Share

CHAPTER 3

Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW

“Hey, do you have something to do?” sabi ni Arkien. Lumingon naman ako sa kaniya.

“Bakit?” maikli kong sagot.

“Ang sagot dapat ay oo o wala—” Pagsisimula na naman niya sa walang katapusang bangayan.

“Ewan ko, kailan ba?”

“Later or tomorrow, kung kailan ka available.” Napaisip naman ako kung may gagawin pa ako bukas o mamaya. Hindi ako papasok sa trabaho bukas para may pahinga ako at sakto wala kaming klase. Dapat sigurong mag enjoy ako bukas.

“Bukas wala,” sabi ko habang seryuso pa rin sa ginagawa ko. “Let's go outside tomorrow then.” Tumango lang ako ng walang imik. Tumawa naman siya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. “Nalaglag mo ba utak mo?” Sinamaan niya ako ng tingin, akma niya akong hahampasin ngunit nakaiwas ako at kumaripas ng takbo.

_

PAPAGABI palang ngunit hindi na ako mapakali sa higaan ko. Nahanda ko na ang mga gagamitin ko, mula sa damit at dadalhin ko. Hindi ko nga maintindihan kong anong nakain ko ngayon at bakit ganito ako kasaya. Siguro talaga na istress ako ng subra kaya excited akong mag enjoy.

Oo, 'yon talaga 'yon.

Bumaba muna ako para uminom ng tubig pero bago ako tuluyang makainom ay may naaninag ako mula sa labas ng apartment. Nabilaukan pa ako ng sarili kong laway dahil nandoon ang lalaking 'yon. Don't tell me maghihintay siya riyan hanggang umaga? 8:00 PM palang te, hindi halatang mas excited ka kaysa sa akin.

Hindi ako nagpahalatang lumabas ng apartment. Nagtago muna ako sa mga puno at sa bandang likuran dumaan. Nang makalapit ako sa kaniya ay imbis na ako ang manggulat ay ako pa ang nagulat.

Lumingon siya ng biglaan sa akin dahilan ng pagkagulat ko at nagtatakang mga mukha ang ibinigay niya. Iniisip na siguro nito kung nababaliw na ba ako.

“Anong ginagawa mo riyan?” bungad na tanong ko nalang sa kaniya at kunwaring walang nangyari. “I should be the one asking you that, what the h*ll are you doing there?” Sarkastiko niyang pabalik na tanong. Umirap ako sa kaniya at nagsimula ng humakbang pabalik sa loob. Dahil sigurado kapag hindi pa ako umalis ay aabutin kami rito ng ilang oras at mapuyat pa kami.

“Masiyado ka namang maaga magsundo, balik ka muna, miss mo nanaman ako eh,” mayabang kong sabi na dahilan upang marinig ko ang pagkasuka niya.

Kinabukasan ay alas tres palang ay gising na ako. Magkikita nalang daw kami sa tapat ng CSI mall dahil doon kami pupunta. May biglaan daw kasi siyang ilalakad pero hindi naman siya magtatagal doon. Nagsimula na akong ayusan ang sarili ko para pagdating ng 7 ay puwede na akong umalis. May 25 minutes kasi ang biyahe papunta roon.

Ngiting ngiti akong nakarating sa tapat ng mall buumili pa ako ng milkshake at umupo sa may bench na nasa tapat lang nitong mall. Mag te-text naman sa akin 'yon kapag nandito na siya. 'Di ko alam ang F******k niya dahil kahit pangalan nga niya ay hindi ko alam.

Ilang minuto lang ang lumipas ay may mabilis na motor ang dumaan sa harapan ko, napakabastos naman. Pagkalingon ko ay si Zack, kasama ang bago niya. Napasimangot ako ngunit hindi ko ipinahalata, dahil kahit kailan ay hindi niya ako iniangkas sa motor niya, nakakatampo lang dahil lagi niyang sinasabi sa akin na hindi siya marunong mag angkas at natumba sila noong nakaraang nag angkas siya.

Nagpark sila sa hindi kalayuan sa akin ngunit sapat na para makita ko kung anong ginagawa nila. Ngunit mas nabigla ako at napakirot ang puso ko nang makita kong maghalikan sila pagkatanggal ng helmet. Nagulat ako ng lumingon sa akin ang babae at parang pinapakita pa ang kanilang halikan sa akin.

Hindi ko alam ngunit napatulala nalang ako sa kanila. Nasasaktan ako, akala ko ay naka move on na ako, akala ko ba ay okay na ako, akala ko ba masaya na ako. Pero bakit nasasaktan ako lalo na't alam ko sa sarili ko na ni minsan ay hindi niya ako nagawang halikan sa labi sa harap ng maraming tao. Ni minsan ay hindi niya nagawa sa akin ang mga nagagawa niya ngayon sa bago niya.

