Nakatameme kong pinanonood si Maxwell habang may kausap na kliyente sa telepono, ipinagtataka ko rin ang paglakad niya na pabalik balik sa iisang pwesto.“I told you to contact the bank for that issue, malinis ang trabaho and every money that they sent me goes directly to that bank. Bakit ba ako ang paulit ulit niyong tinatawagan! I’m dropping this call because you’re disturing my day off,” iritableng sabi ni Maxwell.Ibinaba ang telepono malayo sa kanya bago siya naglakad papalapit sa kama at nahiga sa tabi ko.Ang braso niya ay awtomatikong pumulupot sa bewang ko bago niya ipinikit ang mata, tila isang bata na gustong ihele.Hinaplos haplos ko naman ang kanyang ulo hanggang sa maramdaman ko na lang rin ang pagbigat ng sariling talukap.[Third Person’s Point Of View]MAKALIPAS ang ilang linggo ay nakakuyom ang kamao ni Maxwell habang nakatingin sa babae na itinakdang ipakasal sa kanya.“I said don’t you dare touch me!” iritang sabi ni Maxwell at iniiwas ang katawan.“Am I the only on
[Evelyn’s Point Of View]Takang taka ako nang anong oras na ay hindi pa tumatawag si Maxwell, napapaisip rin ako kung bakit nandito si daddy sa bahay.Habang abala ako sa pagbabasa ay biglang lumabas si dad ng bahay kaya nagtaka ako, hanggang sa pagkabalik niya ay nanlaki ang mata ko ng akay-akay niya na si Maxwell.“I saw him lying on the grass, mukhang naparami ang inom.” Inilapag ni dad si Maxwell sa sofa dahilan para masapo ko ang noo.Sobrang namumula ang kanyang pisngi, magulo ang buhok, kahit na ang mga damit.Gusot-gusot iyon at may damo-damo pa sa likod, “Napaano ang nobyo mo anak?” takang sabi ni daddy kaya napakibit balikat ako.Hanggang sa biglang magsalita si Maxwell, “Haa? Para saan pa’t naging Fierez ako?! Wala naman ako magawaaaa!” May dinuduro pa siya sa itaas kaya pasimple kong sinulyapan ‘yon.“A-Ayoko na maging Fierez!”“I guess it’s a family problem, I’ll help you take him to your room.” Kinuha ni dad si Maxwell at inagapan ang buong katawan nito dahilan para mapa
Nagising ako dahil sa isang text galing sa kanya, na labis na ikinadurog ng aking puso.[Maxwell: Honey, I’ll be away for three days. Business trip. Take care of yourself, I love you so much.]Hindi ko ginawang replyan ‘yon at nanatiling nakahilata at walang gana.Tulala at wala ako sa sarili na pakurapkurap lang, bigla ay naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko dahilan para ipikit ko ang mata at hayaan na ang unan ko ang tumuyo ng mga luha ko.NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ang malamig at basang tela sa noo ko dahilan para dahan-dahan akong napamulat ngunit nanlalabo ang paningin ko.“Anak, pasensya na ha pumasok na ako sa kwarto mo. Hindi ka kasi kumain ng gabihan, nilalagnat ka pala..” Nasulyapan ko si mommy sa kanyang sinabi.Ramdam ko rin na tila sobrang init ng sariling balat ko, “Mommy,” mahinang tawag ko sa kanya ngunit sunod-sunod na tumulo ang luha ko.“Hmm? Bakit anak ko? May masakit ba ha?” nag-aalala niyang tanong dahilan para mas bumigat ang nararamdaman ko at
“I-I’m sorry, Elle. H-Hindi tulad ng iniisip mo ang nangyari—” Naputol ang sasabihin niya ng awtomatikong gumilid ang pisngi niya sa malakas kong sampal.“A-Ano? Hindi tulad ng iniisip ko ang nangyayari? Kung ganoon ano ito?!” Hinablot ko ang kamay niya at pinakita ang daliri niyang may suot na singsing.Umawang ang labi ko at peoeng tumawa habang nangingilid ang luha sa mga pisngi, “Putangina, tingin mo ba ganoon ako kabobo?!”“Sa mismong kasal niyo nandoon ako! Habang hinahalikan mo siya! Habang inaanunsyo kayo bilang mag-asawa! Tiniis kong panoorin ang ilang minuto! Kaya huwag mo ‘kong pagmumukhaing namamalikmata!” sumbat ko at kinapa ang dibdib ko sa sobrang sakit no’n.Napayuko na lang siya at walang nasabi, “I-I really can’t explain right now, please.. Elle—”“Fuck you! We’re done and I don’t want anything but this break up. We’re done, I don’t need someone’s husband lurking in my room. Leave!” Turo ko sa pinto at matalim siyang tinignan.“Honey naman—”“Shut up!” bulyaw ko at d
