Pagkarating sa ospital ay sa sobrang pagmamadali ay dumeretso na kami sa kuhaan ng dugo para i-test siya. “Uhm ma’am how is he related to the patient po?” maayos na tanong ng nurse. “F-Father po,” mahinahon na sagot ko dahilan para ang asul na mata ni Maxwell ay matalim akong sinulyapan. Dahil doon ay nagsimula ng mag-donate si Maxwell, tahimik na nakasandal sa hospital bed na medyo naka-slant ang ulo. May pinipiga siyang bola para mas dumaloy ang dugo sa blood bag. Nanatili naman akong nakabantay sa kanya. “I-Ilang bags po ang kailangan?” mahinang tanong ko sa medical technology na inaayos ang bag. “Two bags po ma’am, full.” “Salamat po,” mahinang tugon ko at parang bata na hindi makatingin kay Maxwell sa masama niyang tingin sa akin. “Now start telling me the story,” mariing sabi niya. “N-Ngayon? B-Baka ma-stress ka, after na lang..” “Just the intro, hindi mo kaya?” Napahinga ako ng malalim. “You were already married when I find out, ayokong makasira ng pamilya
Matapos ko siyang titigan ng ilang minuto ay pinabalik na aki ni Maxwell sa loob ng kwarto ko na sa tapat lang naman ng ICU ni Maximo. “Once the doctor discharge you, you’re free to visit him anytime.” Inayos ni Maxwell ang dextrose ko at maagap na inangat ang comforter para umilalim ako doon. “Tell me the story,” wika niya at hinila ang silya sa harapan ng kama ko. Nakagat ko naman ang ibabang labi dahil hindi ko alam kung saan sisimulan. “Noong mga araw na nakakaharap mo ako ay nasa sinapupunan ko na si Maximo, ngunit para saan pa ba kung sasabihin sa’yo Maxwell?” mahinang sabi ko. Tumaas ang isang kilay niya at deretso akong tinignan. “Kaya hindi mo man lang inabala ang sarili mong ipagbigay alam man lang ang katotohanan?” mariing sabi niya. “W-Wala na rin namang saysay,” bulong na tugon ko. “Isa pa may anak na kayo ni Cassandra hindi ba?” “Look, Elle. This is our problem—” “Anong tayo? May madadamay na iba dahil sa desisyon mo noon Maxwell!” “That’s your problem! H
Isang araw ay binalitaan ako ni Marcus na may nahanap siya ngunit sa US pa ito, dahil may extra blood naman si Maximo galing kay Maxwell ay nag-isip isip ako.Ngayon ay kaharap ko si Maximo na maraming apparatus ang nakadikit sa kanyang katawan. Hinawakan ko ang kamay niyang maliit, “I hope you’ll be okay na anak,” mahinang sabi ko.Dahil ako ang bantay ay umuwi muna si Maxwell upang kumuha ng gamit niya, ipinalipat niya si Maxwell sa exclusive ICU. Mas tutok ang mga doctor at nurses dito at may mapagpapahingaan kami.Dahil 30 minutes ng walang sila Maxwell ay pumunta si Marcus, “What’s the plan?” kalmadong tanong niya at inabutan ako ng kape.“B-Balak ko siyang ilipat sa US, I think mas magagaling ang mga doctor doon at mas may dugo pa. I’m willing to pay millions for that blood, Marcus.” Nasapo ko ang noo at huminga ng malalim.“K-Kahit maubos ang lahat ng pinaghirapan ko, kahit masira ang career ko. W-Wala na akong pakialam mailigtas lang si Maximo,” patuloy kong sabi at nanlulumo
Hinarap ko yung nurse, “Nasaan ang anak ko?” kinakabahan na tanong ko ngunit nagtaka ito.“Eh ma’am inilipat na po siya ni Mr. Fierez, about 20 minutes ago. Hindi ko po alam kung saang ospital dahil itinago po ito sa amin,” sabi niya na ikinatigil ko.‘No way! No freaking way!’N-Naunahan ako ni Maxwell?Dahil doon ay nataranta ako, sinalubong naman ako ni Marcus. “The chopper is waiting, Elle—”“He got him, n-naunahan niya alo.” Nasapo ko ang noo at namomroblemang tinatawagan ang numero ni Maxwell.Ngunit hindi niya ito sinasagot. Hindi ako mapakali sa pag-aalala.‘Anong pinaplano mo Maxwell?’Kinagabihan ay doon niya lang sinagot ang tawag ko. “Nasaan ang anak ko? Saan mo dinala ang anak ko?!” galit na bungad ko ngunit narinig ko ang matunog niyang paghinga sa kabilang linya.“I filed a restraint order, you can’t see him without my permission. If you want to lift it, find the best lawyer. I’m not backing off.” Iyon lang ang sinabi niya at pinatay ang tawag dahilan para umawang ang l
