Share

The Billionaire's Wife
The Billionaire's Wife
Penulis: Moonlighty_Jaaa

PROLOGUE

“Good morning honey! How's your sleep hm?” Bungad ko sa anak ko na bagong gising. Niyakap ko naman siya ng mahigpit at hinalikan ko siya sa pisnge ng ilang beses.

“Its okay mommy, is daddy still not home?” Napatigil ako sa biglaang tanong ng anak ko. Palagi niyang tinatanong ang bagay na iyan kapag gumigising, ngunit lagi ko namang idinadahilang matagal pa bago siya makakauwi kahit ang totoo ay wala ng kasiguraduhan kung uuwi o makikita niya ang ama niya. Dahil ngayon siguro'y nalimut na niya ng tuluyan ang alaala niya at kasalukuyan na siyang masaya ngayon sa iba.

Bumuntong hininga naman ako bago sumagot. “Don't worry sweety, makikita mo rin ang daddy mo, come on, let's eat.” Pinatayo ko na siya at sabay kaming lumakad papunta sa kusina. Nadatnan naman naming hinahanda ng kasambahay ang mga pagkain.

“Good morning madam.”

“Good morning din po,” balik kong sagot.

“Madam may tumawag po pala kanina.” Lumingon ako sa kaniya at seninyasan siyang ipagpatuloy.

“May nag ha-hire po kasi sa inyo galing po sa isang malaking companya, kung interesado po kayong kayo ang mag desenyo ng magiging damit nila sa darating na event.”

Umiling iling ako sa sinabi niya. “Tell them I refuse, marami akong gagawin.” Tumango nalang siya at umalis. Nagsimula naman kaming kumain ng anak ko.

After 5 years, ramdam ko na rin ang pag-angat ko sa buhay kahit ako lang mag-isa. Nakaya kong palakihin ang anak kong walang kinikilalang ama. Naging successful ako bilang isang fashion designer dito sa ibang bansa, rito sa Australia. Natupad ko ang isa sa mga pangarap ko. Natutu akong tumayo sa sarili kong mga paa at sinubukan kong hindi asahan ang mga taong nasa paligid ko nang maipanganak ko ang anak ko. Hindi na rin ako gaanong lumalapit sa mga tao at baka sasaktan lang nila ako sa huli. Ayaw ko ng mangyari ang nakaraan lalo na ngayon ay may anak na ako.

Iilan nalang ang nakakausap ko sa panahon ngayon at kung makausap ko man ay gusto ko panandalian lang. May mga na close ako pero hindi ako nagtitiwala ng subra, dala siguro talaga ito ng trauma mula sa nakaraan ko at takot akong mangyari muli iyon. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko.

Kinabukasan ay maaga kaming nag impake ng anak ko upang umuwi sa Pilipinas. Matagal tagal na rin ang nakalipas, gusto na rin ng pamilya kong naiwan doon na makita ang anak ko. Pati ang naging kaibigan ko roon ay excited na rin.

“Sweety, are you ready?” masaya kong sabi sa anak ko. Nagtatalon naman siya saka ako niyakap. “Yes mommy, daddy's here right?” Napakusot ang mukha ko sa itinanong nanaman niya. Minsan talaga nakakatampo ang anak kong ito. Hinahanap so daddy nandito naman ako.

Dinala ko nalang ang mga gamit ko at nagpatulong sa pagbubuhat ng iba ko pang maleta papunta sa sasakyan. Nang makarating kami sa airport ay panay ang kaba sa diddib ko kahit hindi pa kami nakakaalis sa bansa. Hindi ko alam pero, makakaiwas ba ako sa tadhana pagdating ko roon?

“Ma'am! Nasaan po ang anak niyo?” Nagulantang ako sa sinabi ng isa sa naghatid sa amin dito. Napatingin ako sa hawak ko na bag ko na pala ang hawak ngayon at hindi na ang anak ko. Mas lalong nadagdagan ang kaba sa didbib ko nang iniisip ko palang na subrang lawak nitong effort ay mahihirapan kami.

“Hanapin niyo! Maghiwa hiwalay na tayo!” Sigaw ko at nagpapanic na sa subrang kaba na nararamdaman ko. Sinusubukan ko namang pigilan ang luha kong madaling tumulo.

