Share

CHAPTER 5-Levin's Trouble

“Teacher!” napatayo ako pagkapasok ng estudyante kong babae na si Precious. Kasama nito ang mga kaibigan na kasunod na pumasok sa room. Break time ngayon kaya’t nasa labas sila para maglaro.

Hingal na hingal ang bata kaya’t nilapitan ko ‘to at pinunasan ang pawis.

“H’wag kang tatakbo ‘nak, kita mo pawis na pawis ka na,” ani ko sa pagitan ng pagpunas sa kanya.

“Teacher! Si Levin po he’s in trouble!” napamulagat ako at naalerto ang buong katawan ko. Anong trouble?

“What do you mean?” tanong ko sa bata na huminga muna ng malalim at itinuro ang banda kung saan ang comfort room.

“He’s in there po, we saw na lang po na he’s punching those eldest boys!” goodness gracious Levin! Anong gulo ang pinasok mo?

“Dito lang kayo ah? H’wag na h’wag kayong susunod sa ‘kin. Pupuntahan ko lang si Levin, pakisabi na rin sa classmates niyo na h’wag pupunta r’on,” pagkatapos kong habilinan si Precious ay tinakbo ko na ang comfort room.

Alalang-alala na ako kay Levin dahil baka napano ‘yon lalo na’t baka nasa sixth grade ang kaaway niya.

Pagkarating ko r’on ay taliwas ang nangyayari sa inaasahan ko.

Kitang-kita ko ang pagbagsak ng dalawang matangkad na batang lalaki. Duguan ang mga mukha nito at si Levin naman ay nakangising dinuraan ang dalawa. What the heck?

“Look at you guys, so pathetic living creatures,” he said with no remorse and after that he looked at my direction. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa and he smirked at me.

Kinakabahan ako sa batang ‘to pero hindi ko pinakita ang takot sa halip ay huminga ako nang malalim at hinawakan ang balikat niya.

“Let’s go to our room, let me treat your wounds.” He rolled his eyes at me.

“You should report these to our head mistress teacher Zaf,” mahinang wika niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Kahit kitang-kita ko namang mas napuruhan niya ang dalawang batang lalaki hindi ako naniniwalang kasalanan ‘to ni Levin.

“Why would I do that? My student is not at fault.” For the first time since I met him, I saw an emotion crossed his face. The kind of emotion that I always feel whenever my tita Remi hugged me, comfort.

“Teacher, you saw the evidence. What you saw is what you get,” he looked away. A simple smile written in my face and I patted his head. Napaigtad si Levin pero nakita ko ang pagpikit niya bago siya yumuko. He’s not a showy kind of kid.

“Not what we see is what we always get. We need to see deep through everything before we judge,” ani ko. Hindi siya sumagot kapagkuwan ay hinila ko na siya papuntang room. Nagpaubaya naman ang bata at pagkarating r’on ay tumahimik ang lahat. Iniupo ko si Levin sa kaharap kong upuan at inilabas ang medicine kit ko. I started to treat his wounds and when I finished it my co-teacher ma’am Xara came in my room with her grim facial expression.

“Ma’am Zafara, I am looking for Levin Montenegro. Where is he?” tumingin muna ako kay Levin bago hinarap si ma’am Xara.

“Why are you looking for my student ma’am Xara?” I said with calmness kahit mabalasik ang mukha niya.

“My two student’s parents reported a complaint against your student ma’am.” Tumango ako at saglit na sinulyapan si Levin na bumalik ang walang emosyong mukha.

“Susunod ako ma’am,” wika ko. Pataray ‘tong tumalikod at pabalibag na isinara ang pinto. Napairap ako sa gurong ‘yon at nilapitan si Levin.

“Are you okay?” he nodded.

“Class, I need to go. Papabantayan ko na lang kayo kay teacher Trixie okay?” ani ko at ngumiti sa kanila.

“Okay po teacher!” mas lumawak ang ngiti ko at inayos ang librong nasa ibabaw ng mesa sa harap.

“Behave lang kayo ah?” They nodded in unison.

“Let’s go?” pag-aaya ko kay Levin ngunit hindi ako nito pinansin at nauna na sa ‘king tumalikod. Bastos talagang bata ‘yon! Pero kahit ganon ay hindi ‘yon sapat na dahilan para pabayaan ko siya. My students are like my own childrens for me.

“Levin is that true? Ikaw raw ang nauna sa away? Based on these two children you punched them without reason,” sambit ng head mistress namin na si Mrs. Garcia. To be honest I don’t like the tone of her voice, it sounds accusing.

“He should be suspended because of his violent act Mrs. Garcia,” one of the parents’ complainant said.

“Yes, hindi pwedeng hindi siya managot. Look at our sons, they were hurt so bad,” ani ng matabang babae. Napairap ako sa drama nila.

“Why don’t y’all listen to Levin’s side?” sabat ko sa kanila. Napatigin sa ‘kin si Levin at umirap. Habaan mo lang pasensya mo Zaf, remember you’re helping him.

“Ano pa bang palusot ang sasabihin ng bastos na batang ‘yan?” asik ng isang nanay.

“Mrs, let’s not be bias here. I know my student and he’s not what you think he is,” sagot ko sa kanya. Pabagsak nitong inilapag ang bag sa mesa at naiinis na sumagot sa ‘kin.

“Miss, sinasabi mo bang hindi ko kilala ang anak ko?” tanong nito habang masama ang tingin sa ‘kin.

“Not my word Mrs, pero parang ganon na nga.” Tumayo ‘to at lumapit kay Mrs. Garcia.

“If you don’t suspend this kid, we’ll pull out our shares in this school!” napatayo si Mrs. Garcia at hinawakan ang babae.

“I’ll settle this Mrs. Dimagiba,” mariing sambit ni Mrs. Garcia.

“Dapat lang!” asik ng isang nanay.

So they are using their influence now? This is unfair!

“Don’t be unfair Ma’am Garcia,” mahinang sambit ko. She looked at me without any emotions at muling umupo ang babae.

“Unfair? You’re the one being unfai-” she was cut off when the door opened.

“What do we have here?” My body stilled. Hindi ko na kailangan pang lumingon sa pinto dahil kilala ko na ang boses na ‘yon. It’s Lucifer Montenegro, Levin’s father.

“How dare you to cut me off? Who the hell are you?” paasik na sambit ni Mrs. Dimagiba.

“I’m Lucifer Montenegro, Levin’s father. It’s such a disrespectful that y’all started the meeting without me,” he said in a cold voice.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status