Share

Chapter Twenty Four: Argument

PAGKATAPOS kong kumain ng pananghalian ay nagmadali na akong mag-ayos ng aking sarili. Kailangan kong maunahan ang hilaw kong biyenan nang sa gayo'n ay hindi kami magkasabay mamaya. Natatakot ako sa binabalak niyang plano kaya ako na ang gagawa ng paraan upang huwag iyon na matuloy.

Bahala ng mahirapan akong mag-commute kaysa naman mapahamak kami ng anak ko.

Matapos kong makapag-ayos ay nagmamadaling lumabas ako ng silid. Ngunit eksaktong paglabas ko ay naroon na si Mrs. Cordova sa mismong harap ng pintuan. Bihis na bihis ito at halatang pinagplanuhan na maigi ang lahat. Bigla akong nanlumo sa isipin'g hindi yata ako makakaligtas sa kademonyohan niya ngayon'g araw.

Hindi ko siya pinansin. Dumiretso lang ako ng lakad ngunit agad rin akong napahinto ng magsalita na siya.

"Saan ka pupunta? Hindi ba't sinabi ni Wesley na sabay tayong aalis?" Aniya, dahilan upang mapalingon ako sa kanya.

Isang malalim na buntonghininga ang agad kong pinakwalan bago ko siya sinagot.

"Sanay akong ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status