Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Hoyy! Good morning!”“Hm,” maikli kong sagot kay Jerin.“Wow ang cold, nagiging Elsa ka na ba?” Napapikit ako at parang maiiyak sabay nilagpasan siya.“Victims of love!—ay sorry po! Sorry!” Tumakbo ako papunta sa kusina at nagtago. Dahil pagkapasok ko sa trabaho ay marami na palang customers nakalimutan kong late na akong nakapasok ngayon.“HAHAHA keribels pa ba ang life te? Pasalamat ka maganda buses mo kung hindi lumayas na 'yong mga customers.” Mas napaiyak ako sa kahihiyan na bumungad sa akin. Ayaw ko na pala.Biyernes na ngayon at wala sana kaming pasok ngunit nag request kami na pumasok nalang, tutal nangangailangan ako ngayon balak ko kasing umuwi sa probinsiya sa weekends.“Ano ba kasing problema mo? You look so matamlay,” maarting sabi niya, tinignan ko siya ng inaantok na siyang ikinatawa niya at hinampas pa akoWala talaga ako sa mood ngayon para ngumiti. Mula kaninang pasikat palang ng araw ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang tu
Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—Nawalan ako bigla ng gana umuwi sa apartment kaya pinatigil ko ulit ang taxi. Buti nalang at isang malaking eco bag na puno ang laman lang ang dala ko. Tumigil ako sa isang maliit na grocerihan at sa tabi nito ay mga parks na, may mga nakatayong stall at kahit ano. Alas singco na ng hapon pero marami pa ring tao sa paligid, pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Pumasok ako sa grocerihan at napagisipan kong bumili ng graham crackers at ibang ingredients para sa mango graham na gagawin ko. Ibibigay ko bukas Kay Arkien para naman makabawi ako.Nasasaktan pa nga ako ngayon dahil ano pa nga ang reaksiyon niya ngayong Hindi ko siya tinignan at nagpasalamat man lang. Naaalala ko pa rin ang mukha niya noong tumingin ako sa kaniya. How to unsee ba?Pagkalabas ko ay mas dumami ang tao sa paligid at ang daming sasakyan ang dumadaan sa kalsada. Ito na uuwi na ako para magawa ko itong mango graham na ibibigay ko sa kaniya. Habang naghihintay ng nasasakyan sa gili
Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Mag le-leave ako ng 2 days siguro or 3?” Bungad ko kay Arkien na kararating lang galing bumili ng makakain.“Saan punta mo?” sabi niya habang tuwang tuwa sa pagbubukas ng ice cream.“Sa probinsiya, bisitahin ko lang kung ano ng nangyayari roon.”“Uhm, it's up to you. 2 days wouldn't hurt,” biglang sabi niya na ikinataka ko. “Wouldn't hurt you say? Layuan mo ako Arkien may sumanib nanaman sa 'yo.” Tumawa ako pagkatapos ngunit napatigil din nang samaan niya ako ng tingin.“Hatid na kita gusto mo?” Umiling iling ako agad sa sinabi niya. Alam ko kasi na marami pa siyang gagawin, may trabaho pa siya na dapat pasukan, alam kong marami siyang nagastos this past few days kaya dapat lang na mabawi niya iyon.“Bilhan nalang kita ng special recipe from probinsiya. Baka kasi hindi mo pa natitikman eh.” Pagbibiro ko na hindi ko namalayang sineryuso niya.“Is there's something like that?” Ako naman ang nagulat ngayon at tinitigan pa siya mabuti. “Seryuso ka tal
Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“UUWI na ako,” sabi ko sa kapatid ko nang mahatid ko siya sa tapat ng pinagtatrabahuhan niya kung saan siya nakatira ngayon.“Bakit ate?” “Ano pang saysay kung sa bahay ako dederetso? Hindi ko pa sila kayang harapin. Siguro sa susunod nalang ako bibisita.” Napapabuntong hininga ako habang inaayos ang iba kong gamit. Alas otso na ng gabi.“Oo nga eh. 'Wag ka mag-alala ate, ibibigay ko 'to sa kanila. Alam ko na time kung kailan sila nagkakasama sa bahay at hindi. Pero sayang naman ang pinunta mo rito kung uuwi ka rin lang.” Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti.“Hayaan mo na. Next time nalang ulit. Mag aral ka mabuti ha? Patapos na school year, tiisin mong pumasok kahit bumibigat na budhi mo—”“Ate naman eh.”“Sige na, para maabutan ko pa last trip baka maiwan na ako.” Tumango siya sa akin. Tinalikuran ko na siya nang makapasok na siya sa loob. Patakbo naman akong pumunta sa waiting shed para maghintay ng sasakyan.Uuwi na rin lang ako. Imbis na two
Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Wahhhhh nakakaiyak HAHAHAHA!”“'Yong totoo te? Pinagluluko mo ba kami? Nakakaiyak tapos tumatawa ka riyan,” sabi ni Kath sa akin. Napatawa naman ako. Nakapasa kasi ako sa board exam last week pa iyon. Despite of having too much problem makakapasa pa pala ako. Sinubukan kong 1 week mag review at ilahad lahat ng time ko sa pag-aaral at hindi muna isipin ang problema.“Hala te, g*gu ka yata. Totoo nga kasi oh, look at Velier umiiyak siya pero nakangiti. Tears of joy ba,” sabi ni Jerin at nagsisimula na ring tumawa.“Masaya lang ako. Kasi matatapos na ako sa college eh tapos nakapasa ako, te 'yong saya ko abot hanggang langit.” Napatawa nanaman ako habang nakatitig sa result. “Ay teka may tumatawag.” Tumayo muna ako at lumayo sa kanila para sagutin ang tawag.“Hello?”[“Hey, where are you?”] It's Arkien.“Nasa trabaho ko, bakit?”[“Nagtatrabaho ka ba?”]“Ah no, binisita ko lang sila. Papunta na ako riyan. Nasaan ka ba?”Narinig ko ang mahina niyang p
Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Te, tulala ka riyan?” “Hayaan mo Kath, buang 'to baka masaya lang siya.”“Ay oo nga 'no baka sa subrang saya niya sa utak nalang siya nakakatawa—” Napatigil ang dalawa sa pag bulong na naririnig ko naman nang tumingin ako sa kanila. Panay ako sa buntong hininga at pag-iisip kung tatanggapin ko ba 'yong offer.Tumawag kasi ang kapatid ko kagabi at sinabi niya na nasa Hospital si lolo, itinakbo raw siya noong nakita niya ang magulang ko na nag aaway at nagsasakita. Minsan na nga lang makabisita si Lolo sa hina na ng katawan niya e gano'n pa ang bubungad. Inatake pala siya, may sakit kasi siya sa puso.Kaya ngayon ay namomroblema ako kung saan nanaman kukuha ng pera para pambayad ng bill sa hospital. Kung tatanggapin ko ba ang offer ni sir Andrius, biglaang yaman talaga ang mapapala ko roon kaso ang problema ay mamahalin ba ako ng tao? Tatratuhin niya ba ako ng tama? Paano kung nasa iisang bubong na kami ay roon niya na ako sasaktan at tatratuhin na
Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“If I give you a chance to freely marry someone, who would it be?” Basa ko sa aklat na nakita ko rito sa pinagta-trabahuhan ko. May mga libro pala rito sa likod ng restaurant. Cafe naman itong sa likod niya at sa bandang kanan ay bar.Nandito ako sa cafe dahil nagsasawa na ako sa harapan. Biro lang, ayaw ko lang munang ma expose sa dati kong puwesto at gusto kong subukan dito sa cafe. Pinayagan naman ako at okay naman daw.“Ay te, alam ko kung sino 'yan!” Biglang may nagsalita mula sa likuran ko na pabito. Sinara ko na ang libro at binalik.“Anong sinasabi mo?”“Sis, ikaw kung patuloy mong ide-deny 'yang nararamdaman mo talo ka. Hanggat maaga pa aminin mo na. Sige baka maunahan ka. Kaysa naman sa kinimkim mo ang nararamdam mo, habang buhay mo 'yang dadalhin,” sabi niya at tinapik tapik pa ako. Sa totoo lang ay hindi ko siya kilala. Isa siya sa nagtatrabaho rito sa cafe.Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Paano niya naman nalaman? Manghuhula ba a
Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW—“Enjoy the tea Ma'am and Sir. Have a good day!” ngiting ngiti kong sabi sa costumer, nang makapasok ako sa kusina ay nawala nanaman ang ngiti ko. Napakahirap naman ngumiti kapag peke.Nandito ako sa may cafe ngayon at ako ang nag se-serve ngayon dahil absent ang waiter. Isa lang ang natira rito hindi niya naman kakayanin sa dami ng tao. May alam naman ako sa serving kaya keri na.“Ano te kaya pa ba? O pasuko na ang puso mo?” Nagulat ako sa tanong Jerin na nandito pala. Masiyado naman 'to. “Ba't nandito ka?”“Wala lang. Tapos na trabaho namin doon eh gusto lang kitang kamustahain. Anyway nagpaalam si Kath if puwede kami mag trabaho rito ngayon.” Napabuntong hininga naman ako dahil sana ay payagan sila. Kaunti lang ang pumsok ngayon at straight 5 hours na kaming nakatayo, nag se-serve at gumagawa ng mga order nila. Hindi sa nagrereklamo ako pero kasi hindi kaya ng powers naming nandito sa dami ng tao. Late ko nalaman na Friday pala kaya maraming cos