Share

CHAPTER 5

Brylle Zion Mordred POINT OF VIEW

(Friend of Arkien)

It is still 5:30 in the morning but I can already feel the warm of the sun. I'm in my room terrace while drinking some tea. I was enjoying the view and peace of the nature nang may tangang humampas sa akin. Masama kong tinignan ang dalawang unggoy na dumating, Eros and Fean na kung tumawa akala mo pinakamasayabg tai sa mundo.

“What?” pagalit kong tanong sa dalawa at akmang ihahampas sa kanila ang baso na hawak ko.

“Wala gusto lang namin bumisita,” sabi ni Fean at inakbayan ako.

“Miss niyo nanaman ako kahapon lang tayo last na nagkita ha.” Pagbibiro ko sa kanila at umupo. “Oo, pa kiss nga—ouch!” Sinapak ko si Eros nang akma na niya akong hahalikan.

Ang mga ito, nandito nanaman para manggulo.

“Anyway, now I think about it, nasaan si Arkien ngayon?” sabi ko nang may ngisi sa labi. Napangisi rin sila dahil sigurado ay may naalala rin.

“I don't know how to react. Siguro nasanay lang ako na hindi siya gano'n kasaya 'pag tayo kasama niya,” natatawang sabi ko at umiiling iling.

“I felt jealous tuloy,” biglang sabi ni Fean.

“Pardon?” sabay naming tanong ni Eros, baka kasi mamaya iba isipin namin kapag hindi niya na explain ng maayos.

“What the hell guys, I mean we are all together since then but he always serious and only smile a little kahit tayo mamatay na sa tawa.” He's right. We don't even know kung may natitira pa bang saya sa puso niya. Mula pagkabata ay kasama na namin siya, we are trying to make him feel that he's not alone. Pero for real, bata palang kami ay ang matured niya na, he's serious sa lahat ng bagay, or should I said he's cold but even he's like that nararamdaman pa rin namin 'yong pagmamahal na mayro'n siya. Siya ang nauunang dumarating kapag nangangailan.

Kaya nagulat talaga kami noong nakita namin siyang grabe makangiti.

“Tawagin niyo kaya? Hindi pa siya nag kukuwento, weeks passed na yata dapat nating malaman ang katutuhana—aray ba't ba hampas ka ng hampas!” nagsuntukan si Fean at Eros. Kinuha ko ang cellphone ko at sinimulang kontakin si Arkien. Ni-loud speaker ko siya para marinig ng dalawa.

Nang sinagot niya na ang tawag ay tumawa muna ako. [“What?”] What agad ang narinig ko sa kabilang linya.

“Nasaan ka?”

[“In my office, why?”]

“Naks! Yumayaman nanaman ang kaibigan natin!” sabat ni Fean. Narinig ko pa ang mahinang tunog ng pagngisi sa kabilang linya.

[“Just say what you wanted to say. May tinatapos pa ako.”] Umiling iling ako at nagsalita.

“Hindi na ba kami ang tinitibok ng iyong heart?” Pigil sa pagtawa ang dalawa kong kasama. Narinig ko ang pag "Huh?" ni Arkien.

[“W-What the hell are you talking about?”] Napatawa na kami ng malakas ngunit hinampas ko sila agad. “Babaw ng kaligayahan niyo.”

“I mean, bruh, it's been weeks huh, dapat alam na namin kung sino ba iyong kasama mo. Don't be shy dre, lalaki naman tayo.” We heard his chuckle na nagpagulat sa amin. Nanlalaki ang mga naming nagtinginan. Even his chuckle, madalang niyang gawin.

[“I forgot about it okay? Late—”]

“Ngayon na dapat, nagtatampo kami,” Eros said. Napangiti kami sa katutuhanang masaya siya. We are excited to know the story and who's the girl that made him like that.

[“Alright, just give me a minutes,”] sabi niya at pinatay ang tawag. Napatalon talon kami at nagsuntukan sa tuwa. Pumunta naman ako kaagad sa loob para ayusin ang sarili ko. Nangialam naman ang dalawa sa iba kong gamit.

After a minutes napasilip kami sa bintana sa tunog ng bigbike. “I guess, it's Arkien.” Excited kaming tinitignan siyang papasok na rito sa mansion.

We greatly surprise him as he enter in my room. Takang taka ang mukha niyang napatingin sa amin. Pinaupo naman namin siya at sinimulang harapin. Napahawak siya sa batok na dahilan para tumawa kami.

“Anyway, why didn't you use your Lamborghini? Ba't ka naka big bike?” tanong ko sa kaniya.

“Hihiramin mo lang eh,” sabi niya bigla na ikinatuwa ko lalo. Wait we are testing him. If may nagbago ba talaga. Pero ngayon palang ay may napansin na kami agad. Kadalasa. Kasi ay hindi siya sumasagot kapag sinasabi ko iyon.

“How about we should start,” sabi ni Eros habang naka de quatro ang paa at akala mo'y nasa seryusong usapan na.

Katahimikan ang ngibabaw sa aming apat. Nagtinginan kami at biglang natawa. Nagpigil lang ng tawa si Arkien at napayuko nalang.

