Chapter 35 - LuxHE pushed the door of the office when he didn't find his secretary at her table but he was halted when he saw luggage on the floor, just in front of a teenager.She's wearing a black jumper and a white cap, hair was parted and dangling in front of her chest."What the hell are you doing here, lady?" Salubong ang mga kilay na tanong niya sa dalagitang kapatid.Nakatingin lang ito sa kanya kaya isinara niya ang pinto.Ang laki na ni Katy at napakaganda sa edad na desi sais. Daig pa nito ang isang beauty queen. Sitting on a sofa with a very straight back and crossed legs, she could pass a Bb. Pilipinas candidate."Anong ginagawa mo rito, Katyleene Anne?" Seryosong tanong niya ulit gamit na ang buo nitong pangalan pero umiyak ito bigla kaya napatigalgal siya."Jesus," aniya at saka ito nilapitan.Tinaggal niya ang suot nitong sombrero at pinakamasdan ito."Kuya," anitong napahikbi ulit pero bigla na lang itong napatakip sa labi at parang naduduwal.Daig pa ni Lux ang binu
Chapter 36 - LuxINIWAN ni Lux si Katy sa loob ng cafe, habang siya ay nasa smoking area, nag-iisip kung anong mainam niyang gawin sa kapatid niya. Wala siyang kontak sa mga ito, ni numero ay wala."Sir Lux?""Uhm?" Sagot niya kay Heart sa kabilang linya.He called her because he's tired of texting. He needs someone to talk to. Stress ang nararamdaman niya sa pagdating ni Katy sa Maynila."Akala ko, wala ka na," natawa si Heart nang kaunti kaya napangiti rin siya."I'm just a bit disoriented," amin niya rito, "She doesn't want to call Elisa. She doesn't want to go back to Cebu. Ako ba ang inaasahan niyang mag-aasikaso sa kanya?""Siguro ganun nga kaya sa'yo siya pumunta.""Baka raw saktan siya ng Daddy niya. Damn. Anong ginagawa ni Elisa para payagan siyang saktan ng Daddy niya?""Sandali, sir. Sino ba si Elisa? Kanina mo pa sinasabing Elisa. Nalilito ako. Kapatid mo si Miss Katy tapos hindi mo naman ama yung ama niya. Si Elisa ba ang Mama niyo?""Uhm," napilitan na sagot niya pero na
Chapter 38 - HeartNAKANGITI si Heart kay Vandros nang ihatid siya nito sa condo. Alalay siya nito papunta sa elevator pero napatigil siya nang lumabas naman dun si Enrico. Nabuhayan ng ngiti sa mukha ang lalaki nang makita siya pero binalingan ng tingin si Vandros."You know him?" Pasimpleng tanong ng manager sa kanya kaya tumango siya."Heart," masayang bati ng lalaki sa kanya, agad na lumapit."Anong nangyari sa'yo? Ang tagal kitang hindi nakita.""N-Nagkasakit kasi ako. Na-confine ako sa hospital.""Kaya pala," anito saka siya sinuri ng tingin. Mukha itong may tama ng alak pero hindi naman masyado."Excuse me, Enrico," aniya saka tinanguan si Vandros para pumasok na sila sa elevator.Kinakabahan siya dahil paano kung si Lux ang kasama niya ay magkakilala ang dalawa. Parang hindi na siya safe sa condo na yun. Kailangang malaman ni Lux ang lahat para makalipat siya. Kahit na simpleng apartment lang ay ayos na, basta wala sa kanyang makakakita."Kilala mo pala yun," sabi sa kanya ni
Chapter 38 - LuxNAPAKUNOT-NOO si Lux nang pumasok siya sa kwarto ng condo at parang hindi man lang siya napansin ni Heart. Ang nakita kaagad niya ay ang nakabukas na pintuan ng balcony.Nakaupo roon ang dalaga at nagtataka siya kung bakit tumatawa iyon, nakatingin sa kabilang balcony.Matapos niyang puntahan si Katy sa isang hotel ay talagang dumiretso siya sa condominium, dahil inabisuhan siya ni Vandros na nakalabas na si Heart at iniuwi na nun. Kating-kati na nga talaga siyang pumunta.Hindi na siya nakabalik kahapon dahil sa kapatid niya. Inalam niya ang lahat ng tungkol sa lalaking nakabuntis dun, at siya mismo ang naghanap, pero sa kasamaang palad ay hindi siya inayunan ng tadhana na makita ang lalaking yun at malagyan ng mapa sa mukha, mapa ng mga malalaking pasa, para sana magtanda at mapilitan na harapin siya, lalaki sa lalaki.He walked closer to the glass door and listened for a while. Awtomatikong napatiim-bagang siya nang makarinig siya ng boses ng lalaki, nagkukwento ng
