Share

CHAPTER 2

Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW

1 week past

“Nandito ka nanaman?” Bungad ko sa taong nakita ko nanaman ng buong linggo. Walang ibang ginawa kung hindi pistehen ang buhay ko at hanapin ang utang na hindi ko naman mabayaran.

“W-Wha—why? We're in the same school, it's normal.” Nginisian niya ako na pinalitan ko ng mapait na tingin.

“Nye nye, hindi naman kita nakikita noon dito ah, saka ka lang nagpakita noong 4 year college ko na?”

“Nakikita na kita noon, ikaw ang hindi para ka kasing walang pakialam sa paligid mo, I don't even know if you have a friend.”

“So you mean, attractive ako sa 'yo?” Medyo makapal ang mukha kong tinanong sa kaniya.

Ngumiwi siya sa akin. “I didn't say anything like that.” Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Deny pa eh.

“Kahit na gano'n pa rin 'yon. It's rare.”

“Im sorry babe, I'm late.” Kunwari akong nasuka dahil sa sinabi niya.

“Kilabutan ka nga, lumayo ka sa akin allergic ako sa 'yo,” pabiro kong sabi at tumakbo paalis sa tapat ng library.

Sa isang linggo ang nakalipas ay maraming nangyari. Akala ko mananatili na akong mukmuk sa gilid, nasasaktan at hindi na ulit babangon dahil sa break-up na nangyari kamakailan lang sa akin. Unti unti ko nang tinatanggap ang lahat na wala na talagang kami at kailan man ay hindi niya ako minahal.

Oo na, sabi ko nga 'di ako minahal nong tao.

Isang linggo na rin ang nakalipas magmula nang makilala ko ang lalaking 'yon na akala mo kasing bait ng anghel ang ugali, baliktad pala. 'Don't judge the book by its cover' ika nga nila. Napakulit, 'di ko pa rin alam kung anong pangalan niya kasi naman kapag tinatanong ko baliktad ang isinasabi.

He always say "Call me babe or baby or honey, or love or whatever you want." Lagi na lang ganiyan. Ang ID niya ay natatakpan ng papel kaya wala talaga akong idea kung anong pangalan niya. Wala rin akong napapansing kaibigan niya. At noong tinanong ko siya ay sabi niya nasa ibang school daw at hindi siya mahilig makipag kaibigan sa iba. Hindi halata sa totoo lang.

Ngunit sa dumaan na linggo ay nagpapasalamat din ako sa kaniya dahil aaminin ko dahil sa kaniya ay unti until na rin akong nakaka move-on. Mayro'ng time na pinuntahan niya ako sa apartment na tinutuluyan ko at hindi ko alam paano niya nalaman. Pati ang buong pangalan ko ay alam niya. Kinikilabutan tuloy ako sa kaniya minsan.

Napahikab ako dahil hapon nanaman at naboboring na ako rito sa classroom na walang Prof. Puno nanaman kami ng activites na dapat ay matapos ngayong linggo. May pasok pa ako mamaya sa trabaho at kailangan ko ngayon ng pera dahil malapit na rin ang exam.

Umaliwalas ang mukha ko nang mag ring ang bell ngunit napasimangot din kaagad nang maalala kong nariyan nanaman ang lalaking 'yon at iinis ako hanggang sa makauwi. Lumingon lingon ako sa labas ng classroom at nang masiguro ko na wala siya ay agad akong tumakbo palabas.

Nasa second floor na ako no'n nang naitama ako sa isang bagay, paglingon ko ay ang humahagalpak sa tawa na lalaki ang bumungad. Nilagpasan ko siya at nagpatuloy maglakad.

“Ano nanaman?”

“Nothing, gusto ko lang sumabay.” Umirap ako ng dalawang beses.

“May trabaho pa ako, 'wag na.”

“I also have, saan ka ba nagtatrabaho? Hatid na kita.” Umiling ako at nagtaka sa sinabi niya.

“May trabaho ka? I thought wala.” Totoo naman, at ngayon niya lang nabanggit sa akin ang tungkol diyan.

“Ofcourse I have, kailangan ko eh, para may dudukutin ako incase magpakasal tayo—aray!” Kinabog ko siya ng sapat na lakas para magising siya sa kahibagan niya.

“Magtigil ka, nasusuka ako.” Bigla niya akong binatukan ng malakas dahilan para mapasubsub ako sa taong nasa harapan namin.

