"No! Don't...please don't" napabalikwas ako at malakas na napahagulhol.Napanaginipan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Sebastian at ang mga pinaggagawa ni Kathiana sa akin...sa amin.Nanginginig ang buong katawan ko at sobrang bilis ang tibok ng aking puso na halos hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko namamawis ang aking buong katawan at nanginginig ang mga laman ko.Parang gustong bumaligtad nang aking sikmura nang maalala ko ang ginawa sa akin ni Sebastian. Pero hindi ko ito masisi dahil alam kong wala siya sa tamang katinuan.Muli akong napaiyak nang muli kong narinig sa utak ko ang boses ni Kathiana. Ang tawa nitong parang tuwang-tuwa sa mga pinapagawa niya kay Sebastian. Ang mga salitang binitawan nito sa tuwing nakikitang nitong nahihirapan ako.How can she do such horrible things to us? Hindi ba siya natatakot sa Panginoon? Sobrang laki ang kasalanan niya sa akin, sa aming lahat. Dahil sa maling pag-ibig niya para kay Derick handa itong pumatay.Basang-basa na nang mga luha
Vin Derick's POV "Bakit naman kasi di mo na lang hingin kay Calyx ang location nang resort na yan? Kanina pa tayo paikot-ikot dito sa islang to. We're just wasting our time here, sana di na lang tayo sumunod!" reklamo ni Kathiana. Alam kong kanina pa ito naiinis kasi hindi ko mahanap-hanap ang resort kung saan nandon na ang mga kaibigan namin. We'll be having our post celebration for our graduation. Actually it's Calyx idea. Palagi daw sila dito nang family niya every summer. Since wala din naman kaming gagawin ni Kath inaya ko itong sumama kami kina Calyx at sa iba pa naming mga kaibigan. "Babe, relax... I already texted Calyx but he still didn't answer baka nagkakasiyahan na sila doon." Malambing kong sagot dito. Mainipin ito kaya iniintindi ko nalang, siguro dahil na rin sa edad niya. Kath is my girlfriend and my little sister's bestfriend. She's five years younger than me. Mabait naman ito yun nga lang medyo spoiled nag-iisang anak kasi. But I don't have any problem with that
It all started that night. From then, I already marked her in my mind. I marked her 'my soulmate' it may seem silly but that's what I feel about her. I can still remember how I make reason just to come to their university for me to have a look at what she's doing. Gusto kong makita kung sinong mga kaibigan niya o kung anong pinagkakaabalahan niya. But I think I made the wrong move 'coz I almost end up beating her friend or maybe boyfriend who's so arrogant as if he owned her.I'm planning how to get her attention but I think destiny is on my side. Pauwi na ako sa condo nang makita ko sila nang kaibigan niya sa tabi nang daan na parang naghihintay ng tulong.Tinigil ko ang sasakyan at halos lumabas ang puso ko sa sobrang takot at pag-aalala nang makita ko ang duguan nitong mukha. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagmamaneho papuntang pagamutan. Thanks God at hindi naman malala ang tama nang bato sa ulo niya.I offered her a job. Actually double purpose yun. I want to help her fin
"Andito ka na naman? Ilang taon na ba ang nakalipas,hindi mo parin siya mahanap?" Tanong sa akin ni Nanang na nagbebenta nang mga bulaklak sa harap nang simbahan. Marahan lamang akong umiling sa kanya. At kapag ganito ang naging sagot ko hindi na ako nito kinukulit pa. Today is supposed to be our wedding anniversary. Yearly bumabalik ako dito na may dalang bulaklak para sa kanya. I've been doing this for 9 years already. "Love, kung saan ka man ngayon, sana...sana bumalik ka na..." hindi ko maiwasang mapaluha sa tuwing naaalala ko ang luhaang mukha niya. "I'm sorry for being weak,Love. Kung sana naging matapang lang ako hindi ito nangyari sa atin...Please Love bumalik ka na... I can't take it anymore...sobrang sakit na nang puso ko Love..." sumbong ko sa kanya na parang nasa harap ko lang siya. Palaging ganito na lang ang eksena sa tuwing anniversary nang kasal sana namin. I spent my whole day staying in front of the church trying my luck...na baka sakaling maisipan niyang bumali
