Tita nag abala pa po kayo.” Ngumiti lang si Tita Remi at tumitig sa picture frame na nakasabit sa pader.

“Inihabilin niya sa 'kin na palagi kang ipaghanda ng lunch box.” Hindi na ako tumingin sa frame dahil alam ko naman na kung sino ang tinutukoy niya. Pilit akong ngumiti at tumango na lang.

Pagkarating sa paaralan kaagad kong inayos ang mga gamit ko sa mesa at nagsimulang maglinis. After an hour of cleaning isa-isa nang nagdadatingan ang mga estudyante ko.

“Good morning class! Say present if I called your name.” The childrens' cheerfully smiled at me. Being a teacher helped me to overcome my traumas. Surrounded by childrens reminded me of myself when I was still innocent, happy and contented to my life.

It reminded me of my memory to my father. I missed my dad so much ngunit simula nang mamatay siya ay biglang naglaho ang kasiyahan sa buhay ko.

My mom started changing herself, from being the loving and caring mother and wife she turned into prostitute. A sinner and unfaithful.

Napailing ako at mas nag focus sa ginagawa ko.

“Levin Xerxes Montenegro?” natahimik ang klase. Inilibot ko ang tingin sa mga bata ngunit walang sumasagot. It took me another minute before I called another name.

“Good morning class 4-Star Section! I am your teacher this school year. My name is Zafara Eloise Perez but just call me Teacher Zaf,” I said with a smile.

“Good morning too teacher Zaf!” Muli akong ngumiti dahil kitang-kita ko namang mababait sila. Siguro naman mas mapapadali ang pagtuturo ko ngayong taon? Hoping.

“Okay let's start our lesson class-” napatigil ako sa pagsasalita nang dumating ang batang lalaking walang emosyon ang mukha.

Dire-diretso 'tong umupo sa last row at hindi man lang bumati o lumingon sa mga kaklase nito.

Huminga ako ng malalim at sinenyasan ang mga bata na tumahimik. Lumapit ako sa batang huling dumating, tumayo ako sa harapan niya at tumingala lang 'to sa 'kin. Hindi man lang nagsalita at nakipagtitigan sa 'kin. This child reminds me of someone at bigla akong kinabahan. Pinilit ko pa rin ang sarili kong ngumiti kahit ang bilis ng tibok ng puso ko.

“You are?” He looked at me from head to toe and he smirked. This child has an attitude!

“Does my name matter teacher?” I tried to calm myself at pilit na ngumiti. You can do this Zaf! Please have a long patience bata ang kaharap mo.

“Yes of course, your name matters.” The child nodded and looked around his classmates. He stood up before he spoke.

“Levin Xerxes Montenegro is the name.” Pagkatapos nito magpakilala ay tamad 'tong umupo at tumitig nanaman sa bintana. Isinawalang-bahala ko na lang ang apelyido nito at nagsimula nang magturo.

“Class dismissed.” Dali-daling inayos ng mga bata ang kanilang table at kanya-kanyang nagpaalam na sa 'kin. Ngumiti ako and waved my hand.

Lahat ng mga bata ay nakauwi na ngunit naiwan ang batang si Levin. Nilapitan ko 'to at kitang-kita ko ang lungkot na namayani sa mukha nito habang nakatitig sa bulaklak sa labas ng bintana.

“Levin? Wala pa sundo mo?” Tamad na tamad 'tong tumingin sa 'kin.

“Halata po ba teacher?” Umirap 'to sabay balik ng tingin sa bintana.

“You like roses?” I asked randomly. An unknown emotion crossed his eyes.

“Is it obvious?” Gustong-gusto ko talagang sumigaw sa inis. This child is getting into my nerves. He really knows how to make someone annoyed.

“Yeah it is,” tipid na sagot ko bago tumalikod ngunit napatigil ako nang tawagin niya ako.

“May I ask something?” Bumalik ako sa harapan niya at tumango.

“Why do you keep on asking me about my personal life? Can you please stop doing it?” Nabigla ako sa sinabi nito. Kapagkuwan ay nagawa ko pa ring ngumiti.

“Because I can see that you need it.” He rolled his eyes at me and shook his head.

“Wrong answer teacher, you're just a gossiper.” Napatayo ako sa sinabi nito at nanlaki ang mata ko. This child is getting into my nerves! Bago pa ako makasagot narinig ko ang isang tinig.

“Levin Montenegro.” Sabay kaming napatingin sa nagsalita at halos mamutla ako sa lalaking dumating.

It's him! The man I had a one night stand. Namula ako at tumalikod sa dalawa.

“Let's go home?” tanong ng lalaki. Kinuha ni Levin ang bag niya at akala ko ay aalis na 'to ngunit nabigla ako nang tawagin ako nito. It took me a minutes to look at them. I bit my lower lip habang dahan-dahang lumingon sa dalawa.

Pagkaharap ko ay naramdaman ko ang mainit na titig ng kung sino. Naiilang na tumingin ako kay Levin.

“Daddy meet my teacher, teacher Zaf.” Namula ako at nanlaki ang matang tumingin sa bata. Levin smirked at me and looked at his father. The man looked at me with his dark expression. Pakiramdam ko ay kahit may damit ako kitang-kita niya ang kaloob-looban ko.

Focus Zaf! Siguro naman he forgot about me na no?

“Nice meeting you Miss Zaf, I'm Lucifer Montenegro. Levin's father.” Kinakabahang pilit akong ngumiti.

“Likewise Mr. Montenegro.” Tumango 'to at nagpaalam nang aalis. Tumalikod ako at bago pa sila lumabas narinig ko ang tanong ni Levin sa daddy niya.

“Is mom with you?” kumabog ng malakas ang dibdib ko. Lucifer Montenegro is a married man. Nanghihinang napaupo ako at tila bumalik ang masalimuot na mga memorya ko noong bata pa ako kung saan ay nakita ng dalawang mga mata ko ang kinahinatnan ng nanay ko sa pagpatol niya sa taong may asawa.

Calm down Zaf! You will never be like her. Not in this lifetime and never. Suit yourself and smile. That night is a mistake, a biggest mistake indeed. Ngunit kahit anong pilit kong pangungumbinsi sa sarili hindi pa rin mawawala sa isip ko ang katotohanang pumatol ako sa lalaking may asawa. Am I considered as a mistress?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status