Napa 'Aray' ako sa tigas ng katawan nitong nabunggo ko. Iaangat ko na sana ang mukha ko para tignan ngunit may humila sa akin mula sa likod. Hindi ko na tuluyang nakita kong sino iyon dahil nahila na ako ng tuluyan.

Napangiti ako ng malawak sa naglarong kung ano sa isip ko. “Stop smiling like that, don't tell because of that boy kaya ka nakangiti ng ganiyan?” Mas lalong lumawak ang ngiti ko, nakita kong napasalpok ang kilay niya. Hinila niya nalang ulit ako hanggang sa makarating kami sa parking lot.

“Anong ginagawa natin dito te? May sasakyan ba tayo?” Agad kong tanong dahil wala naman kaming sasakyan, madalas kaming mag commute. Napatigil siya at humarap sa akin ng nagaalinlangan. Naalala niya yata kung gaano siya kat*nga.

“Sabi ko sa 'yo may trabaho pa ako. Bukas na ulit tayo mag sabay jusko.” Huminga ako ng malalim sa sinabi ko. Ibig sabihin makakasabay ko nanaman siya bukas dahil sa sinabi ko.

Lumingon siya sa akin ng nakataas ang kilay. “Are you sure?”

“Yes, kailan pa ba hindi?” Tumango nalang siya at hinila ulit ako. Ano ba naman ito!

Tumigil kami sa waiting shed kung saan pinaghihintayan ng sasakyan. Nang makarating ang Jeep ay nagpaalam na ako sa kaniya. Lulukuhin ko pa sana siya na 'wag niya akong ma miss ngunit hindi nalang dahil nakasimangot na siya.

Tatawa tawa akong kumakaway sa kaniya ng makasakay na ako sa Jeep.

“Boypren mo?” Nagulantang ako nang may biglang nagsalita sa gilid ko na ale. Mapakla ko siyang nginitian at umiling iling. “Hindi po, magkaaway po talaga kami.”

Ngumiti rin siya sa akin ng pagkalawak. “Alam ko na iyan, ganiyan kami ng asawa ko noon. Alam mo bagay na bagay kayo.” Napaismid ako sa sinabi niya. Ngumiti nalang ako ng parang natatae dahil hindi ko makaya ang sinabi ng ale sa akin, pero nagtataka ako dahil bakit may kaunting saya akong nararamdaman?

Wait lang ha, one week palang ang lumipas—ano naman si Zack nga wala pang isang araw may linta nang nakasabit sa kaniya.

“Teka nga ano bang ibig sabihin at ano 'tong iniisip ko!” Napalakas yata ang pagkasabi ko dahil nagtinginan sila lahat sa akin. Napa peace sign nalang ako.

“Sino iha? Iyong boypren mo ba? Hay nako ganiyan din ako noon sa asawa ko. Sa subrang inlab ay kahit ano anong naiisip ko sa tuwing hindi ko siya nakikita. Hayy, nagbabalik nanaman ang alaala ko sa kaniya.” Napahawak ako sa dibdib ko sa haba ng sinabi niya. Bakit kailangang idamay niya ako sa nakaraan niya. Aunte kung alam niyo lang po ang totoo.

“Good afternoon sisybelss! Hoy bakit hindi ka na pumasok ng 5 days? Akala ko ba kailangan mo ng pera?” Bumungad sa akin ang buses ng baklang kaibigan ko rito sa pinagta-trabahunan ko.

Nandito ako sa restaurant, isa itong sikat na restaurant at marami pito kaming nagtatrabaho rito, mataas ang sahod dahil malaki at hindi talaga lugi. Mag 2 years na rin akong nagtatrabaho rito. Ang manager lang ang madalas naming makita, ang pinaka boss daw ay isang beses palang 'ata bumisita rito dahil busy at marami siyang business na inaasikaso. Super busy ba.

Nginitian ko nalang siya. Nagtaka ako noong pinaharap niya ako sa kaniya at sinipat from head to toe.

“Hayuf na 'yan saan galing ang ngiting 'yan? Hindi 'yan ngiting broken te, 'di ba broken ka nakaraan? May nagpasaya na ba sa 'yo? Sino ba 'ya—” Hinampas ko siya sa rami ng sinabi niya.

“Oa ka masiyado huh, hindi ba puwedeng maging masaya ako kahit broken? Kung masaya siya ngayon, dapat ako rin.” Tinignan niya pa ako ng pabiro, umiling iling nalang ako at dumeretso sa kitchen area para tumulong na sa paghahanda ng makakain. Malapit na rin kasi ang gabi.

