Share

The Billionaire’s Woman
The Billionaire’s Woman
Author: Maecel_DC

Chapter 1

Evelyn’s Point Of View.

“Evelyn, masama kasi ang pakiramdam ko. Ipagkakatiwala ko sa’yo ng buo ang isang high-profile party,” sabi ng senior editor ko dahilan para mapatitig ako sa kanya.

“Siguraduhin mo na makakakuha ka ng impormasyon sa mga maimpluwensyang tao doom, kailangan natin ‘yon para sa article.” Awtomatiko akong tumango sa bilin niya.

“Pero Ms. Sarah, ipagkakatiwala niyo po ba talaga ito sa akin? Masyado pong mabigat at malaki ang event, i-ilang buwan pa lang po ako nagtatrabaho sa inyo,” wika ko sa kanya.

“I won’t trust this to you if you’re not good, Evelyn. Ilang buwan pa nga lang ay kaya mo na maging senior editor, magaling at maganda ka sumulat. Magtiwala ka sa galing mo,” ngumiti ako sa sinabi niya.

Thankful rin ako kay Ms. Sarah, bukod sa supportive siya ay mas ginaganahan akong magsulat dahil bawat bagay na nagagawa ko ay pinagmamalaki niya.

Dahil doon ay tinanggap ko ang ibinigay niyang trabaho sa akin, bukod sa pagiging article writer sa publishing company na ito ay isa rin akong manunulat, alam niyo ma yung mga novel writer.

Kinagabihan ay hinanda ko ang sarili ko, isang formal attire lang naman ang sinuot ko bago ako pumasok sa engrandeng hotel.

“Ma’am yung invitation na lang po,” napalunok ako dahil wala ako no’n.

“Ah wala naman pong binigay sa akin na invitation,” napahawak ako sa bag ko upang kunyare ay maghanap.

“Maybe she’s a writer in a publishing company,” nang marinig ko ang malalim na boses ay awtomatiko akong napalingon.

Ngunit halos mapaatras ako nang bahagya siyang malapit sa akin, tiningala ko pa siya dahil sa angking tangkad niya ngunit nang magtama ang mata namin ay asul na mata niya ang sumalubong sa akin.

Napalunok ako at nahirapang hindi siya titigan dahil pakiramdam ko ay galing siya sa libro sa sobrang perpekto ng mukha niya.

“Ma’am.”

“Ma’am—”

“Miss, you’re being called,” mabilis akong umiwas tingin nang bigla siyang nagsalita, hinarap ko ang naka-assigned sa entrance.

“ID niyo na lang po ma’am pakisuot,” habilin nito kaya sinuot ko ‘yon at ipinakita sa kanya, pinapirma niya ako saglit bago ako tuluyang nakapasok sa loob.

Sa muli ay nilingon ko ang lalake na tumulong sa akin, napailing na lang ako dahil hitsura pa lang niya ay masasabi kong malaki ang katungkulan niya sa event na ‘to.

Humanap ako ng mauupuan at hinandang ilabas ang notebook ko, maya-maya ay nagsimula na kaagad ang event.

Grabe kagarbo ang mga tao rito, damit pa lang nila ay masasabi kong sobrang mahal na. Isinulat ko ang mga sinasabi ng mga maimpluwensyang tao.

Pero sabi ni Ms. Sarah ay kailangan kong humagilap ng impormasyon kay Maxwell Fierez, isa sa pinakamayaman at maimpluwensyang tao sa buong mundo.

Habang nagsusulat ay natigilan ako nang may tumikhim sa gilid ko, nilingon ko ito. “Ms. Evelyn Vion?” pangungumpirma nito.

“Yes po, how may I help you?” tanong ko, ngumiti ito at inabot sa akin ang isang pulang leather na envelope.

“Uhm what’s this for?”

“Just check it yourself ma’am,” bahagya itong yumuko kaya ngumiti ako at inilapag ‘yon sa gilid ko dahil kailangan ko isulat ang sinasabi ng nasa stage.

Maya-maya ay binuksan ko ang envelope at doon ko nabasa ang unang kataga na sinabi rito.

‘You’re invited to an exclusive party for the high-profile party next week, March 11. Fiere Company.’

Nanlaki ang mata ko at napaayos ng upo, Fiere Company? Yung pinakasikat na kumpanya!?

Hindi ko mapigilan ang ngiti, panigurado ay matutuwa si Ms. Sarah na nakakuha ako ng exclusive invitation.

“Welcoming Mr. Maxwell Fierez!”

Awtomatiko akong lumingon nang tawagin ang pangalan na ‘yon, ngunit ganoon nanlaki ang mata ko ng makita ang lalakeng tumulong sa akin kanina.

