Share

Chapter Thirty-three

MAG-A-ALAS-SIETE pa lamang ng gabi, narinig na ni Megara ang paghinto ng kotse sa tapat ng kanilang bahay. Ayaw man niya, pinilit niya ang sarili na tumayo at lumapit sa pinto.

Ganoon na lang ang pagsinghap niya nang sa pagbukas niya ng pintuan, bumungad sa kaniya ang lasing na si Russel. Namumungay ang mga mata nito, nangangamoy alak at hawak na sa isang kamay ang hinubad nitong itim na blazer.

Sinubukan niyang langhapin ang pabango ng babae na lagi niyang naaamoy rito, pero sa hindi malamang dahilan, tanging alak at pabango ni Russel na lamang ang naaamoy niya. Nawala na ang pabango ng babae nito.

"Lasing ka na naman," komento niya saka sinubukang alalayan ito, pero napahinto siya nang i-angat nito ang isang kamay para pigilan siya.

"Huwag mo akong lapitan."

Natigilan siya at napatitig sa mukha nito. Mabilis siyang nakaramdam ng kirot sa kaniyang puso. Parang sinasaksak ng kutsilyo ang dibdib niya.

Humakbang ito at pumasok sa loob ng kitch

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status