Share

Chapter 3

Nasapo ko ang noo nang maalala ang sinabi ni Maxwell Fierez sa akin apat na araw ang nakakalipas.

‘Getting to know me better?’

Hindi naman interisado ang buhay ko, hindi rin maganda ang kwento ko, hindi naman ako graduate sa Ivy League tulad niya, eh anong aalamin niya sa akin?

Bumalik ako sa ulirat nang katukin ni Ms. Sarah ang desk ko upang kunin ang atensyon ko.

“Bakit mukha kang walang tulog? Una sa lahat, success at patok na patok ang article mo, ang tataas ng reviews. Even the chairman of Fiere Company wanted to meet you again,” mahabang paliwanag ni Ms. Sarah dahilan para masapo ko ang mukha.

“Ms. Sarah, ano pong ibig sabihin ng isang tao kapag sinabi niya na plano niyang mas makilala pa ako ng lubos?” naguguluhan na tanong ko.

Nangunot naman ang noo niya bago ngumisi, “Wow, Evelyn. Parang hindi nagka-boyfriend noon ah?”

“Ms. Sarah,” lumabi ako at tinitigan siya habang nag-aantay ng seryosong sagot.

“Natural, gusto kang makilala pa kasi interisado sa’yo, o gusto ka niya.” Pinagkrus niya ang braso sa harapan ko.

“Sino ba ang nagsabi sa’yo niyan at napupuyat ka ng mga salitang ‘yon?” tanong niya pa, napatulala na lang ako sa desktop computer na kaharap ko.

“Imagine Ms. Sarah, kunyare ikaw tapos sinabi sa’yo ng president natin na gusto ka pa niyang mas makilala. ‘Di ba ang awkward no’n?” sabi ko pa.

Napahinga naman ng malalim si Ms. Sarah, “Ah so you mean he’s out of your league? Out of reach?” tanong niya dahilan para sunod-sunod akong tumango.

“Mahirap nga ‘yan, dahil malaki laki ang judgement na aabutin mo. Pero hindi naman masama, hindi lang tanggap ng iba.” Sa sinabi niya ay tuluyan akong nanlumo.

“Kung ako yung sasabihan bg ganoon ay iiwasan ko, it’s better to end it early kasi magiging masakit lang sa huli,” seryosong sabi ni Ms. Sarah.

“Kung ako man ha, hindi ko sinasabing ganoon ang gawin mo.” Tinapik niya ang balikat ko bago umalis sa harapan ko.

Matapos ko kumain ng lunch ay naglakad na ako pabalik sa publishing company na pinagtatrabahuan ko nang biglang may magandang sasakyan na huminto sa gilid.

Napalunok ako dahil bumusina pa ito bago dahan-dahan na bumaba ang fully tinted window niya.

Ngunit ganoon kabilis nanlaki ang mata ko nang makita si Maxwell, “Mr. Fierez,” bati ko.

Ngumisi ang labi niya bago inalis ang sunglasses niya at doon ko na naman nakita ang asul niyang mata.

Bahagyang singkit ang mata niya at— pwede ba niya akong huwag titigan na para bang ako ang pinakamagandang babae sa mundo!?

“I’ve read your article, I must say I’m impressed. Are you up for dinner? My dad wants to talk to you,” nahihiya akong mas lumapog sa sasakyan niya.

“Kailan po Mr. Fierez?”

“Tonight,” he replied.

“Sure Mr. Fierez, just ask your secretary to send me the location. Thank you,” I answered.

His lips patted before he grabbed his phone, “Just give me your number,” he said.

“S-Sige po,” mabilis kong inilagay ang number ko at inabot sa kanya.

“I’ll text you the location, see you.” He waved his hands as he pushed the button to close his windows.

Dahil doon ay tulala akong bumalik sa opisina namin.

Pagkauwi sa bahay ay halatang pagod si mommy dahil siya rin mismo ang tumatao sa maliit na bookstore namin na pag-aari niya na bata pa lang ako.

