Ruel point of viewKinabukasan.Maagang siyang nagpunta sa dati nilang tinatambayan. Pagdating niya sa Crystal Bar ay kaagad siyang sinalubong ng dagat ng tao na puro nakainom kahit na maaga pa lang.Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng bar at huling dumako ang mga mata niya sa stage kung saan may nagsasayaw doon na walang kahit isang suot.Habang nakatanaw siya sa stage at nanunuod sa show ay may naramdaman siyang presensya sa tabi niya."Wala pa rin pinagbago ang Crystal Bar," sambit ng kaibigan niya.Tumango siya bilang pagsang-ayon ng hindi tinatapunan ng tingin ang kaniyang katabi."Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?" Tanong nito sa kaniya.Naramdaman niya ang unti-unting pagkawala ng presensya nito sa tabi niya kaya alam niya na umalis na ito.Minsan pa ay tinitigan niya ang babaeng nagsasayaw bago siya tumalikod sa stage para sundan ang kaibigan niya.Pagtalikod niya ay kaagad niyang nakitta ang kaibigan niya hindi kalayuan sa kaniya. Papunta ito sa may bar counter.Bin
Ruel point of viewMatiyaga siyang nagmamanman sa labas ng mansiyon. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatanga sa malayong parte ng mansiyon pero isa lang ang masasabi niya. May katagalan na rin dahil malapit ng bumaba ang araw."Haist! Hanggang anong oras pa ba akong maghihintay dito!? Bwisit kasing Gabriel na 'yon!" Galit na aniya. Kinuha niya ang binocular na lagi niyang dala at mula doon ay sumilip siya sa bintana na walang takip na kurtina. Nakakita siya ng image mula sa loob pero hindi malinaw.Nakakunot ang noo na inilayo niya ang binocular sa kaniya ay pinunasan iyon gamit ang damit niya.Pagkatapos punasan ay muli niyang ibinalik ang binocular sa tapat ng mata niya at sinipat ang bintana na una niyang sinipat.Pagkatapat niya ng binocular sa bintana ay malinaw na niya ngayong nakikita ang mga nasa loob, pero ang kaibahan ay wala na ang kanina lang mga image na nakikita niya."Damn!" Mura niya. "Balik na naman sa matiyagang pagbabantay!" Napapakamot sa ulo na dugt
Third person point of viewMabalis ang patakbo ni Ruel sa kotse na sinasakyan. Habang matulin siyang nagmamaneho ay hind mawala sa isip niya ang nangyari kanina.Palipat-lipat ang tingin niya sa sa unahan at sa side mirror ng kotse niya, pakiramdam kasi niya ay may nakasunod sa kaniya. Sa totoo lang ay isa ito sa ikinakakaba niya dahil mula noong umalis siya ng vicinity ng mansyon ng mga Dela Constancia ay pakiramdam niya may nakasunod na sa kaniya.Tinawagan niya ang numero ni Calixta para ipaalam dito ang mga nangyayari pero ilang ring na ay wala pa rin sumasagot sa tawag niya."Damn it Calixta!" Mura niya habang patuloy pa rin sa pagtawag sa numero nito.Mawawalan na sana siya ng pag-asa ng bigla siyang nakarinig ng mga kalabog sa kabilang linya.Kumabog ng malakas ang dibdib niya at kaaagad siyang pinanginigan ng katawan pagkarinig sa malakas na sigaw ni Calixta."Calixta, what is happening!?" Takot na takot na tanong niya dito.Imbes na sagot ay pagpalahaw ni Calixta ang pumuno
Ruel point of viewPagkatapos kuhanin ang lahat ng mga kailangan niya magmula sa mga baril, ammunition at iba pang pwedeng gamitin para sa laban ay tumulak siya papunta sa bahay ni Gabriel para maningil ng utang kagaya ng ipinangako niya.Mabilis ang patakbo niya papunta sa bahay ni Gabriel. "Hintayin mo ako Gabriel kasi magtutuos tayo sa ginawa mo sa mahal koooo!" Pasigaw na aniya at muling tinapakan ang gas pedal.After thirty minutes of driving papunta sa novaliches kung saan nakatira si Gabriel ay mabilis na itinigil niya ang sasakyan niya sa harapan ng bahay nito.Kinalambag niya ng dalawang beses ang gate ng bahay nito."Gabriel, lumabas ka diyan!" Sigaw niya habang patuloy siya sa pagkalambag sa gate ng bahay nito.Ilang minuto na siyang kumakatok ay wala pa rin lumalabas kaya naman inakyat na niya ang gate ng bahay nito gamit ang maliliit na bakal na nakalagay doon bilang hagdan.Hindi niya alam kung anong utak ang pumasok sa kaibigan niya para maglagay ng ganito, ang labas
