Share

Kabanata 117

Sana tuloy tuloy na ito. Napangiti ako sa sinabi niya. At napansin niya iyon.. Yumakap siya sa'kin ng mahigpit. Tumayo ako at niyakap siya pabalik.

"Yuan, kahit isang taon lang.. Seryosohin mo ako para maramdaman ko yung pakiramdam ng sineseryoso." I said.

"Seryoso lang? Ayaw mong maranasang mahalin ko at alagaan?" nakataas ang kilay niyang tanong. Napangiti ako.

"Syempre gusto. Sino ba namang may ayaw ng ganoon." nakangiti kong sagot.

"No need to worry. Hindi lang isang taon. Do you want to be with me, for real?" seryoso at may lambing ang boses niyang sabi.

"Sino ba namang hindi gusto noon? syempre gusto ko." nakangiti kong tugon.

"Engagement and wedding for real? Hindi na deal lang?" nakangising tanong ni Yuan. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Let's go! Gusto ko yun!" masaya kong sambit. Tumango siya.

Nag tungo kami sa may kusina at nag luto ng tanghalian para sa mga bata. Tuwang tuwa naman sila Yohann at Dryce dahil makakaranas sila ng Lutong bahay. Mismong luto ng mga magulang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status