Share

CHAPTER 17

CHAPTER 17

Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW

“Te, anong balak mong gawin after college?” tanong ni Kath habang nagpupunas ng mga baso, napatingin din si Jerin na inaayos ang mga utensils at mga plato.

“Mag-aasawa.” Pagbibiro kong sagot Kay Kath ngunit seryuso pa rin ang mukha. Muntik niya namang ihampas sa akin ang baso na hawak niya.

“Seryuso nga kasi!”

“Seryuso nga ako.” Inihagis ko sa kaniya ang pamunas ko sa Plato dahil tapos naman na ako.

“Ano 'yon? Hindi ka ba muna magta-trabaho para yumaman ka malibre mo ako kahit saang bansa—?”

“Kapal naman ng mukha natin ngayon te.” Pagpuputol ko sa sasabihin niya. “Yayaman ako kung mayaman mapapangasawaan ko.” Sa dulo ay napangisi nalang ako at umiling iling. Hindi naman siguro gano'n kayaman si Arkien kaya dapat dalawa kaming mangangarap 'di ba? Hala, wait nga bakit ba ganito iniisip ko, sure na ba 'yan magiging kami ba? Ni wala nga kaming label.

“Aray! Ba't mo ako hinampas!” angal ko habang hinahaplos ang braso kong hinampas niya.

“Kung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status