Share

Book 9: Chapter 21-Eat together

KANINA pa hindi mapakali si Rovelyn sa loob ng kanyang opisina. Ang totoo ay pinilit lamang niya ang sarili na pumasok kahit hindi maganda ang pakiramdam niya. Umandar na naman ang pride niya at ayaw ipakita kay Wigo ang kahinaan. Disappointed siya sa tinakbo ng pag-uusap nila after na may mangyari sa kanilang dalawa kagabi.

"Wala manlang katamis-tamis sa katawan," padabog siyang umupo sa kanyang upuan. "Ouch!" Daing niya nang masaktan dahil binigla ang pag-upo. Hanggang ngayon ay ramdam pa niya ang sakit sa pagitan ng kanyang hita, maging ang buong katawan.

"Ang laki kasi ng gagong iyon!" maktol niyang kausap sa kanyang sarili. Natigil lamang ang pagsisinti niya nang may kumatok.

"Ma'am, narito ang inyong personal bodyguard."

"Pakisabi na hindi pa oras ng uwi ko." Nakasimangot niyang utos sa kanyang Secretary.

"Ei, ma'am," may pag-alinlangan nitong tawag sa pangalan ng among dalaga. "Nakapasok na po siya." Ngumiti ito ng hilaw habang tinuturo si Wigo na nakatayo sa bukana ng pintu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status