Biyernes. Malakas akong bumuntong hininga habang nakatingin sa kalendaryo sa harapan ko. Halos isang linggo na akong nag-iisip kung tatanggapin ko ba ang alok ni Sir Aziel na pagtatrabaho ko kay Dylan Fontanilla o hindi. At dahil Biyernes na naman, isa lang ang ibig sabihin… Sabado na naman bukas at kailangan ko nang magdesisyon ngayon. Makabubuti nga ba sa akin kung tatanggapin ko ang alok ni Sir Aziel o hindi? “Care to share your thoughts?”Muntik na akong mapatalon sa aking kinatatayuan nang marinig ang boses ni Sir Aziel. Iniisip ko lang siya kanina, ngayon ay nandito na sa tabi ko. Grabe rin, ah? Talaga bang nababasa niya ang utak ko? Tumingin ako sa kaniya bago ko ibinalik ang tingin ko sa nakasabit na kalendaryo sa may kitchen. Wala kasi akong mahanap na kalendaryo sa bahay maliban dito… mayroon din naman sa cellphone ko pero ayaw ko kasing maabutan ako nina Ma’am at Sir na
“Nagkita ba kayo kagabi ni Dylan, Thalia?”Agad akong nag-angat ng tingin kay Ma’am Brielle nang marinig ang tanong niya. Nasa unahan siya ng sasakyan at katabi ni Sir Aziel na siyang nagd-drive samantalang kami naman ni Rory ay nasa likuran. Hindi kaagad ako nakasagot ngunit kapagkuwan ay marahan akong umiling. “Hindi po,” pagsisinungaling ko. Halos hindi ako makatulog buong gabi dahil sa sinabi sa akin ni Dylan Fontanilla kagabi. Pakiramdam ko ay mali ang naging desisyon ko na tanggapin ang alok niya subalit huli na ang lahat para bawiin ang sinabi ko. Heto nga at nasa sasakyan na ako papunta sa bahay ni Dylan Fontanilla. “Ano nga palang pinag-usapan niyo ni Dylan, Aziel? Is it about work?” “Just some… random things,” maikli ngunit pansin ko’y makahulugang sagot ni Sir Aziel sa tanong ni Ma’am Brielle. Tumingin na lamang ako sa labas ng sasakyan at humugot ng malalim na buntong h
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at umiling. “Saka ako,” dagdag ko at nag-angat ng tingin sa kaniya. “Alam ko rin na doon talaga ako nakatira. Iyon naman ang mahalaga, ‘di ba?” “Y-Yes but---“ Muli akong bumuntong hininga at tumigil sa pagwawalis. Tumingin ako sa kaniya bago seryosong nagsalita. “Uh, Sir?” pagputol ko sa kung ano mang dapat ay sasabihin niya. “Hmm?” “Kung puwede po sana, huwag niyo na akong tanungin pa tungkol sa mga ganiyang bagay. Para po kasing ang dating sa akin ng mga tanong niyo, kinuha niyo lang akong katulong dito para malaya niyong matanong. Saka isa pa po, hindi po kasi ako kumportable sa mga tanong niyo. Nalinaw ko na naman po yata kina Sir Aziel at Ma’am Brielle ang lahat ng impormasyon na gusto niyong malaman kaya kung puwede po…. sa kanila nalang po sana kayo magtanong,” mahinahong sambit ko. Umawang ang kaniyang mg
“Hindi niyo ako masusundo?”Rinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Sir Aziel sa kabilang linya matapos marinig ang tanong ko. “We’re actually on our way there but my in-laws called. Gusto nilang pumunta muna kami roon at idaan si Rory. Matatagalan bago ka namin masundo diyan and if I am right, may trabaho rin si Dylan so…” “Magcocommute nalang ako,” pagdurugtong ko sa kung ano mang dapat ay sasabihin niya. “Alam mo ba kung saan ang daan pabalik sa bahay?” Hindi ako kaagad nakasagot dahil hindi ko naman alam. Hindi ako nakapag-focus noong papunta kami rito sa bahay ni Dylan Fontanilla dahil masiyado akong kinakabahan doon kaya naman hindi ko na natandaan ang daan papunta at pabalik. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at kaswal na nagkibit balikat. “I’ll figure it out. Madali lang naman siguro—“ “Oohh…” pagputol niya sa dapat ay sasabihin ko na para ba