Florence point of view"May kinalaman ba kayo sa nangyari kay Calixta?" Pag-uulit niya sa naging tanong niya, tungkol sa nakita niya na post sa social media platform (facebook) about sa accident ni Calixta. Hindi niya alam kung bakit niya nakita ang post na iyon, gayong hindi naman sila friend nito, pero hindi niya maiwasan na pagtagni-tagniin at ikonekta ang mga nangyari mula sa pamamaril sa bahay nila at sa nangyari kay Calixta.Namutawi ang katahimikan sa pagitan nila, sa gilid ng mga mata niya ay nakikita niya ang palihim na pagtitinginan ng mga magulang niya at mga magulang ni Connor."Mom! Dad!" Inis na sigaw niya para patigilin ang mga ito sa ginagawang paglilihim sa kaniya.Nagpakawala ng malalim na pagbuntong hininga ang Daddy at Mommy niya. Hinarap siya ng mga ito at diretsong tinitigan, "there's a reas-," sambit nito na hindi na niya pinatapos dahil sapat na ang mga narinig niya."So you are the one behind it!" She stated. Hinintay niya na tumango o umiling ang mga ito at n
Ruel point of view"I'm sorry sir, but kailangan na po siyang idala sa morgue," sambit ng isang boses.Mula sa pagkakatulala ay mabilis siyang tumingin sa nagsalita. Nakita niya ang dalawang lalaki na nasa harapan ng hinihigaan ng kaibigan niya at nakahawak na ang mga ito sa gurney base sa suot ng mga ito ay nahulaan niya kaagad na staff ito ng hospital.Tumalim ang mga mata niya, "morgue!?" Galit na bulyaw niya. "Bakit ninyo dadalhin sa morgue ang kaibigan ko, hindi pa siya patay!" Dugtong pa niya at hinarangan niya ang mga staff ng hospital na gustong kuhanin ang katawan ng kaibigan niya.Nagkatinginan ang dalawang nasa harapan niya at bakas ang pagtatakha sa mukha ng mga ito. Nagbulungan pa ang mga ito, isang bagay na mas lalong ikinagalit niya."Umalis na kayo dahil wala kayong mapapala dito, hindi pa patay ang kaibigan ko!"Walang nagawa ang dalawang staff ng hospital kung hindi ang umalis nalang. Pagkalabas ng mga ito ay muling bumalik sa kaniya yung mga panahon na hindi pa sila
Calixta point of view"Ikaw na nga ang inaalala pero ikaw pa ang nagagalit. Magsama kayo ng halimaw mong kaibigan!" Sigaw nito at tumatakbong lumabas ng morgue, muntik pa itong mabangga sa pinto.Kaagad siyang na-konsensya sa nagawa niya dito kaya naman hinabol niya ito para sana suyuin pero habang nakikita niya itong paulit-ulit na nadadapa at bumabangon ay natigilan siya at tahimik lang na tinatanaw ito.Ilang minuto pa niyang tinanaw ito bago siya naglakad pabalik sa morgue."Mas mabuti na siguro na maghiwalay kami ng landas para na rin sa kaligtasan niya," pagkausap niya sa kaibigan niya.Ilang beses pa niyang kinausap ang kaibigan niya bago siya nag-desisyon na umalis ng morgue. Nag-iwan muna siya ng isang liham at one hundred thousand in cash para sa lahat ng expenses pati sa pagpapalibing sa kaibigan niya.Pagkalabas niya ng morgue ay muli siyang tumingin sa huling pagkakataon. Kasabay ng pagtulo ng luha niya ay ang pamamaalam niya sa kaibigan na ilang beses nagligtas sa kaniya
Connor point of viewIt feels like deja vu. Hawak niya ngayon ang mga kamay ng walang malay na si Florence, just like noong nag-crash ang eroplano nito, walang kasiguraduhan kung magigising ito at tanging milagro nalang ang kakapitan."Why you did not stopped her!?" Galit na sigaw ng Mommy ni Florence. Lumapit ito sa kaniya at pinagsusuntok siya sa mukha.Sobrang sakit ng mga suntok nito pero walang wala ang mga ito sa sakit na nararamdaman niya habang hawak niya ang kamay ng walang malay niyang minamahal.Hindi siya nakakibo dahil hanggang ngayon ay shock pa rin siya sa mga nangyari."Sumagot ka! Bakit hinayaan mo ang anak ko na magkaganito!?" Muli ay sigaw nito habang mas nilalakasan ang pagsuntok sa kaniya.Tahimik lang na tinanggap niya ang mga suntok na ibinibigay ng Mommy nito."Consuelo, aksidente ang mga nangyari kaya hindi mo pwedeng sisihin si Connor," sambit ni Daddy Dominador at sapilitang inilayo sa kaniya si Mommy Consuelo."No Dominador! Wala siyang ginawa para protekta