Share

Chapter Seventy-two

NAPANSIN niyang sandaling natigilan si Megara sa sinabi niya, pero kapagkuwa'y tumango na lang din ito. Itinuro nito ang mga pagkain at bahagyang ibinuka ang bibig. Napangiti siya bago ito muling sinubuan.

Ilang linggo na rin niyang pinapaasikaso ang paghahanap ng bagong bahay para sa kanila ni Meg. Pakiramdam niya ay mas magiging ligtas ang asawa sa ibang lugar.

Ang dating bahay nila ay kabisado na ng lalaking si Rinhu Tianok, maging si Narissa ay alam na rin nito. At sa nangyari kanina, duda siyang titigilan siya ng babae.

Malakas ang loob nitong magpakita kay Meg dahil buntis ito. Oras na malaman ng asawa niya ang kalagayan ni Narissa, paniguradong hindi na siya mapapatawad pa ng asawa.

"Say 'ah'," bahagya pa niyang ibinuka ang bibig matapos sabihin iyon.

Sinunod naman siya ni Meg, binuka nito ang mga labi at hinintay ang pagkain na isusubo niya. Hindi niya iniwan ang asawa, ni hindi niya ito hinayaan na kumilos, hangga't hindi nauubos ang pagka

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status