Pagkatapos ng ilang minuto ay napahinga ako ng maluwag nang bitbit na ng isa sa mga tauhan ko ang anak ko. Patakbo akong lumapit dito at kinuha siya.

“Anak, where did you go? Nagaalala ng subra si mommy sa 'yo. Next time 'wag ka ng aalis ng hindi kasali si mommy ha?” Agad agad kong sabi sa kaniya. Nagulat naman ako ng ipahid niya ang maliliit niyang kamay sa mukha ko. Hindi ko pala napigilan ang luha ko at pumatak nalang basta. Lumingon ako sa likuran at nabigla ako nang may makita akong pamilyar na postura. Isinawalang bahala ko na lamang iyon at tumutok sa anak ko. Siya nalang ang natitira kong lakas at alaala ko sa ama niya.

“Mommy I think nakita ko po si Daddy.” Bigla niyang sabi na ikinagulat ko. “Anak? 'Di ba I told you na don't talk to strangers? Lalo na kapag hindi mo kasama si mommy? You don't know if they harm you. ”Umiling iling siya sa akin. “He looks so kind mommy, and he gave me this!” masaya niyang sabi at ipinakita ang candy na hawak niya. “If daddy is here, would he also buy me something like this?” Napayuko ako sa sinabi niya at pilit kong nilabanan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Nangungulila siya, sa taong 'yan ay nakakapag isip na siya ng ganiyan. Anak kong alam mo lang kung gaano nangungulila ang mommy sa daddy mo.

Nginitian ko nalang siya at nagsimula ng umalis.

Nandito na ako ngayon sa Pilipinas at ilang araw ko palang ay may nag hired na sa aking gumawa ng gown para sa wedding nila. Hindi ko namang mapigilang umiyak sa katutuhanang ang nagpagawa ay magiging asawa ng ama ng anak ko.

Umiling nalang ako at sinimulan ko ng tanggapin ang lahat na hindi na niya ako makikilala. Ano bang magagawa ko kung hindi nga ako ang naaalala niyang Asawa niya at may anak kami.

Katatapos ko lang nasukat at na finalize ang gown ng magiging asawa niya at pati magiging damit ni Arkien. Hindi ko nga alam kong ano magiging kinalabasan ng damit dahil hindi ako makapag focus, ano pa at tinawag akong professional. Ang sakit lang na ako pa talaga mismo ang gagawa ng magiging damit nila. Hindi ko siya naipaglaban. Dahil sa totoo lang ay hindi ko kayang ipaglaban ang bagay na alam kong hindi ko kaya.

Bumuntong hininga nalang ako at inayos ang mukha ko dahil katatapos kong umiyak. Nandito pa rin ako sa area kung saan ako tinawag para magsulat. After a years na hindi kami nagkita. Masakit pa rin pala.

Tumayo ako bigla ng makita kong wala nanaman ang anak ko sa tabi ko. Taranta akong naghanap sa kaniya. Bakit ba lagi ko nalang nakakalimutan kung nasaan siya.

Lumabas na ako sa isang room ngunit bigla akong napatalon sa gulat at 'di ko mapigilan ang kabog ng dibdib ko sa nakita ko.

“Mommy!” Bumaba ang anak ko mula sa pagkakabuhat ni Arkien, takang taka ang mukha kong nakatingin sa kanila at para na akong lalamunin ng lupa sa nasaksihan.

Bakit magkasama sila? Alam na ba ni Arkien na anak niya siya? Kahit masaya ang anak kong lumapit sa akin ay hindi natanggal ang titig ko kay Arkien na seryusong nakatingin sa akin.

“Is he your son?” Narinig ko lang ang kaniyang buses ay naramdaman ko na agad ang pangingilid ng luha ko at pangungulila sa kaniya.

Napaluhod nalang ako sa anak ko at kunware siyang inayusan upang mawala ang kabang nararamdaman ko. “Did you cry mom?” Bulong niya sa akin. Umiling ako at ngumiti. “Napuwing lang nak.” Nanginginig na ako sa kaba at gusto ko ng umalis sa harapan niya ngunit tuluyang napatulo ang luha ko sa binanggit niyang salita.

“Or, is he "our" son?”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status