Chapter 54 - HeartMULI siyang naalimpungatan sa mga maliliit na halik sa mukha niya. Babalikwas sana siya ng bangon pero alam na niya kung sino ang humahalik sa kanya, kaya sa halip na siya ay magmulat ay ngumiti siya."Matampuhin, selosa at isnabera na sobra. Saan pa ako?" Malambing at mahinang sambit ni Lux sa kanya kaya naman napahagikhik siya nang kaunti.She finally opened her eyes and found the most handsome face ever. He was smiling at her. Sus naman. Kapag ganito kapogi ang makikita niya sa bawat pagmulat ng kanyang mga mata, ano pa bang mahihiling niya? Plus pa ang paglalambing nito.Napakaswerte ni Diana rito. Ano pa kaya ang ayaw nun kay Lux at mas ginugusto pa rin si Enrico?"Ipaghahanda kita," aniya saka nagtangkang bumangon kahit na hindi niya alam kung anong oras na."Don't bother, baby," anito saka tumayo at nagtanggal ng damit na suot, "Kumain na kami. Nagyaya na si Mama. How about you?""Kumain na ako. Kumusta?"Sinundan niya ito ng tingin nang maglakad ito papasok
Chapter 55 - HeartNapakasama ng loob ni Heart habang nagmamartsa siya papalabas ng bahay. Nilayasan niya si Lux at yun ang alam niyang paraan para maitago na siya ay nasasaktan.Para siyang biglang nawala sa sarili at daig pa niya ang isang araw na natabunan ng mga ulap. Her heart is racing too fast, breathing hitched. Sukbit niya ang bag ay parang gusto niya iyong ihambalos sa lahat ng kanyang madadanan, magpatao man o bagay, o hayop. Masama pala sa pakiramdam ang selos, nakakamatay.Tuloy-tuloy siyang naglakad at nilagpasan ang sasakyan ni Lux na nakaparada sa may gilid ng bakuran."Hey, baby!" Tawag nun sa kanya pero dire-diretso pa rin siya at hindi iyon inintindi.Ang inakala niyang tahimik na pag-iyak ay naging may tunog na. Napahikbi siya."Babe, let's talk and fix our marriage. I promise to be a good wife now. Let's do counseling. I'm begging you. Binawi ko na kay Mommy ang mga sinabi ko. Nasabi ko lang yun dahil galit ako sa'yo. Di mo na ba ako mahal?Bumalong ang kanyang mga
Chapter 56 - HeartNaroon sila at nagpi-pizza party sa living area, malapit sa may opisina ni Vandros. Wala iyong problema kahit naroon sila dahil hindi yun dinig sa restaurant proper.Kanina pa puna ng mga kaibigan niya ang kanyang cellphone na gamit. Ayaw niya sanang ilabas pero napilitan siya dahil may texts si Lux, at kailangan niyang sagutin.Sobrang ganda raw ng smartphone kaya naman nakaramdam siya ng hiya. Kahit naman sino ay magtataka kung paano siya magkakaroon ng ganung cellphone, samantalang sobra ang pagtitipid niya para sa sarili.Hindi siya makaimik at si Gigi ay wala ring mai-rescue sa kanya. Nalulungkot siya na magsinungaling sa mga kaibigan na naging pamilya na rin niya sa Maynila."Sa'n mo binili? Ang shoray naman, orig SG flip phone," ani Haven sa kanya, hawak ang cellphone niya."I gave it to her," ani Vandros na sumulpot mula sa labas, "hindi ko naman kasi ginagamit e kailangan niya para sa pamilya niya. May alak ba tayo d'yan?" Tanong nun sabay tango sa kanya ka
Chapter 57HINDI mapalagay si Lux habang nakamasid sa lalaking matiyagang nag-aabang kay Heart. Hindi niya talaga gusto ang karakas ni Franco, and thank Go umiiwas naman si Heart dun.Sumakay ang dalaga sa taxi dahil may instruction siya roon. Ililibot ito sakali ng kanyang tauhan para hindi makasunod si Franco. And he would keep an eye on the man.Nakasakay siya sa sasakyan niya, hawak ang kanyang smartphone para abisuhan si Jestoni kung sakaling susunod ang lalaki. Sumakay din iyon sa motor at bumuntot kaya pinausad din niya ang sasakyan. Mas makulit pa sa alipunga ang hinayupak.He remained watching until the taxi turned left while Franco turned right. Nakahinga siya nang maluwag. Hindi naman pala susunod ang lalaki. Medyo lasing pa naman si Heart sa tantya niya.At natatawa siya dahil si Vandros ang nagsabi na may tama na ang dalaga. Tinanong niya kung nakailan, naka dalawang baso raw.Jesus.Nakakalasing na pala ang dalawang baso. Sabi raw ni Gigi ay first time uminom. Naligawan
