Share

CHAPTER 4

Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW

"NANDITO ka nanaman! Stay away!" Sigaw ko habang tumakbo palayo kay Arkien na kanina pa ako hinahabol dito sa loob ng campus. Tuwang tuwa siya sa totoo lang.

“I told you! I would never stop until you pay your dept again!” sabi niya pabalik. Oo, kanina pa 'yan ganiyan, nagsisingil nanamn sa utang ko raw na hindi ko alam kung kailan ko hiniram.

Napatalisod ako sa isang malaking ugat ng puno na hindi ko namalayang mayro'n pala roon. Kamuntikan na akong tuluyang makakain ng lupa ngunit nasalo ako ni Arkien. Nang tuluyan niya na pala akong mahuli ay hinayaan ko nalang ang sarili kong buhat niya at 'di nalang ako tumayo o gumalaw. Tutal kahit anong gawin ko ay hindi ako makakaalis dito. Tumatawa siyang binuhat ako papunta sa isang bench. Umupo nalang ako roon at tulalang napatingin sa kawalan.

“Hey, are you okay?”

“Hindi, bakit naman ako magiging okay?” Sarkastiko kong sabi sa kaniya.

Tumaqa siya. “Lagi mo kasing kinakalimutan ang utang mo. Hindi mo bagay mangutang, kinakalimutan mo eh,” lakas loob na sabi niya sa akin. Napanganga ako.

“Ano ba kasing sinasabi mo nanaman! Wala naman kasi talaga akong utang ah!” Iniharap niya sa akin ang palad niya.

“Remember? I saved you again from your ex boyfriend and try to make you feel better until the end.” Napakurap ako sa sinabi niya. Until when ko ba sasabihin na 'I never tell you to do that.' sa kaniya?

“It just—”

“You even pointed your middle finger to me. Do you think a simple kiss would be enoug— ouch!” Inirapan ko siya ng paulit ulit dahil ang kulit kulit niya.

Ano nanaman ba ang dinadada nito? Sana madapa nalang siya kung puro ganiyan ang binabanggit.

“Serves you b!tch,” sabi ko at tumakbo paalis, narinig ko pa ang pagsigaw niya ng hindi makapaniwala.

Weeks past since nangyari ang bagay na 'yon and I can say nakakamove on na ako and I'm finally healing. Nasasabi ko 'yan kasi sa ilang beses kong nakita ulit siya at gano'n ay ginagawa ay wala ng gaanong epekto sa akin. Tinatamad na siguro akong masaktan o kaya naman napagod na ang puso kong maramdaman ang sakit. Final na na tatanggapin ko na lahat. Kahit kasi baliktarin ko ang mundo kung hindi nga siya ang itinadhana para sa akin walang kuwenta kung ipaglalaban pa.

Sa katunayan ngayon ay may dala dala akong malaking problemang dapat kong lutasin. Sunod sunod kasi ang gastosin ngayon at kailangan kong hatiin ang oras ko sa pagtatrabaho at pagaaral, parang wala na akong mailalaan sa pagtulog sa sunod sunod na gawain. Nangangailangan kasi ang pamilya ko ng pera sa probinsiya, madaanan ba naman ng bagyo at ilang araw na silang hindi nakakalabas doon. Pati ang bahay nga siguro ay nasisira na. Inaamin ko na mahirap lang kami, kung noon ay kaya pa naming tustusan ang pagaaral ss private school ngayon ay hindi na.

Malapit na rin naman akong mag graduate ng college, finally makakatrabaho na ako ng matiwasay.

Hindi ko na rin nakikita madalas si Arkien dahil nga madalas ako sa trabaho at tinatakasan ko lang siya focus muna ako sa goal ko. Pero ano kayang ginagawa niya ngayon?

Napailing iling ako nang marealize na bakit ko ba siya iniisip? Sino ba?

“Bakit ko ba iniisip ang lalaking 'yon!” Sigaw ko na siyang paglipad ng mga ibon sa puno.

“Sino? Ako ba?” halos mapatalon ako mula sa pagkakaupo nang may nagsalita mula sa tabi ko. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya, hindi ko man lang namalayan na may katabi na pala ako.

“Oo— hindi ah! I just need a break.”

“Sinabing walang magbebreak.” Inirapan ko siya sa sinabi niya. “Bakit ka nandito? Paano mo nalaman na nandito ako? Ini-stalk mo ba ako? Kinikilabutan Naman ako sa 'yo.” Hinampas niya ako ng malakas. Totoo naman eh, bakit nandito siya? Eh halos walang tao rito, favorite place ko ang park na ito kasi hindi matao, itong bench na inuupuan ko ay may nakapalibot na mga halaman at bulaklak which is I found it a better place. Ang gaan kasi sa pakiramdam ng may mga halaman sa paligid mo while taking a fresh air.

“Kanina pa kaya kita nakikita, I even walk right in front of you pero hindi mo yata ako napansin kakaisip sa akin.” Kinurot ko siya sa tagiliran.

“Pinagsasabi mo? Bakit kita iisipin?”

