Calixta point of viewOne month has passed."Miss Dela Vega, can you slowly open your eyes for me?" Patanong na utos ng doctor.Takot ang nararamdaman niya dahil ayaw niyang ma-dismaya siya sa resulta ng eye transplant niya.One month ago ay tuluyan siyang nabulag, walang kahit anong liwanag siyang nakita hindi kagaya noong una na mayroon kaunting liwanag. Noong mga panahon na iyon ay ang plano niya sana na gantihan sina Florence at Connor pero dahil sa pagkabulag niya ay wala siyang nagawa kung hindi ang ipagpaliban ang paghihiganti na gusto niya. Isang linggo pagkatapos niyang mabulag ay humanap siya ng pwedeng maging donor and luckily ay nakahanap siya sa tulong ng mga doctor na kakilala niya.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Napuno siya ng kaba dahil tanging blurry lang ang nakikita niya."Is your eyesight okay?" Tanong muli ng doctor.Kumurap siya baka sakaling magbago ang mga blurry na nakikita niya at halos mapatalon siya sa saya dahil habang tumatagal ay lumilin
Connor point of viewIsang linggo na ang nakakalipas mula noong nagpunta sila sa bahay ni Ruel sa pagba-baka sakali na makita doon si Calixta at makausap ito, at hindi naman sila nabigo, nakausap nila si Calixta pero hindi naging maganda ang kinalabasan. Sa loob ng isang linggo wala silang ginawa kung hindi ayusin ang kasal nila habang naghihintay ng pag-atake ni Calixta, pero hindi nangyari ang inaasahan niya na labis niyang ikinakatakot dahil baka kung kailan ikakasal sila ni Florence ay saka ito manggulo."Bro, kanina ka pa namin kinakausap pero nakatulala ka lang diyan sa labas ng simbahan. Sabihan mo kami kung hindi ka pa handang magpakasal para naman maitakas ka na namin habang hindi pa nagsisimula!" Nawala ang malalim niyang iniisip nung marinig niya ang natatawang boses ni Arisson- asawa ni Joana Me, panganay na anak ni Dominador at Consuelo."Arisson ano ka ba, hindi na tatakbo yan si Connor dahil sigurado na nasa tapat pa lang ng simbahan yan ay lumpo na 'yan," natatawang
Connor point of viewMabilis kaming nakarating sa lugar kung saan dinala ni Calixta si Florence, medyo nahirapan pa kami dahil may kalakihan ang lugar at marami ang pasikot-sikot pero eventually ay nahanap din naman namin.Naglakad siya ng dahan-dahan sa likod ng isang may kalakihang poste at mula doon ay nakinig siya ng mga pinag-uusapan.Humigpit ang hawak niya sa baril na dala niya pagkatapos marinig ang nagmamakaawang boses ni Florence."Damn you Calixta!" Mahina at madiin na sambit niya. Mabilis siyang tumayo at sinenyasan ang Daddy ni Florence na mauuna na siyang sumugod.Nasa tapat niya lang ito kaya madali lang silang nagkaintindihan. Tumango ito at sinenyasan siya na umabante na kaagad niyang sinunod. Maingat ang bawat hakbang niya pero may pagmamadali din siya dahil habang tumatagal na hindi niya nakikita si Florence at tanging mga hikbi lang nito ang naririnig niya ay para siyang masisiraan ng bait.Nagkubli siya sa likod ng pinto at palihim na sinilip ang mga nangyayari
Connor point of view"Bro, do you think may manggugulo pa sa kasal niyo ni Florence?" Tanong ni Alisson na nakatayo sa tabi niya."Yeah, I still can't recover from that past incident," tugon naman ni Arisson.Nakangiti siyang umiling bilang sagot sa naging tanong ni Alisson ng hindi inaalis ang tingin sa bukana ng simbahan kung saan nakatayo at naghahanda ng maglakad papasok ng simbahan nag mapapangasawa niya.Sino ba ang makakalimot sa nangyaring insidente na iyon? Noong mga panahong iyon ay akala niya mawawala na ng tuluyan si Florence sa kaniya, habang papunta sila ng hospital ay doon niya unang naramdaman ang kahinaan dahil sa pagkakasaksi niya kung paano dahan-dahan na pumikit ang mga mata ni Florence. Noong mga oras na iyon ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak at tahimik na magdasal na bigyan pa siya ng pagkakataon na makasama ang babaeng mahal niya at ang magiging anak nila."Bro!" Pasigaw na sambit ni Arisson.Napatingin siya dito only to find na nasa tabi na pala
Third person point of view"This is Calixta Dela Vega, a business partner and a girlfriend of mine," buong pagmamalaking pinakilala ni Connor ang magandang babae na nasa tabi nito.Natigilan si Hastiana sa tangkang pag-inom ng alak at nanginginig ang kamay na naibaba ang baso.Girlfriend? Yeah, how stupid of her to not think na walang kasintahan si Connor. Nangilid ang luha niya kasabay ng paninikip ng dibdib niya pero hindi niya hinayaan na tumulo ito.Nanatili siyang kalmado habang pinapanood ang may malaking ngiti na si Calixta habang tinitignan sila isa-isa."Hi! My name is Calixta and I am Connor's girlfriend. It's a pleasure to meet you guys!" She has the sweetest smile like a candy, hindi kagaya niya na mukhang nakakain ng maasim na candy.Kinuha niya ang baso na nasa harapan niya para muling lumagok ng alak."I didn't catch your name, are you one of my boyfriend's employee?" Tanong nito na hindi niya alam kung para kanino dahil ang tingin niya ay nasa baso lang na hawak niya.
