Helloooo! Thank youuuuu so much po sa mga nagbabasa nito at sa mga nagbigay ng gems, 'yong iba ay dala-dalawa pa talaga ang binigay kaya ang cute tingnan hahaha. Hindi ko man po kayo kilalang lahat pero taos puso ko po kayong pasasalamatan sa pagsubaybay. More updates pa po to come, and sana na-e-enjoy ninyo ang story nila #ThanXan kagaya ko noong isinusulat ko 'to. Love lots!! <3
KALALABAS LANG nila ro'n ay saktong nag-ring ang cellphone ni Nathan. He excused himself first to his secretary before accepting the call. Tumango lang din naman ito sa kaniya."Yes. It's okay, man. Fine. I'll be right there in..." He gazed at his watch to check the estimated time. "...thirty minutes. All right. See you. Bye." Ibinaba na nito ang linya bago niya harapin muli ang kaniyang sekretarya.She heaved a sigh. "Sir Nathan, may next meeting pala kayo sa isang mabigat na businessman after twenty minutes," anunsiyo niya. Muntik na niyang makaligtaang ipaalala iyon dito dahil sa pagiging okupado ng kaniyang isipan."Cancel it. I have something important to attend to. You may also take your rest now since you don't actually need to come with me. Hatid na muna kita sa inyo?" alok nito.Napailing siya rito. "Thank you, pero hindi na kailangan, Sir. Magtataxi na lang siguro ako, o 'di kaya ay tatambay muna sa kompanya tutal ay naroon din naman si May. Pero sure ka? Your next scheduled
NAKARAMDAM SI Xandra na parang may tumatampal sa kaniyang pisngi dahilan upang unti-unti siyang magmulat. "Oh? Ayan, gising na rin sa wakas. Ano bang problema mo't bigla ka na lang nahihimatay riyan? Hindi mo ako malilinlang sa pagan'yan mo." Ngumiti ito nang nakakaloko. Tumayo siya mula sa pagkakahiga bago ito nagtapang-tapangan na humarap sa lalaki. "Magbabayad ako. Maghintay ka lang kasi, puwede ba? May trabaho na ako ngayon at malaki rin ang sahod kaya mag----" Naputol ang kaniyang mga salita nang marahas siya nitong hawakan sa panga niya. That hurts like hell for her, but she acts like it was nothing. "Alam mo? Wala akong pakialam kung may trabaho ka na. Ang kailangan ko ay 'yong bayad mo sa utang, 'yon lang naman. Maraming taon na ang ipinalugit ko sa 'yo. Isang daang libo 'yon, natatandaan mo pa ba?" Marahas niyang binitawan ito. "Pasalamat ka dahil nagkataong may lalakarin pa ako ngayon kaya kailangan ko nang umalis. Babalik ako bukas ng gabi. At sa oras na wala ka pang ma
LONG FLASHBACK... PINAL NA ang naging hatol kay Nathan na ito ay makukulong nang panghabang-buhay dahil sa lala ng krimeng nagawa nito. Batid niyang malaking sala ang pagpaslang, pero hindi naman niya iyon pinagsisisihan sapagkat ang mapatay ang taong kumitil sa buhay ng kaniyang mga magulang ay isang karangalan para sa kaniya. Na sa wakas ay nakamit na niya ang hustisyang matagal na niyang inaasam-asam at matatahimik na rin ang kaluluwa ng mga ito. Hindi kailanman nagbigay ng aksyon ang mga pulis nang iasa niya sa batas ang lahat. Kaya siya na mismo ang nagkusang kumilos. He wants them to be with him. Gusto niyang alagaan pa sila noon at itrato bilang reyna't hari. Nais niyang ipadama sa kanila ang magarbong buhay na hindi nila naranasan. Ngunit hindi iyon natupad dahil sa kanilang pagpanaw sa mismong graduation day pa talaga niya. Naluluha si Xandra na masaksihan ang lalaki sa loob ng kulungan. Tulala lang ito sa kawalan at halos hindi na rin makausap nang matino, tanging tango
NILAPITAN NIYA ang isang police officer na nasa bungad ng presinto upang itanong dito kung nasaang lupalop na namang lugar ang kaniyang asawa. Tatlong taong gulang na si Xander nang unti-unting naging maayos si Nathan at bumabalik na sa dating sarili nito. But he isn't yet aware that his child does exist. Sa nakalipas na taong 'yon ay pinagkatiwalaan sila ng mga awtoridad na namamahala ro'n dahil sa pagbubukas palad nila. Nathan, together with his group, pointed out all the hidden bases of mafia gangs that they knew. Dahil sa kanila ay natugis ng mga parak ang mga ito. Simula noon ay hinahayaan na ang kaniyang pangkat na malayang gumala sa anumang sulok ng presinto. And of course, the trust they gave them was all worth it. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang lumayas kahit nakaawang pa ang gate. "Nasa garden po sila, Ma'am," nakangiting sagot nito sa kaniya. She thanked her before making her way out. Hindi na niya kailangan pang tanungin kung saang parte iyon dahil kabisado na ni