“Totoo naman ha, sino pa ba 'yong binabanggit mong iniisip na lalaki other than me? Kung ex mo nanaman 'yan, please throw your brain.” Maasim ang mukha kong napatingin sa kaniya. Tumawa naman siya ng mahinhin dahilan para kumabog ang dibdib ko. W-Wait, why he look so handsome while laughing like that way? Kapag nakikita ko kasi siyang tumatawa ay akala mo wala ng bukas, he's actually handsome na kapag tumatawa pero, sa hinhin ng tawa kakaiba siya.

Parang hindi siya 'yong unggoy na hampas ng hampas sa akin. Kala mo naman babae.

“Mahuhulog laway mo.” Natauhan ako sa sinabi niya at biglaan niyang pagaangat sa baba ko upang takpan ang bunganga ko. Umiwas nalang ako ng tingin sa hiya.

“Dinala ko motor ko, tara kain.” Pagyaya niya na ikinailing ko. Kain nanaman wala na akong pera.

“Libre ko, let's go.” Hinigit niya na ako kaya wala akong nagawa. “Wait lang kasi 'di ba puweding ipunin mo nalang for your future?” sabi ko habang nagpapahila sa kaniya, sinusubukan ko siyang pigilan. “Ayaw ko kasi sa future ko lang naman, dapat tayong dalawa, future natin ba.” Humagalpak ulit siya ng tawa.

“Dadagdagan mo lang ang utang ko sa 'yo eh,” nanghihina kong sabi kasi totoo naman. Sisingilin nanaman ako nito non-stop.

“Enough, nagugutom ako.” Pagkarating namin sa lugar kung saan niya pinark ang motor niya ay roon na ako nagulat. “Big bike 'to ah. 'Di ba mahal ito?” Nanlalaki ang mata kong itinuturo ang bigbike na sinususian niya na.

“U-Uhm, niregalo lang sa akin—Yes right niregalo lang sa akin ng Tito ko,” sabi niya at umiwas ng tingin. “Big time siguro ang Tito mo.” Pabiro kong sabi at hinampas siya. Sumakay na rin ako. “Tara muna saglit sa apartment—”

“No, tuloy na tayo, kukuha ka lang naman ng pera mo eh, I told you libre ko na. Don't worry about that, kasasahod ko lang.” Wala na akong nagawa at napakapit nalang bigla sa kaniya dahil bigla niyang pinaharurot, muntik na akong mahulog sa totoo lang. “'Yong kaluluwa ko naman hayuf.” Reklamo ko. “Bakit? Naiwan ba? Kumapit ka kasi sa bewang ko. Sa tuhod mo ka naman nakakapit, kapag ba nahulog ka makakapitan mo pa ba tuhod mo?” Sigaw niya sa akin na hindi ko sinunod. Eh sa naiilang akong kumapit sa kaniya.

Narinig ko ang buntong hininga niya at biglang ibreneak ang sasakyan dahilan para mapasubsub ako sa likuran niya. Hinila niya ang dalawa kong kamay at siya na ang naglagay sa bewang niya, sa totoo lang ay iniyakap niya sa kaniya ang braso ko, mukha tuloy akong nakaback hug sa kaniya. Wala akong nagawa dahil pagkatapos no'n ay mabilis niya ng pinaandar ang sasakyan. Ayaw ko pa naman kasing mamatay.

KASALUKUYAN na kaming kumakain ngayon dito sa isang resto na nakita niya. Sa dami ng binili niya ay hindi ko alam kung mauubos namin.

“What would you like to do after college?” Basag niya sa katahimikan. Kanina pa kasi walang nagsasalita. Hindi naman kasi ako madaldal at itong si Arkien talaga ang dahilan minsan kung bakit ako nagsasalita.

Nilingon ko siya ng nakataas ang kilay. “Mag-aasawa,” pabiro kong sabi na ikinasalubong ng kilay niya. “You're still minor.” Ako naman ngayon ang napasalubong ang kilay. “4th year college na ako ano sa tingin mo ang age ko, 15?” Tumawa siya sa sinabi ko. “I forgot, 4th year college na pala tayo. Kung mag-aasawa ka, mag-aasawa na rin ako.” Nabilaukan ako sa sinabi niya.

“Biro lang eh, syempre magpapayaman muna ako, dapat rich wife ako.” Ngumiti siya sa akin. “Kailan mo ba balak magpakasal?”

Napatigil ako sa pagkain at tinitigan siya sa rami ng tanong niya. “Kapag 26 na ako. Ikaw?”

“Kapag 26 ka na.” Napatitig ako sa kaniya dahil seryuso niyang sinabi iyon. May kung anong kiliting bumalot sa loob ng katawan ko. Hindi ko kasi mahulaan kong may ibang kahulugan 'yon or nag aassume lang ako.

“Hindi ba puwedeng gumawa ka ng sarili mong disesiyon bakit kailangang nakabase sa age ko?” sabi ko nalang. “Eh sa ganoong taon ka nang ready akong pakasalan, why not.” Tuluyan akong nabilaukan, inabutan niya ako ng tubig at tatawa tawa pang kinabog ang likod ko. “What's wrong with you wowan?”

“I should be the one asking that.” Tumawa ulit siya ng malakas.

“Seriously, ilang anak ba ang gusto mo?” tanong nanaman niya na makapigil hininga.

“Dalawa lang.” Nagpigil ako ng tawa at humarap saglit sa likuran at umubo.

“Dalawa lang? I'll make that 20 if I will be your husband.”

“Luh?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status