Saka lang nawala ang ngiti ko nang makita ang sarili ko sa salamin. “N-No, anong ngiti 'to?” Bigla akong natauhan dahil sa maaring dahilan ng pagiging ganito ko ay iisa lang.

“S-Shet 'di ito p-puwede—”

“Ang alin te?” Nagulantang ako sa nagsalita sa gilid ko. Ang isa ko pang ka katrabaho, iyong nauna ay si Jerion na Jerin nalang daw. At itong isa ay si Kathyvell. Umiling nalang ako sa kaniya at tumalikod na. Kunwari naman akong napaiyak dahil sa kahit ano anong overthink ang nasa utak ko ngayon. Padabog akong umalis at nagpapadyak padyak pa.

“Anong nangyayari riyan?”

“Ewan ko te, siguro dala 'yan ng pagiging heart broken, damayan natin baka mamaya mental na uwi niyan.”

KINABUKASAN ay maaga na akong nagising kahit puyat, maaga rin akong papasok sa trabaho dahil wala naman kaming pasok ngayon. Alas tres palang ng madaling araw ay gising na ang kaluluwa ko at naghahanda paalis. Baka kasi maabutan pa ako ng lalaking iyon kapag alas sais na ako aalis. Mas maganda ng maaga at hindi ko siya makita ngayon kasi naguguluhan pa ako.

Naguguluhan pa ako kasi ang bilis naman?

Lagi kasi siyang nauunang dumadating kaysa sa akin. Madalas kong takbuhan siya pero wala talaga.

Nakangiti akong kinakabahan na lumabas ng apartment. Nasa gate na ako ngayon, sumisilip silip at nagtatago nakajacket ako at nakasumbrebro para mas safe.

“What the h*ll are you doin—”

“Ay put* kang hay*p ka—hmp!” Napatakip ako sa bibig ko at gulat na napatingin sa kaniya. Nagulat pa ako sa mga murang nabanggit ko. Sorry po, sorry po!

“What did you just say? Say it again woman.” Napatalon talon naman ako nang dahan dahan siyang humakbang papunta sa akin.

“Sorry! Sinasadya—I mean 'di ko sinasadya! Sorry talaga!” Umiling nalang siya at napangiti rin lang.

“Bakit ang aga mo?” tanong ko sa kaniya habang tinatanggal ang subrero ko at nagsimulang maglakad.

“What do you mean by maaga?” Napa 'O' ako sa sinabi niya. “Early ba.” Pilosopo kong sagot na ikinanganga niya saglit.

“I mean, don't tell me ilang oras kang naghihintay rito? From 3:00 until magising ako?” pabiro kong sabi at tumawa tawa pa. Inirapan niya naman ako at tumango tango.

“Yes, ofcourse. Mas maaga minsan.”

“Ahhh I see—what?!” Hinampas niya ako bigla dahil sa pag sigaw ko.

“Tahimik ka may natutulog pa eh, can't you see? Tayong dalawa palang nasa labas.” Napatakip ako sa bibig ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. “What the h*ck are you doing? Hindi ka dapat nag hihintay ng ganiyan sa akin! Maraming multo rito!”

Umiling siya at hinila nalang ako dahil napapalakas yata lalo ang pagsalita ko. “You always saying such "curse words" would you like me to kiss that lips just to stop you from doing that?” Napalayo ako sa sinabi niya at paglapit niya ngunit mas napalayo ako sa pagtataka kung bakit may parang kiliti akong naramdaman sa loob ng katawan ko.

Napatulala akong nakayuko habang tuloy tuloy sa paglalakad. “Are you okay?” Umiling ako dahil hindi naman talaga. Gulong gulo nanaman ang utak ko kay aga aga eh.

“Papasok ako sa trabaho, saan ba talaga punta mo?” mahinang saad ko. Napatikhim naman siya. “May pupuntahan ako ngayon, bukas na ako makakauwi, and maybe I can't fetch you early.” Tumango ako sa sinabi niya.

“Sige punta ka na,” tulala kong sabi na siyang ikinahampas niya nanaman sa akin. “'Yon lang wala ka bang 'ingat kiss' diyan—aray! Ang bitter mo!” Napahagalpak ako ng tawa na siyang tinakpan ko rin kaagad at tumakbo. Humabol siya sa akin nang nagaalala sa paligid baka may magising at sigawan kami.

“Te, alam mo iba talaga ngiti niya ano?”

“Oo te, parang ngiting iba na ang pangarap.”

“Ngiting naka 'move on na ako' ba.”

