Share

Chapter Seventy-two |2|

ALAS-NUEBE na nang tumigil sa isang malaki at mataas na gate ang kotseng kinalululanan nila. Katulad sa dati nilang bahay, awtomatik na bumukas ang malaking tarangkahan nang may remote na pindutin si Russel.

Pumasok ang sasakyan sa loob ng isang malawak na front yard. Binagtas nito ang may kataasan at kahabaan ng driveway hanggang sa marating nila ang tuktok kung nasaan ang bahay. Malaki iyon, kulay puti at matatawag na niyang mansiyon.

Napangiti siya nang tuluyang huminto ang kotse. Mula sa loob ng sasakyan, tinanaw niya ang malaking double doors ng mansiyon.

Nang pagbuksan naman siya ng lalaki, namangha pa siya nang matitigan mula sa tuktok ng driveway ang front yard na puno ng iba't ibang mga bulaklak. Karamihan pa sa mga ito ay peonies na may iba-ibang kulay.

Naramdaman niya ang pagpulupot ng mga bisig ni Russel mula sa likuran niya, kasabay nito ang pag-ihip nang malakas na hangin na tumatama sa kaniyang mukha.

"Did you like the house?" bulong

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status