Nagkibit balikat na lamang ako at hindi na nagtanong pa kahit na naguguluhan ako sa kung ano bang ikinakagalit niya. Baka nga tama siya at may trabaho talaga si Lieutenant Creed sa loob at iniwan lang para makipag-chikahan sa akin. Hindi naman siya magagalit kung walang dahilan, ano. Tulad kanina ay pinagbuksan niya akong muli ng pinto sa kotse niya. Agad naman akong sumakay at walang imik na nagseatbelt—ganoon din siya. Ang pinagkaiba lamang sa kanina, ramdam ko ang tensiyon sa pagitan namin kaya’t ilang beses akong napalunok at napaayos ng upo. Galit ba siya dahil nakipag-usap ako sa katrabaho niya? Peke akong umubo at humarap sa gawi niya. “Si Lieutenant Creed… hindi ko siya chinichika, ha,” depensa ko at muling nag-iwas ng tingin. “Akala niya lang ako ang asawa mo kaya siya lumapit. Malay ko bang may trabaho siya sa loob saka susunduin ka nga niya dapat kasi akala niya, ako si Kaia. Nilinaw ko naman na hindi—“
“Blooming ka, Thalia, ah? Happy?”Tumigil ako sa pakikipaglaro kay Rory nang marinig ang boses ni Ma’am Brielle. Kakabukas niya lamang ng pinto at mukhang kadarating lamang galing sa trabaho. Nagkibit balikat ako at tipid siyang nginitian. “Ganito naman ako palagi, Ma’am Brielle,” tanging sagot ko sa kaniya ngunit animo’y nanloloko siyang ngumiti sa akin pabalik kaya’t napailing na lamang ako. Mula nang makauwi ako galing sa pagtatrabaho kay Dylan, halos araw-araw na niya akong tinutukso kahit na sinabi ko na sa kaniyang hindi ako kumportable roon. Hindi rin naman niya directly sinasabi sa akin na tinutukso niya ako kay Dylan pero… nararamdaman ko naman. Hindi niya sinasabi pero halatang-halata rin naman. Lumakad siya palapit sa amin at binuhat si Rory. Hinalikan niya ang pisngi ng anak bago lumingon sa akin. “Ikaw na ang magpatulog dito kay Rory, hmm? Magpapalit lang ako ng dami
“Where are you two going? At least tell me where, kahit na hindi niyo ako isama.” Sabay kaming napatingin ni Ma’am Brielle sa gawi ni Sir Aziel. Buhat niya si Rory na nakalingkis ang braso sa kaniyang leeg at kung makayakap ay parang aalis ang ama at ayaw magpaiwan. Malakas na bumuntong hininga si Ma’am Brielle kaya’t ibinaling ko ang aking atensiyon sa kaniya. “Thalia and I are going to have a girl’s me-time. Hindi mo ‘yon alam kaya huwag ka nang makisali,” sagot niya sa asawa habang umiiling. Hindi ko naman mapigilang mapalunok nang marinig ang sinabi niya. Me-time? Ano naman ‘yon? “Ang sabihin mo, mags-shopping kayo.” “Right,” pagsang-ayon ni Ma’am Brielle kay Sir Aziel at tinaasan ito ng kilay. “At isa pa…” Lumingon siya sa akin at ngumiti. Wala sa sarili ko namang itinuro ang aking sarili dahil sa ginawa niya. Ako? Wala akong pambayad sa shopping
“You’ve been here in Manila for what… two months? Three months? How come we didn’t even know that a certain Thalia Esquivel who exactly knows like Kaia exists? The media… hindi ka nila nakita? How about Kuya Dylan’s friends? Paanong hindi namin alam ang tungkol sa ‘yo.”Umayos ako ng tayo nang tanungin ako ng tahimik na babae kanina. Base sa obserbasyon ko at sa naririnig kong pagtawag sa kaniya ng mga kasama niya, siya si Maurice Fontanilla. Hindi ko alam kung sinong mas matanda sa kanila ni Danielle Fontanilla—ang babaeng malakas ang boses at aakalaing eskandalosa—pero sa tingin ko ay halos magkasing-edad lamang silang dalawa. Hindi tulad ni Danielle Fontanilla na malakas ang boses at intimidating, si Maurice Fontanilla ay mahinhin ang boses at kalmado ngunit sa kabila niyon, ramdam ko pa rin ang awtoridad sa kaniyang boses na para bang isang mali lang na salita ang sasabihin ko, pakiramdam ko’y mamatay ako sa paraan ng pagtingin niya.