Pagkapasok sa pinto na two door sa loob ng ospital ay namangha ako, dahil tila bahay na ito. Ang ganda ng interior, may isang kwarto para sa pahingaan ng bantay. May malaking sofa, may resting lounge for another bantay. Nakagat ko ang ibabang labi nang makita ko ang magulang ni Maxwell. “P-Paano yung blood transfusion niya?” mahinang tanong ko kay Maxwell. “Dad’s been giving him blood, salitan kami. Then humanap ako ng donor, and paid it for a hundred thousand per bag..” Nanlaki ang mata ko. “I’ll give some money for it—” “Alam mong hindi ko kailangan ng pera mo, Elle.” Seryoso akong tinignan ng asul na mata ni Maxwell dahilan para bumuntong hininga ako. “All I need from you right now..” Napahinto ako sa mahinang bulong niya, “Is your body.” Umawang ang labi ko at mabilis na umiwas tingin, nilapitan ko na lamang ang anak ko at hinawakan ang kamay niya dahil kapag yakap ay baka may masagi sa apparatus na nakadikit sa katawan niya. Dahil sumaglit lang ang magulang ni Max
Evelyn’s Point Of View.“Evelyn, masama kasi ang pakiramdam ko. Ipagkakatiwala ko sa’yo ng buo ang isang high-profile party,” sabi ng senior editor ko dahilan para mapatitig ako sa kanya.“Siguraduhin mo na makakakuha ka ng impormasyon sa mga maimpluwensyang tao doom, kailangan natin ‘yon para sa article.” Awtomatiko akong tumango sa bilin niya.“Pero Ms. Sarah, ipagkakatiwala niyo po ba talaga ito sa akin? Masyado pong mabigat at malaki ang event, i-ilang buwan pa lang po ako nagtatrabaho sa inyo,” wika ko sa kanya.“I won’t trust this to you if you’re not good, Evelyn. Ilang buwan pa nga lang ay kaya mo na maging senior editor, magaling at maganda ka sumulat. Magtiwala ka sa galing mo,” ngumiti ako sa sinabi niya.Thankful rin ako kay Ms. Sarah, bukod sa supportive siya ay mas ginaganahan akong magsulat dahil bawat bagay na nagagawa ko ay pinagmamalaki niya.Dahil doon ay tinanggap ko ang ibinigay niyang trabaho sa akin, bukod sa pagiging article writer sa publishing company na ito
Makalipas ang isang linggo ay nagbihis ako ng maayos dahil sa exclusive party ng mga Fiere Company, nalaman ko rin na ‘yon ang pangalan ng kumpanya nila Maxwell Fierez.Habang lumilinga linga ako para mabilis siyang mahanap ay natigilan ako nang may kumalabit sa likod ko dahilan para lingunin ko ‘yon ngunit asul na mata ang sumalubong sa titig ko.“So you came,” he stated in a whisper tone.“Mr. Fierez,” bahagya akong tumungo upang magbigay respeto.“You can sit with us, since you’re gonna need to know me better, right?” he said as his piercing blue eyes stared directly at mine, my lips almost parted when he offered me his hands as I am wearing a 5 i5-inch heels, but still his height is taller than me.Mabilis kong inabot ang kamay niya sa pagkahiya, sabay kaming naglakad at pagkarating sa table ng mga Fierez ay magaganda silang ngumiti sa akin.“I heard you’re going to write an article about us,” his father said, “I also heard from your company’s president that you’re a good writer M
Nasapo ko ang noo nang maalala ang sinabi ni Maxwell Fierez sa akin apat na araw ang nakakalipas.‘Getting to know me better?’Hindi naman interisado ang buhay ko, hindi rin maganda ang kwento ko, hindi naman ako graduate sa Ivy League tulad niya, eh anong aalamin niya sa akin?Bumalik ako sa ulirat nang katukin ni Ms. Sarah ang desk ko upang kunin ang atensyon ko.“Bakit mukha kang walang tulog? Una sa lahat, success at patok na patok ang article mo, ang tataas ng reviews. Even the chairman of Fiere Company wanted to meet you again,” mahabang paliwanag ni Ms. Sarah dahilan para masapo ko ang mukha.“Ms. Sarah, ano pong ibig sabihin ng isang tao kapag sinabi niya na plano niyang mas makilala pa ako ng lubos?” naguguluhan na tanong ko.Nangunot naman ang noo niya bago ngumisi, “Wow, Evelyn. Parang hindi nagka-boyfriend noon ah?” “Ms. Sarah,” lumabi ako at tinitigan siya habang nag-aantay ng seryosong sagot.“Natural, gusto kang makilala pa kasi interisado sa’yo, o gusto ka niya.” Pina