Share

Chapter 5

I bit my lips as I entered his office, it’s been a few weeks since we started the getting-to-know-more stage he stated.

“Mr. Fierez—”

“Maxwell,” nakangising pagtatama niya sa tawag ko sa kanya dahilan para hindi ko mapigilang ngumiti at mukhang nahawa siya dahil natakpan niya ang mapula ngunit bahagyang manipis na labi.

“I came here to ask about meeting me tonight Maxwell,” binigyang diin ko pa ang pangalan niya dahilan para ngumisi siya.

“I’m always down for you, but that’s the first time you asked me out, where are we going?” hindi siya nagpatumpik tumpik at sinabi ang mga nasa isip.

“Let me treat you to dinner, I got my first paycheck as your company’s exclusive writer!” masayang sabi ko dahilan para tumayo siya at sumandal sa malapad at malaki niyang wooden desk.

He gave me a smile, “Then I’ll let you, I’ll be your date tonight.”

Lumapit ako sa kanya at iwinagayway sa harapan niya ang putting envelope na may kakapalan dahil sa ilang libo rin ang natanggap ko dahil sa huling article na sinulat ko sa kanila.

He pinched my cheeks, “Aren’t you too cute in front of me?”

Nag-init kaagad ang pisngi ko sa sinabi niya, “H-Hindi ah,” tanggi ko pa.

“That’s what I’m seeing,” he teased.

Lumabi ako at mabilis na tumiklay upang mabilis siyabg halikan sa pisngi ngunit halos manlaki ang mata ko ng sobra ng bahagya siyang lumingon dahilan para gilid ng labi namin ang magtama.

“Oh,” he gasped.

Natakpan ko ang labi, “S-Sa pisngi lang dapat ‘yon as thank you eh!” gulat na sabi ko.

He stared at me with his captivating blue eyes before smirking, “That’s bold of you,” he chuckled.

“H-Hindi ‘yon sadya, Maxwell.”

“Uh huh?” asar niyang tugon dahilan para namumula akong umiwas tingin at nagmamadaling umalis sa opisina niya.

Kinagabihan ay dinala ko siya sa isang restaurant, at hindi ko inaasahan na sobrang mahal ng mga pagkain dito!

‘Paano naging 20k ang iisang plate ng steak!? Ginto ba ang karne na ‘yon?!’

“O-Order ka na,” nahihiyang sabi ko.

“Sure, thank you. You should order too,” he said as he scanned the menu.

Halos manginig ang kamay ko nang umorder siya at nakasisigurado akong ubos kaagad ang paycheck ko sa pagkain niya pa lang.

“Let’s also have some wine,” as he ordered the wine my eyes suddenly widened when I saw it’s price.

Gosh.

Habang hinihintay ang order namin ay uminom muna kami ng mamahalin na wine, halos hindi ko malunok ‘yon dahil sa presyo nito.

“So you’re also writing a novel? That’s your dream?” he asked as I told him what my dream was.

“Oo, bata pa lang kasi ako may bookstore na yung mommy ko. Sinasama niya ako magbantay kaya naman kapag may defect na libro ay binabasa ko ‘yon. Tapos ayon, kinahiligan ko na. Sabi ko pa one-day dapat may libro rin akong nasa bookstore mismo namin,” nakangiting kwento ko at kinikilig ako habang naiimagine ‘yon.

He smiled, “That’s great, but other than that, meron pa ba?”

Bigla ay napaisip ako, doon ko napagtanto na wala na. Wala na akong ibang pangarap.

“‘Cause writing a novel or a romance novel is not a stable work—” bigla ay natigilan siya sa sinabi.

Huminga siya ng malalim nang makita niya na pilit akong ngumiti. “T-That’s not gonna be a problem if you’ll be my wife, keep it up.”

Sa sinabi niya ay napalunok ako, ang sakit na binigay nang una niyang winika ay napalitan ng kiliti sa puso ko.

‘Ganoon niya ba kadali kayang baguhin ang nararamdaman ko!?’

“You’re making me obsessed with you, Maxwell.” Tinakpan ko ang pisngi gamit ang dalawang palad ko dahilan para gwapo siyang tumawa.

“That’s exactly what I want Evelyn,” he gave me a wink.

Nagwala na naman ang puso ko dahil sa simpleng gestures and words niya, he’s really unbelievable! Para siyang yung mga male lead ko sa romance book na sinusulat ko.

Ngunit ganoon naputol ang masayang imagination ko dahil may malamig na bumuhos sa mukha at sa ulo ko.

“Ang kapal ng mukha mo Maxwell! Nagawa mo pa talagang makipagdate sa ibang babae ha!?” sigaw ng isang magandang babae, at nakikilala ko siya.

Isa siyang model na hawak ng kumpanya nila Maxwell. Si Veronica Lee na rumored girlfriend ni Maxwell noon.

“What the hell?” gulat na sabi ni Maxwell at napatayo ngunit malakas siyang sinampal ni Veronica.

Nanlilisik ang mata nitong nakatitig sa asul na mata ni Maxwell, maluha luha at halatang nasasaktan.

Naestatwa ako at napatitig sa kanilang dalawa, ang masayang gabi ay napalitan ng kakaibang pakiramdam.

‘Nagkamali ba ako ng akala sa’yo Maxwell?’

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status