Share

Chapter 35

ISA

DUMAGUNDONG ang malakas na kulog sa katahimikan ng gabi. Patuloy lang ako sa pagtakbo habang walang ibang iniisip kundi ang mga anak ko at si Uno.

Sigurado akong mag-iimbento ng istorya si Gwen tungkol sa akin. At magagalit na naman si Uno. Kailangan ko siyang makausap! Kailangan kong magpaliwanag bago pa malason ulit ang isip niya tungkol sa akin.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na napansin ang daang tinatahak ko. Bumalik lang ako sa reyalidad nang biglang may lumabas na kotse mula sa kung saan. Sa bilis ng takbo nito ay huli na para umiwas ako.

"Hija? Gumising ka."

Unti-unti akong nagkamalay dahil sa mahihinang pagtapik ng kamay sa pisngi ko. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ang mukha ng isang matanda.

"S-sino ka? Nasaan ako?"

Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Nasa isang hindi pamilyar na kuwarto ako. Paano ako napunta rito?

Ngumiti ang matandang babae. "Huminahon ka, hija."

Kinuha nito ang tasa sa ibabaw ng table sa tabi ng kama at inabot sa akin.

"Ano iyan?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Luz Umerez
unlock pls.
goodnovel comment avatar
sammie vargas
wow yaman na ni ISA..Kaya Pala nalugi ang hacienda ni senyora Celeste dahil Kay Mrs.brown
goodnovel comment avatar
Carmelie Salvajan
ay mayaman sya ..kay mrs brown may utang ang ina ni uno
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status