Share

Chapter 15

“T-teka Lang…” saad ko.

Nagtatanong na mga mata ang iginawad niya sa akin. Nag iwas ako ng tingin. Anong kalokohan na naman itong pinagsasasabi niya? Kaming dalawa? Ikinakasal? Nag aadik na yata ‘tong lalaking ‘to, e!

“May gusto ka ba sa akin?” diretsahan kong tanong na talaga namang nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

“What?! Umaasa ka ba?” natatawang aniya.

Aba! At nagawa niya pa akong tawanan? Hindi ba dapat ako itong natatawa sa mga pinagsasasabi niyang kasal-kasal? Tsk!

“Feeling ko may gusto ka na sa akin. Napapanaginipan mo na ako, e!”

“ Asa ka!” maupo ka na nga lang doon at ako na ang maglilinis niyang mga isda. Kung anong pinagsasasabi mo d’yan!” sabi niya pa at nagtungo na sa lababo para linisin ang mga isdang iihawin namin.

“Hmp! Makapagsalita ka d’yan, e ikaw nga itong kung ano-ano ang sinasabi,” tugon ko saka padabog na nagtungo sa sala upang doon umupo.

Agad akong napahawak sa tiyan ko nang narinig ang pagtunog nito. Gutom na naman ako!

“Gutom ka na?” agad niyang tanong.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status