Third person point of viewOne month later..."Love ano ang tingin mo na magandang ayos para sa room ng baby natin?" Natutuwang tanong ni Calixta habang nakapameywang na iginagala ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Nandito sila sa isa sa mga guestroom ng bahay niya, nagdesisyon kasi ito na ito nalang ang gawing kwarto ng anak nila since mas malapit ito sa kwarto nilang dalawa.It's been a month since nalaman niya na magiging Daddy na siya at isang buwan na rin siyang walang balita kay Hastiana.Sa totoo lang ay naninibago siya dahil nasanay na siya na lagi itong nakikita dahil panay ang sunod nito sa kaniya at magsisinungaling siya kung sasabihin niyang wala siyang pakialam dahil sa totoo lang ay nami-miss niya ito."Love, what's wrong?" Naramdaman niya ang mga kamay na yumapos sa baywang niya at humimas sa katawan niya kasabay ng nang-aakit na tanong.Nakaramdam siya ng pagkaka-irita. Aalisin na sana niya ang kamay nito na nakayakap saa kaniya nung marinig niya ang malakas na kalamb
Third person point of view"Saan ba kita hahanapin?" Napahinga ng malalim si Connor at nawawalan ng pag-asa na naupo sa isang bench. Isang linggo na niyang nililibot ang buong metro lahat ng pwedeng puntahan ni Hastiana mula sa mga shopping malls ay pinuntahan na niya maging ang lahat ng kaibigan nito ay binisita niya pero ang lahat ng ito ay tanging pag-iling lang ang naging sagot sa kaniya. Habang nakaupo siya ay naalala niya ang best friend niya. Ito nalang ang pag-asa niya kaya naman gagawin niya ang lahat para malaman kung nasaan si Hastiana at ang anak niya.Mabilis na naglakad siya papunta sa pinagparadahan niya ng kotse niya at nung malapit na siya sa kotse niya ay nakita niya ang kaibigan niya na nakatayo sa tapat niyon."Blake," mahinang tawag niya sa pangalan nito.Napatingin ito sa kaniya at kaagad na tumalim ang mga mata nito at nagsimulang tumalikod."Help me, please." Pakiusap niya.Tumigil ito at dahan-dahan na humarap sa kaniya."Ani ang gagawin mo kapag nahanap mo
Third person point of view"Mr. Sullivan, what brings you here!?" Gulat na tanong ni John habang nakatingin kay Connor na matikas na naglalakad papasok sa opisina nito. Pagala-gala ang mga mata ni Connor sa buong paligid sa pagbabaka-sakali na makita niya si Hastiana, it is their restaurant anyway."I was in the area, checking some important things so I decided to visit," sagot niya na malayo sa katotohanan.Ngumiti ito sa kaniya, "sayang hindi mo inabutan ang team ko. Nakilala ka sana nila, nakauwi na kasi sila," paliwanag nito.Nagulat siya, "nagtatagalog ka!?" Gulat na tanong niya.Tumawa ito ng malakas, "parehas na parehas kayo ng reaksiyon ni Florence," natatawang wika nito.Nanigas siya sa kinatatayuan niya, kaagad na kumuyom ang kamay niya kasabay ng malalim na paghinga pagkarinig sa pangalan na binanggit nito."Florence?" Patanong na inulit niya ang pangalan na sinambit nito habang pilit na kino-kontrol ang paghinga niya."Yes, one of the employee under my department, why?" T
Third person point of viewPinipiga ang puso ni Hastiana habang naririnig niya ang malungkot na boses ni Connor habang nakikiusap sa kausap nito sa cellphone.Tinutop niya ang bibig para pigilan ang paghikbi pero kumawala pa rin iyon.Mabilis siyang umalis sa pagkakasandal sa likod ng pinto para pumunta sa kama at doon umiyak.Nagtatalo ang puso at isip niya, isinisigaw ng isip niya na hindi deserve ni Connor ang kapatawaran para sa nagawa nito pero ang sigaw ng puso niya ay kasiyahan dahil sa wakas nagawa na siyang pansinin ng lalaking mahal niya.Hindi niya na alam kung gaano na siya katagal na umiiyak basta ang alam lang niya ay nakatulugan na niya iyon pero bago siya tuluyang makatulog ay nakarinig siya ng mahinang pagkanta mula sa labas ng kwarto niya.Kinabukasan ay maaga siyang bumangon dahil may trabaho pa siya pero hindi iyon ang dahilan kung bakit maaga siyang nagising.Tumayo siya at kaagad ng naghanda para pumasok, nag-apply lang siya ng light make-up and all set na siya.
