Share

CHAPTER 1

Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW

“Alam mo, ikaw lang naman ang lumalaban una palang eh. Gusto mo malaman 'yong totoo? I used you. I didn't loved you, and I would never be. Tapos na ako sa 'yo. Let's break-up”

Paulit ulit na katagang naririnig ko sa aking isipan magmula kahapon. I don't know how we end up like that. It hurts so much. Ang hirap pala bumangon sa umagang iisipin mong wala ng 'kayo' na babanggitin mo. Iyong alam mo sa sarili mong wala ng mayro'n sa inyo. Kahit gano'n ang ginawa niya ay minahal ko pa rin 'yong tao. Why I didn't notice na niluluko niya lang pala ako. Bakit hindi ko man lang naramdaman na hindi pala talaga totoo ang nararamdaman niya sa akin?

Why do people still need to love someone kung sa huli ay maghihiwalay at magsasaktan din lang? Do love really need to feel pain in order to find the true meaning of this?

He's my first love, Zackharu, almost 3 years na kami tapos mag e-end within minutes, gosh. We build it in a damn years, tapos ito na pala 'yong ending niya?

Napatingin ako sa couple na nasa kabilang bench mula sa inuupuan ko. They are sweet, happy and I can feel the love between them, seeing them talk and the way they look at each other, ganiyan din kami noon. Pero alam niyo, te maghihiwalay rin kayo. I swear.

Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ang sakit pala ng break-up, first love ba na gaganunin ka lang. Kung alam ko lang ede sana hindi na ako nag mahal. Hindi pala ito kagaya ng sakit na nararamdaman ko sa mga novels na nababasa ko, na kinabukasan ay okay na. Ito kasi ay nakakawala ng gana sa lahat ng bagay, kasi naging parte na siya ng buhay ko.

Ayaw ko nang magmahal ang sakit pala, tama na 'to. Hindi ko alam kung sa susunod ay kakayanin ko pa.

Napaigtad ako nang nag ring ang phone ko. Nanghihina ko itong sinagod, at halos maiyak ako dahil mayroon pa rin sa akin na umaasang siya ang tatawag at sabihin sa akin na joke niya lang lahat 'yon.

“H-Hello?” nauutal kong sagot.

[“Uhm ate—”]

“Wala akong pera, shut up.” Mabilis kong sagot mula sa kabilang linya.

[“Ate naman, hindi naman 'yon eh.”]

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. Isa pa itong kapatid ko na pinoproblema ko sa pangbayad niya sa school, mga tuition at baon niya araw araw. Ako lang kasi ang makakapag-provide sa kaniya sa ngayon.

“Ano ba kasi 'yon?”

[“Malapit na last exam namin ate, mag te-take kami next week. Last naman na, makaka-graduate na ako.”] Napahinga ako lalo dahil alam ko na kung anong susunod na sasabihin nito.

“Oh tapos? Need mo goodluck?”

[“May bayad 'yong test paper, as usual.”]

Napaiyak ako dahil sa sinabi niya. “O-Oh, ede kailangan mo pa rin ng pera.”

[“Private kasi ate, pero ba't ka umiiyak?”]

“Kasalanan mo bakit ka kasi nag private.”

[“Akala ko kasi rito ko na mahahanap 'yong true love—”]

“Shut up, b!tch.” Pinatay ko na ang tawag bago ko pa marinig ang iba niyang dahilan na wala namang kuwenta. Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sunod sunod na problema talaga ang dinadala ko, nanghihina ako sa break-up tapos isa pa 'to. Napatingin ako sa paligid na nakatingin na pala sa akin nang nagtataka. Yumuko ako sa hiya dahil baka iniisip nila na nasisiraan na ako ng bait.

Dahan dahan akong tumayo upang pumunta mag overnight sa trabaho, sasagadin ko na kumbaga, mabuti nalang at wala kaming pasok, tapos ko na rin ang mga pending activities na dapat kong ipasa next week. I'm in the 4th year college, nag pa-part time job nalang ako para kahit papaano ay may magastos ako at hindi na ako hihingi. Hindi naman ako nahihirapan gaano lalo na kapag nag o-overnight dahil mataas ang sahod.

Ang nagi-isa kong kapatid ay nasa grade 12 na. Private ang school na pinasukan niya dahil noon ay kaya pang i-provide ng mga magulang namin ang tuition. Ngunit nagkaroon ng problema na kailangan ay tumulong ako sa paghahanap buhay.

Gusto kong maging Fashion Designer, bartender ang una kaso nagbago ang isip ko at sa tingin ko ay mas maabot ko ang Fashion designer.