“Anak, pwede mo bang tawagan yung pinsan mo? Anong oras na hindi pa rin nakakauwi galing eskwela,” bungad ni mommy kaya ngumisi ako at tinawagan ang pinsan ko.

Bago pa man matapos ang tawag ay pumasok na sa bahay si Jaidah, ang high school na pinsan ko. Parang kapatid ko na rin siya dahil bata pa lamang siya nang iniwan siya ng nanay niya para sumama sa ibang lalake.

“Mommy nandito na si Jaidah!” anunsyo ko bago naupo sa sofa.

“Ha? Hinahanap ako ni tita, ate?” kinakabahan na tanong nito sa akin.

“Ala sais na raw kasi wala ka pa sa bahay, saan ka ba nagsususuot at ang kapal pa ng liptint mo?” tanong ko, nakanguso naman ang labi niyang naupo at yumakap sa akin.

“Ate sabi po kasi ng new friends ko bagay daw sa akin,” nagsusumbong niyang sabi kaya pilit kong sinilip ang mukha niya.

“Eh ano bang problema? Binubuyo ka?” naiintriga kong sabi ngunit kibit balikat ang sagot niya.

“Eh sabi nila wala ka raw tatay, tapos ako raw wala ring nanay at tatay. Hindi na raw nila ako aasarin kapag sinunod ko sila,” paliwanag pa niya at bahagyang humiwalay.

“Ayos lang naman ate kung ako lang, kaso dinadamay ka po e—”

“Ay nako, hayaan mo sila kung sabihin man nilang wala akong tatay. May tatay ako absent nga lang mula nang mag-isang taon ako,” pagpapagaan ko sa loob niya.

“Sige na, maligo ka na at alisin mo ‘yan. Huwag ka na makinig pa sa sinasabi ng iba, ang mahalaga masaya tayong tatlo okay?” Binigyan niya ako ng thumbs up at magandang ngiti.

“Ligo na po ako!” malakas na anunsyo niya pa bago ibinaba ang bag at tumakbo papasok sa banyo.

Nilapitan ko naman si mommy at niyakap, “Nasaan na po kaya yung daddy ko, mommy?”

Napatigil siya sa pagluluto, “Huwag na natin hanapin ang wala, Evelyn. Kaya naman natin,” dismayado niyang sabi kaya pinilit ko ngumiti.

***

Kaharap ko ngayon ang mga Fierez sa isang sikat at mamahalin na restaurant, panay sila puri at nagpasalamat sa magandang article na sinulat ko para sa kanila.

“How about you work for us, Ms. Evelyn?” sa biglaang alok ng tatay ni Maxwell ay nabigla ako.

“Well, Maxwell owns the half-share in the publishing company where you’re working. But write only for us, exclusively.” Naibaba ko ang hawak na kutsara at ngumiti.

“Hindi naman po malabo, dahil ngayon po public writer ako ng company. Kung may exclusive work po na para sa akin hindi rin po ako tatanggi,” maayos na sagot ko.

“That’s great! That settles it, I’ll call your company and we’ll make sure to have you in the contract. Our company can’t lose someone like you and I won’t like the idea of you writing for other companies,” he said and handed me his hand.

Nakipagkamay naman ako.

The dinner ended well and I was in a good mood. I was smiling from ear to ear when someone cleared his throat behind me.

“Congratulations, it may not seem like you were promoted but you’ll feel like you are once you received the contract.” Maxwell stood beside me, smiling.

“So, about what I’ve said last time. Have you given yourself time to think about it?” tanong niya pa at bahagya akong hinarap.

Nakagat ko ang labi, “Pwede naman nating mas makilala ang isa’t isa pa dahil magiging magkatrabaho tayo Mr. Fierez,” play safe na sagot ko.

“Mm, you know that’s not what I meant,” he utters, “I want a different answer Ms. Evelyn.”

‘What kind of answer? Huhu!’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status