Share

CHAPTER 6

Velier Traizy Prenco POINT OF VIEW

“Kyahhhhhh!” sigawan sa loob ng classroom dahil sa may event daw na mangyayari rito sa school. Wala naman akong imik dito sa tabi kasi. . .

“I'm not interested,” sagot ko sa katabi ko dahil tinanong ako kung sasali ba ako.

“Ha? Every 4 years lang daw 'yan eh minsan nga wala pa. Minsan lang mag ganito sa college, gagraduate na rin tayo sayang kung hindi ka sasali.” Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Minsan nga lang ito at last ko na sa college. Kaso, wala naman akong budget para rito. Sigurado ay malaking gastos ito sayang lang at ibigay ko nalang ang gagastusin ko rito sa pangangailangan ko.

“Wala rin naman akong magiging partner eh, magastos din ito. Pagiisipan ko muna,” sagot ko nalang. Tumango tango naman siya. “Sabagay, pero sabihin mo lang kapag sasali ka, may make up artist ako, Incase you need.” Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit papaano ay may kumakausap naman sa akin dito kahit subrang alap ko sa tao. May trauma kasi ako sa mga tao, na baka kapag naging malapit ako sa kanila ay sasaktan lang ako. Kaya pili lang ang nakakausap ko. Mabait naman sila lahat sa akin eh.

Ang event ay isang grand party or should I say grand ball, private ang school na ito pero mura, may scholarship din akong natatanggap at ang dami nilang discounts kapag nasa honor list. Ang event na ito ay to celebrate the school anniversary, kada 4 years pala siyang nagaganap. And they always having a grand party, parang js prom lang ba. Naranasan ko naman noong nasa highschool palang ako, at for me it's not exciting.

Sayawan nanaman ito, syempre need ng partner lagi 'yan. Tapos not interested talaga ako. Walang budget. 'Wag nalang, dumadagdag sa problemang mayro'n ako.

Maulap ngayon at sa tingin ko maya-maya lang ay uulan. Nakadala ako ng payong so no worries.

Pagsapit ng uwian ay matamlay akong tumayo. Naririnig ko silang pinaguusapan pa rin ang event na 'yon. Marami raw kasing nagsasabi na ang ganda raw. May mapipili pang magiging Mr. and Ms. College campus. Nanlulumo ako dahil yata sa inggit or hindi ako makapag desisiyon kung sasama ako o, hindi. Liningon ko silang lahat at sa tingin ko ay may kaniya kaniya na silang partner. Ang hirap pala kapag 37 kayo sa klase may naiiwan laging isa. Feeling ko tuloy bumalik ako sa pagiging highschool. Pero noong highschool ako hindi ko naman prinoblema ang partner.

Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba pinoproblema ang bagay na ito? Eh ano naman kung hindi ako makapunta? Kaya ko namang i-date ang sarili ko sa gabing nagaganap ang grand ball. Kaya ko namang lumabas and mag enjoy mag-isa habang sila nagsasaya rin. Atleast 'di ako mapapagastos ng malaki. Siguro ay yayain ko na rin sila Kath at Jerin.

Mas lalo akong nanlumo ng may maalala ako.

Wait, how about Arkien? What if sasali siya? Siya kaya partner ko? Pero what if may partner na siya ngayon? Argh!

Bumalik ako sa pagkakaupo at napatulala sa kawalan. Taena paano na 'to. Ano ba itong naiisip ko nanaman. How to unthink?

“Ayos ka lang Vel?” tanong ng isa kong kaklase, tumango nalang ako kahit hindi naman talaga. Nagsisimula na silang mag-alisan habang ako tulala pa rin. Malalim akong huminga at binuhat ang sarili habang naiiyak pa.

“Sigurado kang ayos ka lang Vel?” nagulat ako dahil nandito pa pala siya. Humarap ako sa kaniya ng may tunong naiiyak. “Oo nga, ayos lang ako.”

“Luh,” nasabi niya nalang bago ako humakbang na bagsak ang balikat.