“What?” tanong niya habang nakatingin sa amin. Tinitigan namin siya lalo. Napakamot siya sa ulo. “Fine, she's Velier, matagal ko na siyang nakikita, but we became close when— just accident. I don't think about sharing what exactly happen, it's for her privacy. But y-yeah, we bumped each other,,” sabi niya habang nakatingin sa bintana at hindi sa amin. Kita ko ang pamumula ng kaniyang tenga. I know Arkien, I know hindi ka sanay sa ganito. It's your first time to open up about love anyway. You know dre, we asked it because this time gusto naming ikaw rin ang tulungan namin.

Ngiting ngiti kong nilingon si Fean at Eros na malawak na rin ang ngiti. “Then?” tanong ni Fean.

“Then what?” pabalik niyang tanong.

“About your feelings for her?” Nabilaukan ako sa itinanong ni Fean. Ito naman hindi mag dahan dahan.

Tumawa si Fean. “Sorry HAHA, you mean?”

“I mean it,” bigla niyang sabi na ikinatalon naming tatlo. Binato bato namin ang unan kay Arkien. “Hoy! Inlove ang Arkien natin! Tara mag beach!” malandi kaming kumandong lahat kay Arkien na ikinareklamo niya.

“Dre, kailan pa 'yan? Bakit ngayon mo lang sinabi? Gumalaw na ba ang baso? Current label? Or in a relationship na ba—”

“Wait kasi! Get lost, you three. Ang bibigat niyo!” tumalon kami agad paalis at para kaming tuta na naghihintay sa kaniyang sasabihin.

Mahina siyang napatawa. “Dre alam mo natutuwa kami sa 'yo.” Tinignan niya kami ng nagtataka. “You look so happy and we hope that happiness will never fade.”

Bago tuluyang maiyak ang dalawa kong kasama ay binatukan ko na sila agad and we decided to go outside.

JERIN'S POINT OF VIEW

(Velier's friend)

“Hoy te, kanina ka pa nakangiti riyan,” tanong ko kay Velier kasi kanina pa talaga siya nakangiti habang nakatitig lang sa hangin.

“Wala naman, stress lang sa life,” sabi niya na ikinahampas ko sa kaniya. “Nababaliw ka na siguro te, feeling ko tuloy kailangan ka na naming ipunta sa mental.” Humagalpak ng tawa si Kath na nasa tabi ko na pala.

“Huh? Ano kasi 'yon?” sabi niya at humarap sa amin pero may ngiti pa rin.

“'Yong ngiti mo kasi eh, matagal na 'yan hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi sino 'yang source niyan.” Napahampas si Velier sa akin at tumawa.

“Kasi naman eh, I also don't know kung ano itong nararamdaman ko. Pero, masaya ako,” sabi niya at parang iniisip niya pa ang taong iyon.

“Ewan din, ang gulo! Pero natutuwa ako, pero magulo talaga! Nai-stress ako sa tuwa.” Nagtinginan kami ni Kath at ngumiti habang umiiling iling.

“Inlove 'yan eh, hindi mo lang kayang tanggapin pa,” sabi ko sa kaniya.

“Pero mas okay na 'yan kaysa makita ka naming nakatulala dahil sa problema. Mas gusto naman naming masaya ka ngayon,” sabi ni Kath at lumapit kay Velier.

“Luh, 'di niyo pa ba ako nakitang masaya?” tanong niya at nagkamot.

“Hindi sa gano'n pero alam mo ba most of the time malungkot ang mukha mo, ang tahimik mo pa since the first day tapos lumala noong nakipag break sa 'yo ang Zack na 'yon. Buti nga ngayon ay ang saya saya na ng aura mo.” Mahabanh sabi ni Kath na nagpatango tango sa akin.

Velier always looks like a problematic person. Pero alam namin ang dahilan, it's always all about her family—a personal problem. Nang dumating siya rito ay we thought we can't be friends with her kasi she look like a mad person or sabihin ko ng mukha siyang masungit, pero noong nakilala namin siya ay ang soft niya pala, she's just silent kapag first time niya sa isang lugar. Nakita namin kung paano niya pinigilan ang mga iyak niya at pinilit magpakatatag sa tuwing nag o-open up siya. How she smile and laugh kahit alam naming hindi na niya kaya.

She's strong.

Naramdaman namin ang kakaibang emosiyon ang sinasabi ng mata niya. Bago pa maglabasan ang emosiyon ay pinutol ko na ito at tumayo bigla na siyang ikinagulat nilang dalawa. Tumawa muna ako. “Tara na kaya, labas tayo gusto kong gumala ngayon marami akong ipon, libre namin ni Kath.” Nagulat si Velier.

“Eh ako anong ambag ko?” sabi niya at nakaturo pa sa kaniya. “Wala, rumampa ka lang okay na.” Tumawa kami ng malakas.

“Wait, hindi pa uwian pupunta na kayo?” sabi niya bigla habang kami ni Kath ay nagsisimula ng ayusin ang gamit at aalis na.