Walang ibang nagawa si Maxwell kundi titigan ako gamit ang asul niyang mata na kitang kita kung gaano siya nasasaktan sa sinabi ko.“U-Umalis ka na lang, Maxwell. Nais ko ng katahimikan, kung hindi mo iyon nauunawaan ay i-ingles ko para sa’yo. I want some peace of mind, and having you here in front of me won’t help.” Direkta ko siyang tinignan sa mata na para bang hindi ako apektado sa nangyari.Napayuko siya bago sunod-sunod na tumango, “Sorry, I’ll j-just leave.”“At sana ay huwag ka ng bumalik,” mahinang pahabol ko dahilan para matigilan siya at sulyapan ako sa sinabi.“I can’t promise that, Elle..” pabulong niyang sabi.“Yeah, what can a Maxwell Fierez do? For sure this simple favor— it’s even hard for you,” matipid kong sabi at iniinsulto siya.“Alis na,” gitil ko.“Maxwell, hijo.. Mabuti pa siguro kung bigyan niyo muna ng oras ang isa’t isa, sige na..” Hinatid siya ni mommy papunta sa pinto dahilan para tumalikod ako at piliing umakyat sa kwarto ko.ISANG linggo ang nakalipas a
“Sorry Elle, j-just give me a month to redeem myself—”“Redeem yourself? Did you lose it?” sarkastikang sabi ko at mahinang tumawa.“Ayoko na Maxwell, mahirap bang unawain ang tagalog? Kung kaya’t pabalik balik ka pa?” Napayuko siya sa sinabi ko at labis na nanlumo.“Nauunawaan ko, hindi ko lang gusto ang mga naririnig ko.. H-Hindi ko yata kakayanin kung tuluyan kang mawawala sa akin,” mahinang sabi niya dahilan para peke akong tumawa.“Edi sana hindi ka gumawa ng ikakawala ko hindi ba? Kung may isip ka sana nag-isip ka, eh kaso hindi mo kaya na wala ako pero nagpakasal ka sa iba? Hanep,” sarkastikang saad ko at ngumisi.“Sira ba ‘yang ulo mo ha?” Hindi siya nakasagot sa mga sinabi ko.“Please Elle, give me one last chance?” Nang lumuhod siya at hawakan ang kamay ko ay pilit kong iniiwas at binabawi ang kamay.“Ano ba?” inis na sita ko noong ayaw niyang pakawalan.“If I’m married then j-just be my other woman? Ikaw naman ang mahal ko—”“Bobo!” malakas na sigaw ko kasabay ng malakas na
Pagkarating sa pinas ay hinarap ko ang anak, “Baby, sama ka muna kay Tito Marcus ha? Pupuntahan lang ni mommy si Tita Jaidah, is that okay?” kalmadong sabi ko sa anak ko, ngunit dahil matalino siya ay wala siyang reklamo.“Yes mommy, take care!” Mabilis siyang humalik sa pisngi ko at humawak na sa kamay ni Marcus.“Marcus, mamaya na lang ha. Sunduin ko sa condo mo,” paalam ko at tinanaw ang malaking ospital.Paniguradong iiyak si Maximo dahil takot siya sa ospital, nakakita kasi siya noon ng tinusok ng karayom.Nang makapunta sa emergency room ay pumunta ako sa isang nurse upang magtanong na mabilis naman niyang itinuro kung nasaan si Jaidah.Ngunit paghawi ko ng kurtina ay natigilan ako ng makita ko si Jaidah.. Ngunit mas napahinto ako noong makita ang isang lalake na asul ang mata.Mabilis na kumabog ang dibdib ko, nang magtama ang mata namin ngunit mabilis kong iniiwas ‘yon sa kanya. “Ano bang nangyari ha? Bakit nasa ospital ka?” natatarantang tanong ko.“A-Ate..” Nang magsimula si
“Oh my eyes, yes, I also got it from my dad. Did you inherit your eyes on your dad?” ang tinig ni Maxwell sa kabilang linya ay pinatahimik kami ni Marcus. “Yes! Mom said I got it from my very handsome dad that’s why I’m cute and very lovable!” masigla ang pagsagot ni Maximo kay Maxwell kaya labis labis ang kaba ko sa dibdib. “Umalis na kayo diyan Marcus,” gigil na bulong ko. “Mm,” matipid na tugon ni Marcus at pinatayan ako ng tawag. ‘N-Nagkita pa rin sila sa huli..’ “Shit!” inis na mura ko at natatarantang napaupo sa sofa. “I’ll let you pass, Jaidah. But if ever Maxwell find out about Maximo, you’ll be doom. Naiintindihan mo?” galit na sabi ko kay Jaidah dahilan para mapayuko ito. “Sorry ate..” paghingi niya ng paumanhin. “Huwag mo rin antayin na manganak ka bago mo ipaalam ‘to kay mommy,” habilin ko at saglit na nagpahinga. *** Ilang araw ang nakalipas ay labis na namamahay si Maximo dahilan para mapuyat rin ako, hindi siya makatulog at panay laro lamang