Umiling iling nalang ako at inihakbang ang paa papunta sa trabaho, tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Ngunit bago pa man ako makahanap ng masasakyan at makalayo sa dati kong puwesto ay naaninag ko si Zackharu. Napanganga akong nakita siya dahil may linta nang nakasabit sa kaniya.

Ramdam ko ang gulat sa kaniyang mga mata nang makita ako. Pigil hininga ko namang pinigilan ang nagbabadyang luha at sakit na nararamdaman ko, ang nararamdaman kong pangungulila.

Ipinakita kong kaya ko siyang harapin nang magtama ang paningin namin kahit kaunti nalang ay babagsak na ako, nakita naman ako ng babaeng nakasabit sa kaniya. Nginisian niya ako at hinila si Zack palapit sa akin at kung makasabit ay akala mo'y nakadikit mismo ang katawan nila.

Aba't umagaw na nga ito hindi pa nakuntento nagyayabang pa.

Umupo sila sa bandang gilid ko kung saan ako nakaupo kanina. Hindi ko nalang ibinaling ang paningin ko sa kanila at deretso lang akong nakatingin sa kawalan habang naririnig ko ang landian nila na halata namang ipinaparinig sa akin. Sa rami ng upuan dito ay naisip pa nilang sa tabi ko mismo. Kunwari akong napatingin sa phone ko at sinagot ang tawag upang hindi nila mahalatang nasasaktan ako.

“H-Hello babe? Yes babe papunta na ako, nasaan ka na ba? Okay, see y—” Bago ko man matapos ang sasabihin ko ay may bumulong sa aking batang babae na sa tingin ko ay kataon ng kapatid ko.

“Ate, pitaka 'ata 'yan mukha lang cellphone.”

Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kaniya. Inilagay ko kaagad ang pitaka sa sling bag ko na hindi tinitignan at kinukumpirma kung pitaka talaga 'yon. Narinig ko naman ang nakakainis na tawa ng nasa kabilang side ko.

“Love, buti nalang at pinili mo ang nag-iisip.”

Napapikit ako ng kamao at yumuko. “Yes love, and I'm lucky to have you.”

Nagpantig sa tenga ko ang salitang binitawang salita ni Zack, at sa tingin ko, panahon na para kalimutan ko na talaga siya, koneksiyon ko sa kaniya at kung ano ang mayro'n sa amin noon. Ramdam ko na ang pangingilid ng luha ko at ano mang oras ay mapapaiyak ako ng malakas sa nasasaksihan ko ngayon. Tanggap ko na na wala akong pag-asang maibalik kung ano ang mayro'n sa amin. Makita ko lang siyang ginaganito ako ngayon ay sapat nang dahilan para itigil ko ang pagmamahal na mayro'n ako sa kaniya.

Mabilis kong inihakbang ang paa ko patalikod habang nakayuko at tumakbo. Sa kasamaang palad at kung minamalas ba naman ako ay bakit ngayong araw pa, naramdaman ko ang sakit ng ulo sa pagtama sa isang bagay. Wala na talaga akong maihaharap na mukha kung poste man o pader ito, pakilamun ako please.

“Are you okay?”

Isang malalim ngunit magaan sa pandinig ang buses na narinig ko. Hindi ko alam ngunit napaiyak ako dahil sa kanina ko pang pinipigilang luha. Mas napaiyak ako nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko na para akong pinapatahan sa pag iyak.

Hinayaan ko na lamang ang sarili ko sa ganoong posisiyon na umiiyak ako sa kaniyang dibdib.

“Let's go babe, maraming piste sa paligid.” Umatras ang luha ko sa biglaan niyang pagsasalit at sa sinabi niya. Kumukurap kurap akong nakadukduk sa kaniyang dibdib.

Ako ba ang sinabihan niyang gano'n o, assuming nanaman ako?

Hinigit niya ako habang tulala pa rin akong nakayuko. Nang makalayo kami ay binitawan niya na ako. Okay na 'to kaysa sa mag stay ako roon, hindi alam ang gagawin at mapapahiya lang. Nanatili akong nakayuko at 'di ko alam kung anong salita ba ang una kong sasabihin. Magte-thank you ba ako kasi sinave niya ang kahihiyan ko kanina?

“Dapat lang na magpasalamat ka.” Gulat akong napatingin sa kaniya at mas nagulat pa nang makita ko ang kaniyang mukha.

A-Am I looking to angel?

