Share

Chapter 27

ISA

MADALI akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa dating mansion ni Uno. May dinaluhan silang occasion ni Gwen at mga dalawang oras pa bago sila bumalik.

Kailangan kong makuha ang anak ko. Ngayon na ang tamang oras para makaalis kami dito. Ilalayo ko siya sa dalawang iyon!

Pagdating sa mansion, agad akong nag-doorbell. Paulit-ulit pero walang sumasagot o lumalabas man lang ni isang tao sa gate.

"May tao ba dyan? Alas? Anak! Nandito na si Nanay!"

Gusto kong maluha habang sumisigaw at walang katapusang pinipindot ang doorbell. Bakit parang walang tao sa loob? Parang wala si Alas? Nasaan ang anak ko?

"Alas! Anak! Nandiyan ka ba? Ako ito, si Yaya Isa!"

Inabot ako ng halos kalahating oras sa labas. Hindi ako sumuko sa pagsigaw sa isiping baka ayaw lang nilang ipakita sa akin ang anak ko. Isang katulong mula sa katabing mansion ang lumabas at nagsabi sa akin na bago lang umalis ang mga taong nakatira dito.

Sigurado akong sina Gwen at Uno ang may kagagawan nito! Inalis nila dito ang anak ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (27)
goodnovel comment avatar
Rowena Orbos Nicor
nakakaealang gana story na ito .
goodnovel comment avatar
Imelda Pecson
why not tell Uno Kung another tlga g cause why she left or leaved him pra yata to hatred or bayolente ang plot ng story, sna wag nman masydo, pra ignorance n rin kay isa parte she must tell everything to uno then ns knya n un action ggwin niya for his kids specially for heart and for his mother acts
goodnovel comment avatar
Missy F
siraulo kang lalake ka...ikaw Isa, lumaban ka..once nakuha mo na si Alas, tumakas na kau..wla kwenta si Uno
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status