Napahawak ako sa pintuan sa subrang panlulumo at napapikit. Luh, bakit ganito ako ka breakdown agad? Idinukduk ko ang ulo ko sa pintuan at sinubukang iuntog ng pakunti kunti ang ulo ko dahil ayaw ko pa namang masiraan ng ulo, pero medyo malambot pala ang pintuan nila rito—

“What the hell are you doing?” Nagulat nalang ako ng kaunti dahil alam ko na kung sino ito, alam ko na kung sino ang may first line na ganiyan sa tuwing nakikita akong nabubuang sa gilid.

“S-Sorry akala ko kasi, pintuan,” lutang kong sagot. Nilampasan ko nalang siya at naglakad na. Hindi ko pa rin talaga mapigilang manlumo kahit nandito na siya. Iniisip ko palang na—ayaw ko na pala magisip.

Tatawa tawa siyang lumapit sa akin. “Did you missed me that much that it made you looked like that?” assuming niyang pananalita.

“Hindi ah, may iniisip lang.”

Napansin kong napaseryuso yata siya. Tahimik kaming naglakad papunta sa parking lot. Tatanungin ko ba kung sasali siya? Kung oo ang sagot niya 'wag ko nalang tanungin sino partner niya, napapansin ko na kasi panlulumo ko. Parang tanga naman.

Humarap siya sa akin nang makarating kami sa parking lot. Ipinatong niya ang siko niya sa motor at tinitigan ako.

“Ba-Bakit?” tanong ko kasi nakakailang.

Nanliit ang mga mata niya. “Nothing, tara sa starb—I mean coffee shop.” Tumango nalang ako sa sinabi niya.

“Anyway, may event na magaganap dito sa school, sasali ka?” Doon na tuluyang bumuhos ang kaba ko. Bakit niya ako tinatanong?

“A-Ah, I don't know, ikaw ba?” sabi ko dahil hindi naman talaga ako sigurado. Saka ko lang naisip na magastos pala.

Hindi pa rin kami sumasakay sa sasakyan niya, nakasandal lang siya habang ako nangangapa habang nakatayo.

“Yes, I'll join.” Sabi na eh, dapat talaga 'di ko na tinanong kung sasama ba siya or hindi. Ayaw ko na mag tanong dahil nakakainis talaga bakit ganito nararamdaman ko ngayon. Weird, weird talaga.

“Can I,” sabi niya bigla. Lumingon ako sa kaniya at napaatras ng kaunti dahil lumapit pala siya.

“Can I be your man at that night?” Pagkasabi niya ng salitang 'yon ay hindi ko mapigilan ang sayang naramdaman ko bigla. Kung saang banda ng katawan ko nahugot ang kasiyahan ko ngayon at panunuyo ng mga pawis ko na kanina pa tumatagaktak. Ngunit may lungkot pa rin, dahil wala nga akong pera bi, saan ko huhugutin ang lakas ng loob para um-oo tapos wala pala akong gagamitin.

1 week and half days past .

“Omygosh! I-Is that really you?” Napatawa ako sa biglaang pagsabi ni Jerin nang makita ako.

“Ito naman para kang shunga, kinikilig ako.” Pagbibiro ko sa kaniya.

“No, for real te, you look so stunning tonight, like gosh datingan mo hindi pang princess eh, pang goddess ba!” Pambubula naman ni Kath. Napangiti nalang nalang ako sa overflowing support nila. Mini-make up-on pa nga lang ako ay grabe na sila kung mag support.

“Wahh!” Napalingon kami sa kaklase kong nag recommend ng make up artist noong nakaraan. Sinabihan ko na siya na magpapamake up ako sa sinasabi niya nang sasali rin pala ako sa event.

“Vel! You are so gorgeous!” nakatakip pa sa bibig na sabi niya. Tumawa nalang ako at umiwas ng tingin sa hiya.

“You look so gorgeous too, Xeinn,” sabi ko rin sa kaniya. Napakapit ako kay Kath at Jerin dahil hiyang hiya talaga ako ngayon. Hindi kasi ako sanay sa mga compliment, and I don't know how to react.

I'm wearing a white gown with some gold tip and glitter may mga kaunting black lines din siya. Long sleeve off shoulder ito, at hindi siya fitted sa braso ko, puffed siya kumbaga kaya komportable ako. Mabigat nga lang siya. Ang harap ng gown ko ay nakikita ang paa ko tapos mahaba na sa likuran. Hindi ako ang namili nito, si Arkien. Kung saan lang ako mapapamake-up ako na nag desisiyon.

