"Take those papers and arranged it for me." Turo ni Max sa papeles na nakapatong sa kanyang lamesa. Tila isang heneral pa rin kung magmando at hindi pinansin ang pagbago ng mood ng dalaga."Aalis ka, Sir?" pigil ni Amalia dito nang tumalikod."I had a meeting.""Nang ganiyan?"Naudlot ang pagbukas ni Max sa seradura ng pinto at nilingon si Amalia. "What do you mean?" dumoble ang gatla sa kanyang noo nang mahuli kung saan na naman nakatingin ang mga mata nito."Baka may iba pang makakita diyan sa natutulog mong alaga." Ininguso ni Amalia ang nakabukas na zipper ng pantalon ni Max.Sa halip na makaramdam ng pagkapahiya, lihim siyang napangisi at tuloyang lumapit sa dalaga. "Do it for me.""Aba't—" hindi makapaniwalang lumayo siya sa binata. "Ako ba ang nagbukas niyan at sa akin mo pinapasara?" Nag-aalangan pa ang kamay kung ituturo o hindi ang pinag-uusapan nila."Do I have to call her?" nanunubok na tanong ni Max dito. Napangisi siya nang umirap ito sa kanya."Edi tawagin mo po, hangga
"ANO na naman ginawa mo at nagalit ang dragon?" pabulong na tanong ni Wigo kay Amalia at ikinubli ang mukha mula sa matalas na mga mata ni Max."Bakit ako? Nagpapalibre lang naman ang alam kong kasalanang nagawa ko ngayon." Halos si Amalia lang ang nakakarinig sa sariling tinig. Lalo siyang dumikit kay Wigo upang ito ang ipananggalang kung sakaling sumabog ang temper ng masungit na heneral."Lumayo ka na nga sa akin!" Halos itulak ni Wigo si Amalia palayo sa kanya nang tumalim ang tingin ni Max na nakatingin sa katawan nila ni Amalia. Napasimangot si Amalia at nagmatigas sa kinatayuan. Hindi siya nagpatinag sa pasimpling tulak sa kaniya ng kaibigan. Nang hawakan siya ni Wigo sa balikat upang itulak ay tumikhim si Max."Ah, boss," tabingi ang ngiti at parang napapaso na binitiwan niya ang balikat ni Amalia. Lumipat siya sa likod ng dalaga at mula doon ay marahang itinulak ang kaibigan palapit kay Max. Parang estatwang nanigas ang katawan ni Amalia at halos sapilitang naihakbang ang m
"HELLO, Ma?" pigil hininga niyang sagot sa cellphone dahil muli siyang hinalikan ni Max sa taenga."Nag-aalala ako dahil malalim na ang gabi ay wala ka pa, hinahanap ka na rin ng anak mo." Himig nanenermon na turan ng ginang kay Amalia. Mula nang pumasok sa trabaho ang anak ay bihira na nila ito nakakasama. Pero nitong lingo ay alam niyang wala itong hawak na kaso kaya nakakauwi sa kanila sa gabi."So-sorry po," kandabuhol ang paghinga niya nang dumama ang kamay ni Max sa kanyang kasarilinan. "Nakalimutan kong magpaalam na gagabihin ako ng uwi dahil nagkayayaan ng inom kasama ang mga ka-workmate ko."Dinig niya ang pagbuntong hininga ng ina at binilin na huwag na siyang umuwi kapag nalasing dahil alanganing oras na. Ang anak ay inagaw ang cellphone sa lola nito at kinausap din siya. Hindi pa niya napigilang na umalpas ang impit ungol sa kanyang bibig, habang kausap ang anak nang isinubo ni Max ang pinksih nipple niya. "Mommy, are you okay po?" tanong ng anak."Ahm, yes anak, ah—" hin
"Ma, kaibigan ko po at isa sa senyor sa trabaho." Agad na palilala ni Amalia kay Max sa ina.Nang-aarok ang tingin ni Loida sa binatang kaharap. Alam niyang malayo ang edad nito sa kaniyang anak kaya may pagdududa sa kaniyang isipan. Ayaw niyang magkamali pa ang anak sa pagpili sa isang lalaki."Goodmorning po, pasensya na kung umaga ko nang naihatid ang anak niyo." Magalang na bati ni Max sa ginang."Pumasok muna kayo sa loob." Nilakihan ni Loida ang bukas sa pintuan matapos tanguan ang lalaki."Mommy!" Napatingin si Max sa batang tumatakbo pasalubong kay Amalia. Ang cute nito at kamukha ng huli."Hello my Princess!" Idinipa ni Amalia ang dalawang kamay at paluhod na umupo upang salubongin ng yakap ang anak.Napangiti si Max sa nakikitang saya sa mukha ni Amalia at ganoon din sa bata. Parang may mainip na kamay ang humaplos sa kaniyang puso habang pinagmamasdan ang dalawa. Naisip niyang ang gago ng ama ng bata dahil naisip nitong ipalaglag noong nasa sinapupunan pa lang ang huli."I