Nakangiti siya sa akin na mas lalong nakapagpa aliwalas sa mukha niya. He's perfect lips and nose, his thick eyebrow and ash gray eyes. Ang rare naman nito. Tao pa ba 'to?

“Stop staring at me like that, matutunaw ako.” Bahagya akong napaatras at inirapan siya nang bumalik ako sa wisyo, tatalikuran ko na sana siya dala ng kalutangan ngunit hinila niya ako.

“Wait, did you forgot something?” sabi niya habang pilit akong hinaharap sa kaniya. Wait kasi paano ba haharap sa 'yo nasisilaw ako.

“Wala naman, aalis na ako!” Kunwaring galit ko.

“You need to pay!” Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. “Anong pay? 'Di nga kita kilala, hindi rin ako nagkakautang.”

“Ofcourse, you need to pay your owe, nakalimutan mo bang "I saved you" for your pete's sake.” Napanganga ako sa kapal ng mukha niya. Pogi sana kaso nasubrahan.

May sinabi ba akong tulungan niya ako roon? Puwede niya namang lagpasan nalang ako noong nagbanggan kami eh. Nagkautang tuloy ako.

Kaysa sumagot ay pinili ko nalang hilain ang kamay ko at tatakas na sana, kaso naabot niya ulit ako at paulit ulit na kinulit.

“Don't try to—”

“Oo na! Ito na nga eh magbabayad na! Ano ba kasi 'yon? Magkano ba kaylangan mo?” Ngumiti nanaman siya sa akin ng malawak at kunwaring napaisip. Mapapalaki pa yata ang ibabayad ko nito.

“Ang tagal! May trabaho pa ako,” nauubos na pasensiyang ani ko. Ngumiti siya sa akin ng nanluluko.

“Kiss.”

“Ha?”

“Pay me a kiss.”

“Ha?”

“Did you lost your ears?” Napanganga ako sa mga pinagsasabi niya. Kaunti nalang at mapapaiyak nanaman ako nito.

“I can't afford that, 'tsaka sino ka ba? Tumigil ka nga!”

“Then tell you love me, titigil na ako.” Nangilid ang luha ko sa kakulitan niya. Bakit may problema nanaman ako? “Hindi ba puwedeng 'thank you' nalang?”

Umiling siya. “No, it's overused, I need to try something new.” Napa 'what the h*ll' ako sa sinabi niya. Seryuso? Hindi halata sa mukha niya na may ganiyan siyang personality. I thought he's cold and sensitive, parang gano'n sa mga novel na nababasa ko. Sometimes nga ay heartless pa. Karamihan sa mga taong ganiyan ang postura ay cold or minsan nga hindi mo pa makausap. Okay, hindi lahat ng nababasa sa novel ay totoo. Sabi ko nga.

“P-Please just make me pay you a cash. I can't afford anything like that.”

“Gosh, why are you crying?” Gulat akong nagpahid ng luha sa pisnge ko. Hindi ko man lang namalayang napaiyak nanaman ako. Ito kasing tao na 'to!

Tumingin siya sa akin ng nagaalala at ramdam ko na seryuso na siya ngayon. “Fine, you need to pay me a. . . ”

Huminga ako ng malalim dahil sa wakas ay seryuso na siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Marry me.”

Sa huling pagkakataon ay 'di ko na talaga maiwasang umiyak habang sumisigaw. Bahala na ang mga makakarinig at kung sino ang makakakita sa akin. Bahala na rin sila kung anong isipin nila, mailabas ko lang kaguluhan sa utak ko.

Napatigil nalang ako sa pag-iyak nang takpan niya ang bunganga ko. “Hey stop, baka isipin nilang sinasaktan kita,” sabi niya habang lumilingon sa paligid. Tinapik ko ang kamay niya at sinubukan siyang sipain ngunit hindi ko siya mahuli.

“Totoo naman! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo! Nanahimik ang tao kinekerengkeng mo! Ayaw ko na, ayaw ko, ayaw ko!”

“Whats kerengkeng?” Tumulo ang sipon ko sa biglaan niyang tinanong at nakaramdam ako ng pagkainis sa katawan ko. Nang tuluyan akong makawala mula sa kaniya ay tumakbo akong sumisigaw at umiiyak, tinakpan ko pa ang mukha kong tumatakbo. Grabeng buhay ito.

“Hey! I'm just joking, Velier Trazy!”

Mas lalo akong napasigaw ng malakas at napaiyak dahil sa narinig ko ang pangalan ko mula sa kaniya na hindi ko naman sinabi o binanggit man lang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status