EVERY NIGHT that went by, Xandra was silently sobbing. Patago niyang dinaramdam ang pighating bumabalot sa kaniyang kalooban. Anim na buwan na ang nakalipas simula nang ipinagbubuntis niya ang supling na nasa kaniyang sinapupunan, at gano'n na rin katagal na hindi niya nasilayan si Nathan. She was frustrated, tila ba gusto niyang kalimutan ang lahat at bumalik na lang sa mga braso ng kaniyang asawa. Ilang taon na silang magkasama ni Dexter, pero wala talaga siyang kahit na anong pagtingin dito sa kabila ng walang hanggang pagmamahal nito sa kaniya. Mugto ang kaniyang mga mata habang naghihintay sa bukana nang pintuan. Gabi na tuwing umuuwi sa kanilang tahanan ang lalaking kasama niya. Babad na babad kasi ito sa trabaho at palaging kaharap ang mga sandamakmak na papel tungkol sa mga crucial cases. Binuksan ng guwardiya ang matayog nilang gate at lumitaw mula roon ang sasakyan ng lalaking kanina pa niya hinihintay. Agaran ang kaniyang pagtayo. Hindi na niya inalintana pa ang patul
KASAL NA sila dati pa. Ngunit hindi tunay ang intensyon niya noon. During that time, all she wanted was to take her revenge on him. Gusto niyang masaktan ito dahil sa pagtaboy nito sa kaniya nang mga panahong hirap na hirap siyang maghanap ng salapi pampagamot sa Baby Nathaniel nila na inaapoy ng lagnat. Aside from that, they were not married in church. Nang mga panahong 'yon ay ang mga tao lang na naninirahan sa islang kanilang pinagtataguan ang nagsilbing tagasaksi sa pag-iisa nila sa pamamahala ng isang judge. Take note also that their marriage was kind of rushed because of the danger that served as their shadow back then. Nakabalik siya mula sa kaniyang mahabang pagmumuni-muni. Pinalis niya ang mga luhang lumandas sa kaniyang pisngi bago humalukipkip upang maiwasan ang panginginig ng kaniyang mga palad. She strengthened her facial expression before responding to the man who was waiting patiently for her answer. "No..." panimula niya. Isang salita na sobrang bigat at hirap na b
HINAWAKAN NIYA nang mahigpit ang kamay ni Dexter na parang dito siya humuhugot ng kaniyang lakas. She was sweating all over her forehead, pero nariyan ang lalaki sa kaniyang tabi upang punasan siya. Umiri si Xandra sa huling pagkakataon bago nila marinig ang pag-iyak ng sanggol na kaniyang iniluwal sa araw na iyon. "Sarah," malamyos niyang tugon nang tinanong siya ng babae kung ano ang pangalan ng bata. Matapos niyon ay tuluyan na siyang tinangay ng kadiliman. NAGSUOT SIYA ng sumbrero upang hindi mabatid ang kaniyang pagkakakilanlan. Dinampot niya pagkatapos ang susi ng sasakyan na nakalatag sa lamesa. Sa katunayan ay hiniram lamang niya iyon sa kumpare niyang mayaman. He has no money or anything at the moment. "Thanthan, baliw ka na talaga," bungad sa kaniya ni Ashton na nasa driver's seat nang siya ay makatungtong doon. "Dinamay mo pa ako sa katangahan mo. Sinaktan ka na nga ng babaeng 'yon tapos ngayon para kang adik na stalker sa buhay niya. Mangilabot ka nga riyan!" sermon pa
TRIGGER WARNING: FROM THIS CHAPTER 33 TO CHAPTER 39 MAY CONTAIN VIOLENCE, ABUSE, SEXUAL HARRASSMENT, SELF-HARM, AND SO ON THAT MAY ENCOUNTER. READ AT YOUR OWN RISK."ANO?! SAAN ka na naman galing?! Siguro patago ka na namang nakipagkita sa Nathan na 'yon, 'no?!" galit nitong sigaw matapos niyang sampalin nang malakas ang mukha ni Xandra.Napahinga nang malalim ang babae. Pagod na siyang magpaliwanag pa rito. Palagi na lang ganito ang nagiging bungad sa kaniya sa tuwing may nilalakaran siya. Nakakasawa na. Pinunasan niya ang dugong nagmula sa kaniyang labi bago ipakita sa lalaki ang mga basket na may lamang mga pagkain at kung ano-ano pa. "Namalengke lang ako. At saka, puwede ba? Hindi ko na nga nakikita pa si Nathan, matagal na kaming tapos niyon. Ikaw nga 'tong kasama ko ngayon, ng mga anak natin, kaya bakit ka ba nagdududa riyan? Kung ako sa 'yo, itigil mo na 'yang false accusations mo dahil wala kang mapapalang maganda riyan," sumbat niya rito. Dismayado pa siyang napailing-iling