Actually si Arkien ang lahat ng may kagagawan nito kaya nandito ako ngayon. Mapilit siya eh, kaya sige nalang.

F L A S H B A C K

“Huh?” tanging nasagot ko. Nabinge yata ako roon.

“Don't make me repeat, woman.” Pagbibiro niya at ibinigay sa akin ang helmet. “Kailangan pa ito isuot? Coffee shop lang pupuntahan natin ang lapit la—”

“Just wear it,” sabi niya bigla. Sumakay nalang ako nang masuot ko na.

“Hey, I'm waiting. What's your answer? You haven't answering it yet.” Napanganga ako. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay ramdam ko ang pagngiti niya sa tuno ng pananalita niya.

“Kasi—” Hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko na wala akong pera pero pinutol na niya.

“Just answer 'yes', ako na bahala sa lahat. If you said 'no' you better jump right now. Kidding.”

“May magagawa pa ba ako? Ayaw ko pa mamatay bi.” Pagbibiro ko rin sa kaniya.

Tumawa nalang siya at dumeretso talaga kami sa coffee shop. Makakatikim nanaman ako ng libre, grabe na 'to.

The days past, wala. Nag ayos lang kami ng mga decoration at subrang busy sa practice para maganda ang performance namin. From first to forth year college at puwede sumama. At halos lahat talaga ay sumama, may mga hindi na may personal reasons na naintindihan naman nila. Sumama ako kasi pinilit talaga ako ni Arkien. Actually kasi ay ilang beses pa akong nag refuse bago niya talaga ako na persuade na sumama. Nahihiya na kasi ako sa rami na ng nalibre niya sa akin, pati ba naman dito. Naiisip ko kasi na naghihirap din siyang magtrabaho para sa sarili niya tapos ililibre niya lang sa isang tulad ko.

Ramdam ko kasi ang hirap ng pagtatrabaho para may maibigay ako sa sarili ko at sa pamilya ko sa probinsiya, hindi biro ang pagtatrabaho habang nag-aaral. Pero napapansin ko lang, ang dami niya yatang sahod lagi or magaling siya sa budgeting? Kapag nagkaroon ako ng time para pag-usapan ang tungkol sa trabaho ay matanong nga siya kung anong trabaho niya. Baka puwede rin ako roon, baka mataas ang sahod eh.

“Choose your gown.” Nagulantang ako, nakalimutan ko na nandito kami sa bilihan ng mga gowns, sa loob ito ng mall. Na wili lang pala ako sa ganda ng mga gowns dito. White gold pala ang theme naming forth year college.

“Wala akong mapili,” nasabi ko nalang dahil subrang mahal naman yata ng mga gowns dito. Nakakahilo ang presyo. Mas magandang lumabas nalang kami rito at mag hanap ng nirerenta kaysa bibili pa.

“Let me choose then.” Akala ko makakawala na ako pero siya tuloy ang pipili.

Kabado naman ako nang lumapit siya sa isang gown na hinawakan ko kanina dahil subrang ganda pero binitawan ko rin agad at kunwaring hindi ko nakita ang presyo na makakabili na ako ng ilang gadgets. Kabado ako kasi baka mamaya singilin nanaman ako nitong lalaking 'to. Anong ibabayad ko riyan?

“T-Teka, subrang mahal yata niyan,” pahina ng pahina na sabi ko habang nakahawal sa laylayan ng damit niya. Ngumiti lang siya sa akin. Namamawis na ako ng kinuha niya na iyon at dumeretso sa casher. Shet, mauubos ko yata ang sahod niya.

“Kalma, I told you kasasahod ko lang, marami rin akong ipon, matagal ko ng pinagipunan ang tungkol sa event, so don't worry.” Sinubukan kong kumalma dahil malay natin ay nagsasabi siya ng totoo.

Nang matapos ang lahat ng pagbili namin ng kakailanganin ay hindi na yata ako makahinga sa dami ng binili niya para sa akin.