“Ngiting 'hindi ako nasaktan'.”

“Ngiting kahit saan ako nakatingin ay ngingitian—”

“Gusto niyo ng ngiting hanggang pangang hindi na matanggal?” walang emosiyon kong baling sa mga katrabaho kong humarap ba sa akin tapos kahit ano ano ng sinasabi.

“Naririnig mo pala kami?”

“Oo kanina pa, hindi ba halata te?” Naghampasan ang dalawa kong kaharap. “Kasi naman, te ano ba kasing ngiti 'yan ikaw huh 'di ka na nagsasabi sa amin.” Bumuntong hininga naman ako sa sinabi nila. Hindi ko pa kasi kayang sabihin dahil kahit ako ay naguguluhan pa rin. Gusto ko rin ng confirmation dahil gano'n ba 'yon? Iang ikli palang ng panahon eh. 1 week and few days palang ang lumipas tapos makakamove on na ako agad at maaattract sa iba? Pero sa bagay si Zack nga ay wala pang isang araw 'yon may iba na.

Pero hindi ko naman siya kagaya! Pero hindi ba puwedeng maging masaya rin ako after break-up? Na kaya ko ring buksan ang puso ko sa ibang tao pagkatapos ng lahat ng nangyari? Kahit sinabi ko na sa sarili kong hindi na ako magmamahal? Hindi naman siguro ako nagpapatakip ng butas sa puso ko ano?

Teka nga ano ba itong nasa utak ko!

“Sasabihin ko sa inyo kapag, nalinawan at sigurado na rin ako.” Tulala kong naisabi sa kaniya.

“Kyahhhhhh so mayroon nga! Hihintayin namin 'ya—” Napatigil sila sa pag sigaw nang may dumating.

“Te, tahimik daw po kayo may VIP sa labas kumakain.” Sabay sabay kaming napatango at parang pinukpok na bata dahil sa naging hitsura namin. “Tahimik na nga kasi kayo, ayan tuloy. 'Wag niyo munang isipin 'yan pati ako eh nai-stress na.” Tumayo na kami ng sabay sabay ngunit naroon pa rin ang mapanukso nilang ngiti. Ang mga ito talaga.

“By the way, may nababanggit silang event, kaso hindi malinaw,” biglang sabi ni Kathyvell.

“Ano anong event daw? Kailan?” tanong ni Jerin na ikinasama ng tingin ni Kath.

“Malabo pa nga 'di ba? 'Tsaka narinig ko lang, siguro raw mga next next next week pa siya kasi kahit sila hindi sigurado,” sabi niya habang hinahampas hampas ang braso ko.

Bakit ako ang hinahampas nito?

“'Wag kasing magbabanggit ng hindi sigurado te, nabibitin ako eh. Anyway Sana sa event na 'yan may chupapi akong makita kyahh—aray ko 'te masakit!” Hinampas niya pabalik si Kath habang nadadamay na ako rito sa gilid dahil nakakapit na sa akin si Kathy.

“Asa ka kasi te, kung mayro'n man, sa akin it babagsak, sino ka ba ha?” Hinampas ulit ni Kath si Jerin na napalakas yata. Hinila naman ni Jerin ang buhok ni Kath at tuluyan na silang nagsabunutan.

Bago pa ako madamay sa sabunutan nila ay hinila ko na ang kamay ko at nagpakalayo. Tinignan ko naman sila maigi at may naalala. Ganiyan kami kung minsan eh, ganiyan kami kung nagsasama nagsasakitan na kala mo naman ay ang lakas lakas ng katawan.

“Baka kayo magkatuluyan niyan?” Bigla kong nasabi na sana ay sa utak ko lang. Humarap sila sa akin ng hindi makapaniwala at nandidiri akong tinignan.

“Ang mukhang ito magugustuhan ko? Makakatuluyan ko?? Never!” Dinuro duro ni Kath si Jerin na ikinahampas niya sa daliri niya.

“Te mas lalong 'di ako papatol sa 'yo. Ang mukhang 'to? Dapat sa pogi pumapatol Hindi sa 'yo!” Umiling iling ako dahil hindi na matapos ang bangayan nila.

Kumuha naman ako ng kutsilyo upang maghiwa na ng mga lulutuin ngunit napataka ako sa ginawa ng dalawa. Nagyakapan silang dalawa at parang humihiling na 'wag silang patayin. Lumuhod pa sila sa harapan ko at kunwaring umiiyak. Takang taka naman akong nakatingin sa kanila.

“Ba-Bakit?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status