Marriage is the promise between to people who love, trust and honor each other. It is a promise that whatever challenges you face, you face them together. It is when you choose someone to spend the rest of your lives together.Ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko dahil ngayon matutupad na ang pangarap kong makasama habang buhay ang taong pinakamamahal ko. Ang taong tumanggap sa akin kung ano ako. Ang taong nagbigay ng bagong kahulugan sa buhay ko. Ang taong hiningi ko sa panginoon. Ang taong pupuno sa mga kakulangan ko. He is the half that makes me whole.Maaga akong naulila sa aking mga magulang. At the age of 16 natuto akong harapin ang buhay na mag-isa. Unang namatay ang nanay ko dahil sa sakit na kanser. Dalawang buwang lang ang lumipas sumunod naman ang tatay ko. Siguro dahil sa kalungkutan ng mawala si mama, nagising na lang ako isang araw na iniwan na din ako ni papa.Hindi nakayanan ni papa ang matinding kalungkutan kaya't inatake siya sa puso.Mahirap lang kami, walang ini
"SAPPHIRA!" dinig kong tawag sa akin ng president ng College of Engineering pero hindi ako lumingon. Alam kong kukulitin na naman ako nitong maging representative sa darating na Miss Intramurals.Binilisan ko ang aking paglakad at agad akong kumubli sa mga mayayabong na halaman sa likurang bahagi ng isa sa mga classroom dito sa block namin.Ewan ko ba dito sa president namin, sa dinami-dami ba naman ng mga engineering students na magaganda ako pa talaga ang pinagkakainteresan niya. Ang dami ko pang plates na kailangang tapusin. Wala akong panahon para sa pa-contest na yan.This is my last year in college. Ang daming requirements na dapat tapusin. Dagdagan pa ng pangungulit nila Kathiana sa akin.Alam naman nilang hindi ako mahilig sa mga beauty pageant na yan. Ayaw kong ipahiya ang department namin lalo na ang sarili ko. May question and answer portion pa naman. Anong isasagot ko? Baka pagdating sa Q&A magiging kulelat ako, nakakahiya!It's not that sobrang bobo ko na hindi talaga mak
"Baby girl, how are you?"maarteng bati ng bakla sabay beso kay Kathiana pagpasok namin dito sa sinasabing niyang agency nila.Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Talagang mapapa-wow ka sa ganda ng interior design nila. The details are superb, alam mong hindi putcho-putcho yung nag-plano nito.Napansin kong ang daming magagandang babae at lalaki ang labas masok sa gusali. Ito siguro yung sinasabi ni Kathiana na mga models na mina-manage ng kanilang agency.Bigatin pala talaga itong si Kathiana, pero hindi man lang halata sa kilos nito. I mean maganda siyang manamit, bagay sa kanya dahil maganda rin naman siya pero hindi mo talaga siya makitaan ng hangin sa katawan."Mama O." bumeso rin ito sa bakla. Ganito talaga pag mga sosyal noh beso-beso talaga, eh kaming dalawa ni Daphne apir lang okay na."I'd like you to meet Sapphira, siya yung sinasabi ko sayong representative namin for the Miss Intramurals." Nakangiting pakilala ni Kathiana sa akin.Umayos ako ng tayo kasi ako ng tingin
"Hoy Sebastian! Tigil-tigilan mo nga 'yang bestfriend ko. 'Pag kami hindi nakapag-submit ng plates bugbog ka sa akin!" pagtataray ni Dani sa kaibigan naming architecture student na kanina pa nangungulit sa akin. Noong lumipat kami ni Dani dito sa University, siya ang unang naging close naming dalawa. Nababaitan kami dito kaya kinaibigan namin ni Daniella. Magti-third year kami ni Dani noong lumipat kami dito sa siyudad. Parehas kasi kaming dalawa mataas ang pangarap. Maganda naman 'yong paaralan namin sa isla kaso naisip naming mas maraming oportunidad dito sa city tsaka mas marami kaming mapagkakakitaan ni Dani dito. May pang-tustos kami sa aming pag-aaral. Si Seb ang nagsilbing guide namin ni Dani noong bagong salta pa lang kami dito, kaya naging malapit kami sa kanya. Kahit mayaman ito, hindi ito kailaman nagyabang sa estado ng pamumuhay nila sa amin. Imagine, mag-ta-tatlong taon na rin pala ang pagkakaibigan namin. Good thing, parehas pa kaming tatlo na graduating this year. "D