Share

Chapter 49

Nagising ako dahil sa isang text galing sa kanya, na labis na ikinadurog ng aking puso.

[Maxwell: Honey, I’ll be away for three days. Business trip. Take care of yourself, I love you so much.]

Hindi ko ginawang replyan ‘yon at nanatiling nakahilata at walang gana.

Tulala at wala ako sa sarili na pakurapkurap lang, bigla ay naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko dahilan para ipikit ko ang mata at hayaan na ang unan ko ang tumuyo ng mga luha ko.

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ang malamig at basang tela sa noo ko dahilan para dahan-dahan akong napamulat ngunit nanlalabo ang paningin ko.

“Anak, pasensya na ha pumasok na ako sa kwarto mo. Hindi ka kasi kumain ng gabihan, nilalagnat ka pala..” Nasulyapan ko si mommy sa kanyang sinabi.

Ramdam ko rin na tila sobrang init ng sariling balat ko, “Mommy,” mahinang tawag ko sa kanya ngunit sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

“Hmm? Bakit anak ko? May masakit ba ha?” nag-aalala niyang tanong dahilan para mas bumigat ang nararamdaman ko at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status