‘S-Siya si Maxwell Fierez!?’

Napalunok ako nang magsimila siyang magsalita ngunit natulala ako sa mukha niya, kahit saang anggolo ay gwapo siya!

Akala ko ba sabi nila pangit at maliit na tao si Maxwell? Tsk, mga chismis talaga ay hindi totoo.

Mabilis kong sinulat ang mga sinabi niya, ngunit hindi ko maalis ang ngiti sa labi dahil ang ganda rin ng boses niya.

Singer ba siya noon?

Nang sumulyap siya sa gawi ko ay labis na nag-init ang pisngi ko dahil matipid siyang ngumiti, sa akin ba ang ngiti na ‘yon?

Napalingon ako sa gilid ko ngunit ako lang ang nakaupo sa two-seater table na ito.

‘Oh my goodness!’

Napaiwas tingin ako kaagad, kahit ilang beses ko na nabasa ang sinulat tungkol sa kanya ay hindi ako makapaniwala sa nangyari.

Masyado siyang mataas, at hindi ako umaasa na may interaksyon na magaganap sa pagitan namin. Pero baka ginawa niya ‘yon para gandahan ko lalo ang isulat na article para sa kanya?

Oo, baka ganoon nga. B-Balita ko ay mapang-akit ito at isang ngiti niya lang ay nahuhumaling ang mga babae sa kanya, ganoon siguro ang ginagawa niya.

Napailing ako sa sariling inisip, hanggang sa biglang may maupo sa tapat ko at ganoon na lang nanlaki ang mata ko nang makita ko siya sa harap ko.

“Ms. Evelyn Vion, right?” tanong niya dahilan para mapakurap ako ng maraming beses bago sunod-sunod na tumango.

“Are you in charge of writing an article about us?” paninigurado niya ngunit nanlalamig ang kamay kong binitiwan ang ballpen dahil nanginginig ang kamay ko.

“Y-Yes Mr. Fierez,” bahagya akong yumuko para magbigay galang.

“You’re new?” he asked.

“Y-Yes sir,” nakagat ko ang dila nang muli akong mautal sa harapan niya.

“Great, I’m looking forward on your first article, have a blast night.” He stood up and gave me a warm smile.

‘Shit! Totoo nga na isang ngiti niya lang ay manghihina ang kalamnan ko!’

“Y-Yes sir,” yumuko ako at pinanood siyang umalis sa harapan ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko ay hindi kumalma, mabilis kong tinawagan si Ms. Sarah upang ibalita sa kanya ang nangyari.

Bahagya akong lumayo sa table ko, “Ms. Sarah!”

“O-Oh? Nakakagulat ka naman, bakit ka tumawag? Hindi ka naman nagkamali hindi ba?” gulat niyang tugon sa kabilang linya.

“H-Hindi Ms. Sarah, n-nakausap ko harap harapan si Maxwell Fierez! N-Naimbita rin ako sa isang exclusive party!”

“What? Really!?” ang nanghuhina niyang boses kanina ay sumigla.

“Opo!” masayang tugon ko at natakpan pa ang bibig ko sa sobrang saya.

“Good job Evelyn!” she praised which made my heart pound hard.

“I knew you would do this, you’re great!” she added which made my eyes teary.

“Thank you Ms. Sarah, sobrang saya ko. I would do my best to know more about Maxwell Fierez,” nakangiting sabi ko.

“No, thank you, Evelyn. You made this easy for us, congratulations!”

“I’ll go ahead Ms. Sarah, salamat!” Ibinaba ko na ang telepono at mahina pa akong napatalon sa saya.

“Well, if you wanna know more about me, then you should come at the exclusive party, next week—”

“Ay shet!” nasapo ko ang dibdib ngunit kalaunan ay bibig ang natakpan ko.

“M-Mr. Fierez,” sambit ko sa pangalan niya, hindi siya makapaniwala sa naibulalas ko sa harapan niya sa gulat.

“S-Sorry Mr. Fierez!” yumuko ako kaagad sa harapan niya.

Mahina siyang natawa dahilan para mariin akong mapapikit, lintek na bibig ‘to!

“You’re good,” he said as he pocketed his hands on his slacks. Yung mga titig niya talaga ay tumatagos hanggang sa kaluluwa ko.

Ang gwapo!

“Thank you Mr. Fierez,” yumuko ako dahilan para tumango siya at talikuran na ako.

Nasapo ko ang dibdib sa bilis ng tibok no’n, ‘yon ba ang kamandag ng isang Maxwell Fierez?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status