Hindi ko namalayang napatulo na ang luha ko habang nakatingin sa kanila, hindi ko matanggal ang paningin ko sa kanila kahit nasasaktan na ako. Ganito pala kasakit kapag nakikita mong hindi na ikaw 'yong minamahal?

“Don't look at them if it hurts your feeling.” Umatras ang luha ko nang may humarang sa harapan ko at pinahid ang luha ko sa pisnge gamit ang hinlalaki niya. Napatulala ako dahil may kalapitan ang mukha namin sa isa't isa.

“Don't ever look at them again if you haven't move on. Look at them if you can finally smile or. . . ” Hinawi niya ang buhok kong humaharang sa mukha ko. “Look at me and let's be happy,” bulero niyang sabi at ngumisi pa na siyang ikinaiyak ko lalo.

“What the h*ll, you should smile! And not cry, pinapahalata mong hindi mo ako mahal.”

“Luh?”

“Ahhhhhhh! Putragis ayaw ko naaaa! Stop the car— I mean this roller coaster!” Halos maabot ko na ngalangala ko sa pagsigaw.

“It's fun right!” masaya niya pang sabi sa akin. Napahigpit nalang ang kapit ko sa kaniya para kung mahulog man ako ay maisama siya.

Pagkatigil na pagkatigil ay dali dali akong tumayo pagkatanggal nila sa akin. Pagewang gewang pa akong tumakbo dahil ayaw ko na talaga. Noong papaupo na ako sa isang upuan biglang may humigit sa akin patayo. Napasubsub naman ako sa dibdib niya sa lakas ng hila niya. Paano ba mapapatigil ito.

“You still not okay, I told you to forget about it, why don't you just focus to me?” sabi niya na akala mo naman sure sa pinagsasabi. Napapikit pikit akong napaangat ang ulo. Nasusuka ako.

“I think you need more rides or something, don't you?”

Umiling iling ako kaagad. “Hind—”

“Then let's go there! I think Ito na makakapagpawala sa lungkot at sakit na nararamdaman mo,” masaya niyang sabi at hinila ulit ako. Wala akong nagawa kung 'di ang sumunod.

Hindi sa nasasaktan pa rin ako! It just that, pagod na akong sumigaw at matakot sa dami ba naman ng rides na nasakyan namin sinong hindi made-drain at mauubusan ng lakas para ngumiti? Nasusuka na rin akong naglalakad, kailangan na rin yata ng sikmura ko ng makakaain. Ang lalaking ito ba naman kasi ay hindi matigil.

Umupo ako dahilan ng pagkatigil niya dahil nakahawak ang mga kamay niya sa akin. Tinaasan niya lang ako ng kilay habang ako ay humihingal na. “Sa. . . Saglit lang k-kasi! Wala bang break ito? Pagod na ako eh.”

Tinignan niya ako ng seryuso at umupo rin upang pantayan ako. “No, wala pa ngang tayo eh nakikipag break ka na agad? Walang magbe-break, wala.” Inulit ulit niya pa sa akin. “Baliw ka ba?”

Iniwan ko na lang siya roon at naghanap ng makakain. Pagkarating ko sa isnag stall ay nagbayad ako kaagad para malantakan ko na ang mga ito. Baliw yata ang lalaking 'yon?

“Nagugutom ka lang pala hindi mo sinabi.” Inirapan ko siya at derederetso sa pagkain. “Dahan dahan marami ito—”

“Arkien?” Napatigil kami pareho dahil may nagbanggit ng pangalan mula sa likod. Lumingon kami ng sabay rito. Kita kong nanlalaki ang mga mata nitong lalaking kasama ko.

“Arkien brad! Sh!t you're not answering our call tapos nakikipag date ka lang pala ikaw ahhh!” pabirong sabi ng isang lalaki at hinampas ang lalaking kasama ko. Napa 'O' ako ng maalala bigla ang pangalan niya dahil kung hindi ako nagkakamali ay Arkien ang pangalan niya. May nagtakip naman bigla sa tenga ko pero nakawala ako kaagad.

“Not really, by the way, ba't nandito kayo?” tanong ni Arkien at inilagay ako sa likod niya.

“Ehhh, ba't mo tinatago 'yang kasama mo!”

“She's too innocent to know you, guys,” biglang sabi niya na ikinatawa ng dalawa pang lalaking kasama niya.

“Luh, mukha ba kaming adik—”

“Yeah, so get lost.” Ang lalaki talagang 'tp ay hindi maawat. Siguro ay mga kaibigan niya ito. Base sa action nila na may hampasan ay masasabi kong closed friend sila.