"BAKIT dito?" Nakasimangot na tanong ni Amalia kay Wigo nang ihimpil nito ang minamanehong motorcycle sa isang eskinita."Gutom ka 'di ba?" Nagpatiuna na siya ng lakad papasok sa isang karenderya.Naipadyak ni Amalia ang isang paa sa lupa at nanatili sa kinatayuan. "Ang ganda ng suot ko tapos dito mo ako edi-date?"Nakangisi na nilingon ni Wigo ang kaibigan. "Sino ba ang may sabi na date ito? Pasalamat ka nga at sinamahan pa kita at pumalit sa pwesto ng nang-indiyan sa iyo." Nang-aasar niyang buska sa dalaga. "Doon na tayo sa restaurant, treat ko at ako naman ang nag-aya sa iyo." Naka cross arms na humarap siya kay Wigo."Maganda sa pandinig pero tagalid tayo sa ganyang lugar," nag-iisip na turan ni Wigo. "Hindi malabong naroon din si Heneral Max dahil pang mayaman ang lugar na ganoon." Paliwanag niya dito nang taasan siya ng kilay ng huli."Kailan ka pa naduwag?" nang iinsultong tanong ni Amalia dito. "At saka ano naman kung makita natin siya roon?""Sus, tapang mo kapag hindi siya
"TSK! ano ba ang problema mo at nagawa mong maglasing kasama ang ibang lalaki?" Galit na sikmat ni Max kay Amalia pagkababa niya dito sa kama."Wala kang pakialam kung sasama ako kahit kanino!" Tinulak niya si Max na humahawak sa kanyang braso. Bumangon siya at pasalampak na umupo sa kama. "Darn!" muling napamura si Max at inayos ang sariling kamuntik nang matumba dahil sa lakas ng pagkatulak sa kaniya ng dalaga."Bakit, ikaw ba ay pinapakilaman ko kung may iba kang babaeng kasama?" namumungay ang mga mata niyang nakatunghay kay Max. Ang mga kamay ay parang lantang gulay na nakataas at dinuro si Max. "Wala akong kasamang ibang babae." Himig nauubusan ng pasensya na ani ni Max."Sinungaling, hek!" napasinok siya habang nagsasalita. " Alam kong may iba kang babaeng kasama kaya hindi natuloy ang lakad natin!" Kandatulis ang nguso niyang turan."Ayst, let's talk tomorrow Kapag hindi ka na lasing." Tatayo na sana si Max at iwan ang dalaga nang hilahin nito ang kanyang braso."At saan ka
"Ok ka Lang?" Hinawakan ni Jolina sa balikat ang kaibigan nang mapansing nakapikit ito ng mga mata."Bigla lang sumakit ang ulo ko." Nanatili siyang nakayuko at inilayo ang sarili sa kaibigan."Ah kaya ba absent ka kahapon dahil—""Pwede bang mamaya na lang tayo mag-usap?" mahinahon niyang pagtataboy sa babae. Banaag sa mukha ni Jolina ang pagkalito at pag-alala kay Amalia. Nang mapagtantong wala sa mood makipag-usap ang huli ay tumalikod na siya at iniwan ito.Mabilis niyang isinubsob ang mukha sa lamesa nang wala na ang kausap. Ilang minuto pa ay narinig niyang bumati ang nasa malapit sa kaniya sa isang taong ayaw niya rin sana munang makita. Ngunit kailangan niyang maging propisyonal at isantabi ang sariling damdamin dahil nasa trabaho siya. Pinatigas ni Amalia ang anyo nang marinig ang papalapit na yabag sa kaniyang pwesto."Bakit mo ako tinakasan?"Kahit hindi niya sulyapan ay kilala ni Amalia ang kung sino ang nagsalita. Nangunot ang noo ni Max nang matalim na titig ni Amalia
NAGMAMADALI si Amalia sa pag-alis ng opsina upang hindi siya maabutan ni Max. Gusto niyang iwasan ang binata muna dahil magulo pa ang kanyang isipan. Ang paghinga niya ng malalim pagkarating sa ground floor ay naudlot nang mapagsino ang lalaking nakatayo sa exit door. Huli na para siya ay umurong upang magtago."Maari ba tayong mag-usap?" Humarang si Anthony sa daraanan ni Amalia nang tangkang lampasan siya nito."Wala tayong dapat pag-usapan!" Matigas na tanggi ni Amalia sa binata. Sinipat niya ang kabuuan ng katawan ng lalaking kinabaliwan noon. Lumaki ang katawan at mukhang maayos ang trabaho ayon sa suot nito ngayon na pang office attire."Nasa kabilang building lang ang establamentong pinapasukan ko," paliwanag ni Anthony nang mabasa ang sa kung ano ang nasa isip ng dalaga. " Mag-usap tayo kahit para sa anak na lang natin." Pakiusap nito sa dalagang halatang ayaw siyang makita o makausap.Naikuyom ni Amalia ang kanang kamao nang makaramdam ng inis sa kaharap. Gusto niyang bigyan