Chapter 58 - HeartNagtatawanan ang mga kaibigan ni Heart habang nagbibihis sila para sa pag-attend sa party.Siya ay nasa harap ng salamin nakaupo. Sinusuklay ang mahaba at itim na buhok niya. Naglagay lang siya ng clip sa buhok, na may mga kumikinang na fake na bato. Yun lang ang accessory niya at wala ng iba pa.Si Katy ay kanina pa chat nang chat sa kanya kung papunta na siya. Si Lux naman ay parang wala pa ring alam sa nangyari sa kanila ni Diana, walang nababanggit iyon na kung ano. At hindi niya alam kung anong magiging ekspresyon ng mukha nun kapag nalaman, kaya hindi niya masyadong kinakausap.Uunahan na niya iyong sungitan.Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pananapak niya ng bag sa asawa ni Lux. Sobra na ang inis niya sa babaeng iyon kanina. Noong una na nakiihi siya, hinamak na siya kahit di naman niya inaano. Kanina ay hindi niya rin naman inaano pero sinaktan siya. Aba, hindi naman pwedeng ganun."Divisoria bag lang pala ang ka-level ng pagmumukha ni Miss D!" Tumatawang k
Chapter 59- HeartSOBRANG dami ng tao sa loob ng bakuran ng mga Montesalvo at parang umaatake na naman ang masakit na tagiliran ni Heart. Hindi niya alam kung dala yun ng kaunting nerbyos niya o may iba pa."Oh my G! Ate Heart!" Iyon ang tili ni Katy na agad na nagpangiti sa kanya at nagpalingon.Ang ganda ni Katy na sobra, at ang pogi na sobra ng kasama nitong lalaki.Bigla siyang niyakap ng desi seis anyos na dalaga pero ang mga mata niya ay nasa kay Lux, na agad din niyang inalis."Good evening po, sir Lux!" Bati ng mga kasama niya."Evening, ladies. Sis, pakilala mo naman ako sa magandang babae na 'yan."Susko. Kilig na kilig na naman ang mga kaibigan niya sa mga pa-style ni Montesalvo pero siya ay hindi ito pinapansin."Magpa-annul ka na muna!"Halos matawa siya sa pabirong sagot ni Katy sa kapatid."Isasako na kita mamaya pa, Katyleene Anne. You better take them to their seats now.""Opo, sir Lux."Natatawa siya sa mga asaran ng magkapatid. Parang na-miss niya tuloy ang mga kamba
Chapter 60 - LuxNAKUKUNTENTO si Lux sa pagmasid kay Heart sa di kalayuan. He was smiling inwardly, kilig pa rin sa pagsabi nitong mahal din siya.God.He has to thank God for finding someone like her in his darkest days. Hindi na siya nagsisisi ngayon sa pagpapalipas niya ng oras sa mga babae tuwing naghahanap siya ng mapupuntahan sa tuwing nasasaktan na sobra kay Diana.Pero kahit na ganun siya, ngayon ay hindi niya kayang magpalipas ng oras sa iba kung sakali man na magkakatampuhan silang dalawa. Isipin pa lang niya na maghahanap siya ng iba ay siya na ang nasasaktan. Hindi niya kaya. He's so faithful to Heart. Alam niyang ganun din ito sa kanya.Mahal na mahal niya ito at sisiguruhin niyang hindi ito magdududa sa katapatan niya. Malayo ang mga katangian ni Heart kay Diana, sobra."Kanina po pa tinititigan 'yang naka-off shoulder na itim, na may clip sa buhok," puna sa kanya ni Destiny.Hindi siya nag-abala na tanggalin ang mga mata niya sa dalagang hindi na nilulubayan ni Katy.Ma
Chapter 61"PALAKPAKAN naman d'yan! I am 8 weeks pregnant! To calculate it, hindi na nine months ang ipaghihintay ni Mama para sa kanyang apo!" Sigaw pa ni Diana sa mic at ganun naman ang ginawa ng ibang tao na walang alam sa sitwasyon.Sa mga sandaling iyon ay tila nakakabingi para kay Heart ang mga palakpakan at hiyawan ng mga tao.Napahikbi siya nang lihim hanggang sa maramdaman niya ang paghawak ni Katy sa kamay niya. Mas lalo siyang naiiyak nang tingnan ang mukha nitong nakikisimpatya sa sakit ng kanyang kalooban."Smile, Ate," Katy mouthed and she nodded.Napakahirap. Kailangan niyang magpanggap na hindi siya nasasaktan kahit na sa totoong buhay ay parang piniga na ang puso niya nang sabihin iyon ni Diana.Pwede naman talagang mabuntis si Diana. Halos nasa iisang bwan pa lang naman silang magkakilala ni Lux. Imposible na hindi nagtatalik ang dalawa nang mga panahon na hindi pa siya binabayaran para maging parausan.Wala na. Napawi na ang kasiyahan na nararamdaman niya nang sabihi