“Pero ngayon lang kitang nakita na may kasamang babaeksisijdjsj—.” Nagpatigil sa pagsasalita ang isang lalaking may kulay blue ang dulo ng buhok dahil tinakpan ang bunganga niya.

“Ano ba kasing ipinunta niyo rito? You guys ruining my night.” Humagalpak sa tawa ang tatlo na hindi malaman kung ano ang dahilan.

“You never change like that.” Tinapik niya sa balikat si Arkien at nagsimulang umalis.

“Arkien, tell to us later,” sabi ng isa bago umalis, napatango nalang si Arkien at hinawakan ako sa braso, nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa iba.

“Why are you smiling like that?” Nagulantang ako sa biglaang pagsasalita ng katabi ko.

Hindi ko kasi mapigilang mapangiti dahil alam ko na pangalan niya, sa wakas ay may pang asar na ako.

“Nothing, just want to go there!” Turo ko sa isang horror booth. Feeling ko lang maganda riyan.

Lumingon ako sa kaniya dahil 'di naman siya gumagalaw. Pakalingon ko ay nagtaka ako sa naging histura niya. Nakatingin lang siyang deretso sa itinuro ko at sa tingin ko ay namamawis siya.

“Let"s go, it's pretty fun there.” Pagmamaktol ko at kunwaring nappaiyak.

“Wait wait. There's nothing fun there, sa iba tayo 'wag diyan.” Pinilit niya ako na siyang ikinahalata ko sa galaw niya. Now I know yes, yes.

“You don't want? Then I'll go in my own!” Kunwari akong nagtampo at nagsimula ng maglakad. Akala siguro niya, ako kaya ang kawawa kanina dahil sa pinaggagawa niya. Ngayon tikman mo ang bawi ko.

“Okay fine! I'll go with you, pero bilisan lang natin!” Tumawa ako ng malakas at patakbo siyang hinila papunta roon.

“Are you s-sure you really wanted to go here?” Kalma ngunit mahahalata sa buses niya ang pagkautal. “Oo, nandito na tayo sa loob oh, balak mo pa bang umatras?” Bumuntong hininga siya at naramdaman ko ang pagkapit niya ng mahigpit sa baywang ko na hindi niya naman madalas na gawin. Nahulaan ko na kaagad ang daan papalabas dito dahil ilang beses na akong nakapunta sa mga ganito at parang nakikita ko na ang mga codes kung paano lumabas.

Bago pa man kami tuluyang makaalis ay narito ang lalaking nasa tabi ko na naninigas na yata sa takot at pilit nilalabanan ang emosiyon niya. Nararamdaman ko pang nagugulat siya sa tuwing may tunog at multong haharap sa amin. Imagine, pagkalaki ba naman ng katawan at ang lakas sumakay sa kahit anong rides pero sa multo lang pala babagsak.

Napangisi ako ng makaisip ng kalukuhan sa utak ko. Malapit na kaming lumabas nang ginulat ko siya dahilan para sumigaw siya at tumalon payakap sa akin. Naramdaman ko ang masasamang tingin ang nakatingin sa akin na ikinahagalpak ko lalo ng tawa. Hinila ko nalang siya paalis at dumeretso kami sa pagkainan.

“Kanina ka pa nakangiti, are you still making fun of me in your mind?” magkasalubong ang kilay na sabi niya. Malapit na kami ngayon sa apartment at kaunting lakad nalang.

“I just remember something,” mahinang sabi ko.

“What?” sabi niya na pagalit pa rin. Inirapan ko siya. “Your name, I never know about your name kasi eh,” sabi ko na siyang ikinawala ng salubong niyang kilay.

Bigla siyang ngumisi at aahasan kong magyayabang nanaman ito. “You never tell me na you want to know my name? Gosh, look at Velier, trying hard to know my name.” Pagyayabang niya na ikinanganga ko.

“I never said anything like that.”

“Kahit na. 'Yon na rin 'yon.”

“Bahala ka riyan inaantok na ako.” Dumeretso na ako sa may gate at binuksan. Kumaway ako. “Bye, Arkien!” Pangaasar ko sana sa kaniya ngunit natuwa pa siya.

“Bye love!” Sigaw niya na ikinalingon ko sa mga kapitbahay. Bigla kong naitaas ang middle finger ko ng hindi ko namamalayan. Napatakip ako sa bunganga ko at patakbong pumasok sa apartment dahil sa nakita kong mukha niya na gulat na gulat at hindi rin maipinta. Itinago ko ko naman ang sarili ko kahit saan dahil sa katangahang nagawa ko ngayong gabi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status