"Take me!" Matapang na aniya dito habang nanghahamon na nakatingin sa gulat nitong mga mata.Tumalim ang mga mata nito, "what the hell are you saying?" "I'm pretty sure you heard me, Connor.""Get dress! Wala ka na bang respeto para sarili mo," dismayadong umiiling na sambit nito bago siya tinalikuran.Para siyang sinuntok ng malakas dahil sa naging reaksyon nito.Respeto? Sa ilang taon na paghahabol niya rito kahit hindi naman siya nito napapansin ay hindi na niya maalala ang salitang respeto. "Naduduwag na ba ang certified fvck boy na si Connor Sullivan?" Nanghahamon na tanong niya dito.Mabilis na bumaling ito sa kaniya at nakipag sukatan ng tingin.He went rigid and before she knew it ay napailalim na siya sa mga bisig nito. At hindi na pinakawalan ng lalaki hanggang sa sakupin nito ang nakaawang niyang labi. Napapikit na lang siya ng maramdaman ang halik ng isang Connor Sullivan.Hindi lubos akalain ni Hastiana na magagawa niyang magpaubaya sa isang tao kahit na walang namamagi
Third person point of viewThree months later..."Congratulations, you are pregnant!"Natigilan siya at namutla pagkarinig sa sinabi ng doctor. She's pregnant and Connor is the father. Ano na ang gagawin niya ngayon."S-Sigurado po ba kayo doc?" Naninigurado na tanong niya. "Baka po delay lang ang menstruation ko or baka hormonal imbalance lang?" Dugtong niya na umaasa sa sagot na nais niyang marinig.Pero sino ang niloloko niya kaya nga siya nandito sa hospital ay dahil sa mga sintomas na nararanasan niya. Vomiting, nausea and cravings, idagdag pa ang delayed na menstruation na never nangyari.Naguluhan ang kaharap niyang doctor, "yes I am certain, pero kung gusto mo na makasigurado ay bumalik ka dito after a month para makapagsagawa ako ng ultrasound," suhestiyon nito.Tumango siya habang unti-unting nagsi-sink in sa utak niya ang problema na kinakaharap niya ngayon.Wala sa sarili na tumayo siya at kinamayan ang doctor, "pakiusap ko lang po na wala muna sana makaalam ng napag-usap
Third person point of view"What a slut!" "Tch!"Ramdam niya ang paninigas ni Brent habang yakap siya dahil sa mga komento na narinig nila. "You need to learn to restrain your pet!" Ganting komento ni Brent. Natigilan siya at napatingin sa kaibigan niya dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito."What did you just call me!?" Galit na singhal ni Calixta.Napatingin siya sa gawi ni Calixta dahil sa biglaan nitong pagsasalita. Galit. Iyon ang nakikita niya ngayon sa mga mata ni Calixta, habang nakatingin ito kay Brent. Hindi niya alam kung bakit pero parang may nag-uutos sa kaniya na tignan si Connor kaya naman iyon ang ginawa niya pero sana ay hindi nalang niya ginawa dahil puno ng pandidiri ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya at kay Brent.Saka lang niya na-realize kung ano ang sitwasyon nila ni Brent. Humiwalay siya kay Brent pero hindi siya nito hinayaan."You are a pet. Nothing more, nothing less," pang-iinsultong wika ni Brent.Mas lalong nagalit