Third person point of view"Spain, huh!" Nakangising sambit ni Connor habang nakatingin sa cellphone niya kung saan may nakalabas na mapa at sa gitna noon ay may maliit na red dot na paulit-ulit na nagbi-blink."What is it?" Curious na tanong ng nasa kabilang linya.Napailing si Connor dahil nakalimutan niya na may kausap pa pala siya sa kabilang linya."Just like you predicted, umalis siya ng walang paalam," sagot niya na hindi maitago ang lungkot."Don't be sad man!" Natatawang sambit nito."Thanks bro, kasi tinutulungan mo pa rin ako sa kabilang ng mga nangyari," pasasalamat niya.Masaya siya na may kaibigan siyang kagaya ni Blake.Natawa ito, "much as I wanted to see you suffering, ayokong lumaki na walang tatay ang pamangkin ko pero sa oras na sinaktan mo ulit si Florence ay ha-huntingin kita hanggang impyerno!" pabiro pero may halong pagbabanta nito.Umigting ang panga niya hindi dahil sa pagbabanta nito kung hindi dahil sa pangalan na binanggit nito."Hastiana bro, Hastiana!" M
Third person point of viewNaglalakad sa airport si Connor para mag-check in dahil uuwi na siya ng pilipinas nung mula sa gilid ng mga mata niya ay natanaw niya ang isang monitor. Pinagkakaguluhan iyon ng mga kapwa niya pasahero. Nilagpasan niya iyon at hindi pinansin pero dala ng curiosity at parang may nagtutulak sa kaniya na tignan iyon ay naglakad siya pabalik para tignan ang monitor.Pagdating niya sa tapat ng malaking monitor ay nakita niya ang isang pribadong eroplano ang umuusok habang nasa pangpang ng karagatan."Kawawa naman, ang sabi ay papuntang spain ang eroplano na iyan," dinig niyang pakikisimpatya ng katabi niya.Noong una ay parang wala lang sa kaniya ang sinabi nito pero unti-unting nanlaki ang mga mata niya pagkatapos mapagtanto ang sinabi nito kasabay non ay malakas na tumunog ang cellphone niya.Nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib niya kasabay ng panginginig ng katawan niya.Kinuha niya ang cellphone niya at tinignan kung sino ang tumatawag. Kaagaad siyang
Third person point of viewNaupo sa tabi ng kama ni Florence si Connor at umiiyak na hinawakan niya ang kamay nito."F-Florence, w-wake up p-please," umiiyak na pakiusap niya dito habang mahinang pinipisil ang kamay nito.Nung wala itong naging response ay mas lumakas ang paghikbi niya at dinukdok niya ang ulo niya sa ibabaw ng kamay nito. Hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili niya sa nangyari dito. Kung hinayaan nalang sana niya ito ay baka wala ito sa hospital ngayon.Nakarinig si Connor ng mahinang pagbukas ng pinto. Hindi na siya nag-abala pa na tignan kung sino iyon"Who are you and why are you here!?" Naaalarmang tanong ng isang babae.Hindi na makuha pa ni Connor na tignan ang nagsalita dahil sa sobrang pagod na nararamdaman niya. Hinayaan niya nalang itong magdaldal at tumawag ng security habang siya naman ay dahan-dahan ng pumipikit dahil sa antok."Promise ko na kahit araw-araw mo akong guluhin at sungitan ay hindi ako magagalit basta gumising ka lang," mga huling pakiu
Third person point of view"Sir, you need to wake up!" Sigaw ng nurse.Napabalikwas ng bangon si Connor at kinakabahan na napatingin siya kay Florence.Napahinga siya ng maluwag nung makita na ayos lang ito at walang nangyari masama. Bumalik siya sa pag-upo bago hinawakan ang kamay nito at hinalikan ang likod ng palad."Wake up Love, nag-aalala na kami ng sobra sa iyo," bulong niya. "Love?" Dismayadong tanong ng isang boses babae.Mabilis na bumaling siya sa nagsalita at doon lang niya napansin na marami na palang tao sa room ng girlfriend niya. Isa-isa niyang tinignan ang mga nasa loob ng room. May tatlong babae na nurse ang nakatingin sa kaniya at tatlong lalaki na nakasuot ng uniporme na may nakatatak na security."Who are you and why are you here?" Gulat na tanong niya sa mga ito. "We are the one that should ask you that question. You went in here without permission. So who are you?" Nakataas ang kilay na tanong ng isang meztisa at may blonde na buhok na nurse sa kaniya."I am