Chapter 39 - LuxPAPUNTA sila sa isang OB-Gyne para sa checkup ng kapatid niyang si Katy. She picked her at the hotel. She told him last night that she hadn't taken any prenatal checkup. Bumase lang daw ito sa pagkalkula ng pagbubuntis sa internet, matapos na mag-pregnancy test. Marami naman daw kasing applications na pwedeng gamitin kaya nakalkula nito kung ilan na ang eksaktong araw na nagdadalang-tao. But, ultrasound is different from apps. He's worried to. Katy has to take the right vitamins for her and her baby.May ibang computation ang ultrasound kaysa sa normal na pagbibilang ng isang buntis, kaya nag-insist siya na magpa-checkup ito. Kaya lang, heto sila ngayon sa tapat ng Philippine Heart Center dahil nakita niya si Heart na sumakay ng taxi, mula sa condominium.Pasimple lang siyang nag-kolekta roon ng pera pero nang mag-update yun na lalabas at pupunta sa mga magulang ay inabangan na talaga niya.Gago na kasi siya. Aminado na siya sa pagbabago sa buhay niya bilang si Lux Mo
Chapter 40 - LuxLUX looked at the message Vandros had sent him. May townhouse na iyong nakuha, ang ahente sa tama ng salita. Nasa Makati lang din at single-family lang. Iyon ang gusto niya para kay Heart talaga kaya naman tinawagan niya kaagad ang lalaki."Hello," anang kinakapatid niya sa kanya."I have to pay it asap. Bayaran mo na."Humalakhak ito, "nagmamadali? Aalis na yung ex ng asawa mo, anong ikinatatakot niyo ni Heart?""Hindi lang yung hayop na yun ang dapat pagtaguan.""Pagtaguan, huh," anito, "Seryoso na ba ito, kinakapatid?""Damn, hindi ko alam, Van pero ayokong may makakilala sa akin o kay Heart. She could be my mistress yet I don't want scandal for her. Anong magagawa ko? Hindi ko siya mabitiwan. I want to keep her and keeping her means giving her peace of mind and a peaceful life. Ikaw lang ang nakakaalam nito," nababalisa na sagot niya."Of course. I'll settle the payment. Tapusin ko lang itong ginagawa kong report sa'yo, bro tapos pupunta na ako sa ahente, pupunta k
Chapter 41 - HeartNAKATUNGO si Heart habang naglalakad sila ni Lux sa may pavement ng kainan na yun. Ang sarap ng hangin sa paligid dahil puno ng mga bulaklak at iba't ibang halaman ang lugar. Mapresko roon at payapa siya. Nakakapagpa-relax ng pakiramdam ang ganung lugar, tapos ay may mahina siyang kanta na naririnig, na mula naman sa loob ng kainan. Kung hindi siya nagkakamali ay , Till I Met You ang kantang yun.Lalo siyang nai-in love.Tapos na silang kumain at nagpapahilan na lang. Daig pa niya ang idinuduyan sa alapaap. Hindi siya makapaniwala na nag-date sila.For him, this might be only an ordinary moment, an ordinary dinner, but not for her. First date niya ito.Hindi pa siya kailanman nakapag-dinner na lalaki ang kasama. Ang unang pagkakataon niya ngayon ay mismong lalaking ginugusto pa niya ang nasa tabi niya.This is one of the most memorable memories she's going to cherish and remember. Kapag magkalayo na sila, parati niyang babalikan sa kanyang alaala.Totoong tago ang lu
Chapter 42 - HeartANG sakit."How many times have you lied to me, Heart? Noong una, pinatawad kita tapos ngayon ay inulit mo pa?" Matalim ang mga mata ni Lux na tumingin sa kanya.Bakit ganito? Ano ba ang nagawa niyang kasalanan at nagagalit ito?"Alam mo pala ang tungkol kay Diana at Enrico pero hindi mo sa akin sinabi? What?""T-Teka…" aniya na hindi magkandaugaga sa pagsunod dito dahil tumalikod na ito."Pinagmumukha mo akong gago, Heart. You intend to keep what Enrico told you? Wala ka rin pagkakaiba sa ibang babae. Mukha ka ring pera lang!"Diyos ko. Natigalgal siya at naparalisa.Hindi na nagawa ng dalaga na humabol pa sa binatang tuluyan na lumabas ng condo unit niya, dala ang mga maleta. Kadarating pa lang nito pero aalis na agad dahil nalaman ang totoo? Sino ba ang nagsabi nun dito, Si Enrico?"L-Lux…makinig–"Binagsakan siya nito ng pintuan kaya naman nalaglag na lang ang mga luha niya sa sobrang sakit ng kalooban niya sa nangyayari.Akala niya masaya na siya nang kumain si