“Sinasabi mo riyan? Kanina pa tayo pinapaalis ng Manager, nagsasawa na raw siya sa pagmumukha natin. ”Humagalpak ng tawa si Kath. “Joke lang, pahinga muna raw tayo kasi ang sipag daw natin. May ibang naka shift naman daw ngayon.” Tumango tango ako. Hindi na siguro niya narinig kasi nakatulala na kanina.

“Anyway, he's name is, Arkien,” biglang sabi niya bago kami lumabas sa yayamaning restaurant.

Habol hininga akong nag tumatawa at nag eenjoy ngayon dito sa mga arcade. Nasa mall kami at naglalaro lang talaga. Sa katunayan ay siguro nasa kalahating oras na kaming nandito. Pinagtitinginan na nga rin kami ng mga tao sa ingay namin. Eh paano ba naman kasi, sa haba ng panahon ay ngayon lang ulit namin nadama ang maging bata. Gusto pa nga sana namin ang pumunta sa DIVImart para lang maglaro ngunit bawal.

Nabubuwesit na rin ako kasi mula kanina ay isang stuff toy palang ang nakukuha ko rito sa claw machine. Habang si Velier ay ayon tuwang tuwa dahil naka lima na. Pero ang nakakagulat talaga ay si Kath na kahit dadalawa palang ay malalaking stuff toys naman.

Nakakaenjoy ang araw na ito na kahit siguro maubos ang pera namin ay hindi kami magsisisi. Lumabas na kami mula sa lugar kung saan kami nabaliw at napagpasiyahang kumain nalang muna. Bitbit ni Velier at Kath ang mga premyo nilang nakuha at halata sa kanila na ipinapainggit sa iisa kong nakuha.

“Hindi halatang nambubuwesit kayo 'no? Ipalunok ko sa inyo ng buo 'yan eh—Charot, Tara fries.” Tinakbuhan ko sila nang matapos akong magsalita. Ramdam ko naman ang pagsunod nila. Kanina ko pa 'to naamoy, pinipigilan ko lang.

Bumili ako agad ng dalawang large at ibinigay kay Velier ang isa. Nahihiya pa siya at parang ayaw pang tanggapin. Narinig ko ang pag thank you niya bago ako humarap kay Kath na naka lahad ang palad sa akin.

“Ano 'yan te?” tanong ko.

“Palad,” sabi niya na dahilan para irapan ko siya.

“Aanhin ko 'yan?” tanong ko ulit at tinalikuran ko siya.

“Ang sama nito! Ba't hindi mo naman ako in-orderan?” pagmamaktol niya at kunwaring napapaiyak.

“Hunghang ayaw mo kaya sa fries.” Napa 'O' bigla ang bibig niya at napatango. “Anak ng, ba't nakalimutan ko ang bagay na 'yon?” sabi niya at lumayo sa fries. Ayaw niya talaga sa fries dati pa.

Inofferan naman bigla ni Velier si Kath ng fries na ikinatawa ko. Tumalon si Kath palayo at doon lang narealize ni Velier na ayaw ni Kath sa fries. Bumili nalang kami ng ibang makakain para kay Kath. Tapos itong si Velier naman ay bumili ng panibago at ngayon siya Ang nanlibre na hindi dapat. Hinampas hampas pa ako ni Kath kung bakit daw hindi ko binantayan si Velier na nakabili ayan tuloy nalibre kami.

Papunta kami ngayon sa bookstore para magtingin lang ng mga bagong labas na libro. Para mapagipunan din namin kung sakali. Kami kasing tatlo ay naadik na yata sa libro at ginagawa na naming almusal.

Papasok palang kami ay napatigil si Velier sa paglalakad. Naiwan naman kaming nag untugan ni Kath, nasa harap ko kasi siya at bigla ring napatigil, ako na dere deretso ay nauntog.

Napatigil kami pareho ni Kath sa nakita sa harapan namin. Apat sila bi, apat na anghel. Sa tingin ko ay tuluyan akong maging babae sa nakikita ko ngayon. Halatang maskulado ang mga katawan kahit may mga suot silang Jacket. Nakakapanlaglag panga ang mga nasa harap namin sa totoo lang.

Pero mas nahulog lalo ang panga namin dahil sa hindi inaasahan ay naghampasan si Velier at ang isang lalaki. Sa tingin ko siya yata ang pinakamaamo at malakas ang dating sa kanila. Kita ko rin pero ang pag nganga ng tatlo pang kasama ng lalaking kahampasan ni Velier.

“Velier, why are you here?” masayang sabi ng lalaki.

“Ako dapat ang nagtatanong niyan! Bakit ka nandito?” bigla silang nagsungitan tapos ay tumawa ng malakas. Hala mga siraulo.

Sa pagtawa palang ng lalaki ay malalaglag na ang aking heart. Nanatili lang kaming nakanganga ni Kath pati na rin ang kasama ng isa.

Nang lumingon sa amin si Velier ay roon lang yata siya natauhan, pati ang isa ay roon din lang natahimik at napaayos ng tayo.

“Uhm—” sabay nilang sabi ngunit pinutol na naming lima agad.

“Siya ang nagugustuhan mo?!” sabay sabay naming tanong na nakapagpapula sa mga mukha nila at tinakpan ang mga bunganga namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status