“You look so pale, are you tired?” sabi niya. Umiling ako. “Si-Sigurado ka bang hindi mo ako sisingilin diyan?” Tumawa ulit siya ng malakas. “Hindi nga, also we should start finding a make up artist.”

“A-Ako na mag me-make u—”

“Stop joking, you are not even wearing any make ups tapos gusto mo ikaw pa mag me-make up sa sarili mo. Or else your gorgeous face don't need any palletes.” Nag wink siya pagkatapos.

Umiling ako at naalala bigla ang sinabi ni Xeinn. “Ahh, may alam ako isa.”

“Sure, contact the make up artist para ma-ready na natin lahat.” Tumango akong may labag sa kalooban. Mahal ang mag pa make up. I forgot shet.

END OF FLASHBACK

“Magsisimula na raw ang party, tara na!”

Kabado akong naghihintay ngayon dito sa back stage. Oo kung gaano kalakas ang sound system gano'n din kalakas ang tibok ng puso ko, sumasabay ba naman sa beat.

Kaming mga babae ay nasa right side ng back stage naka pila. Ang mga lalaki naman ay nasa kabilang side rin at nakapila sila. Tapos na pala ang mga first to third year college. Ang mga third year ay kasalukuyan ng sumasayaw sa stage mismo. At kaming forth year na ang susunod.

Ang mangyayari ay isa isa kaming lalabas mula rito. Ang mga partner na lalaki ay lalabas din mula sa kabila para alalayan ang babae pababa at para alalayan na rin hanggang sa area kung saan talaga kami sasayaw, nagkakasalubungan. Magkakasunod ito. Kapag nakababa na ang isang pares ay ang sunod sa pila naman. Kinakabahan ako ngayon dahil hindi ko pa nakikita si Arkien magmula kaninang umaga, sinubukan ko ring tignan kung may message siya kaso wala. Paano kung hindi talaga siya makakapunta? Or late? Paano na ako?

Dahil sa naglalarong kung ano sa utak ko ay hindi ko namalayang ako na pala ang susunod. Ito na nga ba ang sinasabi ko at bakit kasi wala siyang text kahit isa? Mas lalong lumakas ang dagundong sa dibdib ko at hindi ko talaga mapigilang kabahan nang patapos na ang dalawa sa pag rampa ng romantic music.

“Last ka na te, baka ma late ka nanaman sa realization eh.” Nagulat ako nang masa tabi ko na pala si Kath at Jerin. Last na ako? Ay oo nga last pala kami ni Arkien sa lalabas. Ang kalutangan kong ito ay wala talagang nilulugar.

Ngumiti ako sa kanila. “Thank you, muntik ko na tuloy makalimutan na may steps pa pala.”

Nagsimula ng tumugtog ang panibagong kanta, which is ang kanta ni Taylor na sikat, ang lover. Hinampas pa muna ako ng dalawa at bumulong pa na dapat daw ay landiin ko si Arkien para maakit ko siya na siyang ikinasimangot ko. Kahit ano anong itinuturo.

Nagsimula na akong humakbang ng may kaba palabas sa backstage habang ipinapatugtug na ang lover.

Sapatos palang ang nakita ko mula sa kabilang side ay napatibok na ng pagkalas ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko. Nang mag tama ang paningin namin at tuluyan ko ng nakita ang kabuuan niya ay roon na ako napatanong.

'Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa 'yo?'

Humakbang na kami ng dahan dahan palapit sa isa't isa. Puno man ako ng kaba at pagtatanong sa isip ay hindi nakawala sa aking mga mata ang kilos niya na may halo ring kaba at saya.

Sabay kaming napangiti ng magkatapat na kami bago hawakan ang mga palad. Pagkababa sa hagdan ay ang biglaang pagbukas ng silong ng gym na hindi ko man lang alam ba nagbubukas pala iyon.

Sa ilalim ng buwan at mga nagkikislapang mga bituin, habang nagsasaya ang lahat sa pagdiriwang ay naruon kaming magkaharap habang isinasayaw ang isa't isa. Wala mang nagsasalita sa aming dalawa ngunit sa sayaw na iyon ang naging dahilan para maging malinaw ang lahat na ginugusto namin ang isa't isa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status