Muling bumalik sa silid ng ina si Yazed at naabutan niya doon si Jenny na tahimik lang nakaupo sa tabi ng ina. Nagbabasa ito ng libro tungkol sa negosyo. Ang ina ay nanatiling tulog na ipinagtataka niya."Nariyan ka na pala." Magiliw na bati ni Jennelyn sa binata. Kung nasa ibang sitwasyon lang siya ay kanina pa niya naitapon ang libro na hawak lang naman niya. Wala siyang hilig magbasa lalo na at wala siyang naiintindihan sa librong iyon. Isa pa niyang ikinainis ay halatang nagtutulog-tulogan lamang ang ginang at ayaw siyang kausap.Ngumiti si Yazed sa dalaga at lumapit dito. "Pasensya na kung natagalan ako ng pagbalik. Sana ay hindi ka nainip.""Huwag mo ng isipin iyan. Hindi ko nga namalayan na kanina pa pala ako dito mag-isang nakaupo dahil nalibang ako sa binabasa kong libro." Pagsisinungaling ni Jennelyn kay Yazed.Lalong lumawak ang ngiting sumilay sa labi ni Yazed. Natutuwa siya dahil pursigido ang dalaga na matuto agad sa pamamalakad sa negosyo."Sigurado akong naririnig ka n
"Hindi po pwede ang gusto ninyo, Tito Edwin. May proseso tayong dapat sundin bago maipasa kay Jenny ang lahat ng ari-ariang naiwan ng mag-asawang Garcia." Lihim na nagpupuyos ang kalooban ni Edwin sa galit dahil sa hindi pagsang-ayon ng abogado sa kaniyang suhestyon. Gusto niya sanang ipagkatiwala na lang nito kay Jackie ang desisyon sa iba pang ari-arian. At bilang abogado ay pipirma ito, patunay na si Jennelyn nga ang tunay na tagapagmana ng mga Garcia."Matagal pong nawala si Jenny at hindi natin nasundan ang kaniyang paglaki. May sinusunod po akong tagubilin ng aking ama bago pa siya namatay. Bilang ikalawang taong nangangalaga sa interest ng tagapagmana, tungkolin kong mapasakamay ito sa tamang tao.""Ano ang ibig mong sabihin? Sa tono ng iyong pananalita ay mukhang pinagdududahan mo ang pagkatao ng inaanak ko?" may bahid ng galit ang tono ni Edwin at hindi nagugustohan ang takbo ng pag-uusap nila ng abogado.Tahimik lang nakikinig si Yazed at hinihimay ang mga bagay na pinupunt
Sandaling napatitig si Dexter sa tagapag-alaga ng ginang nang magsalubong ang kanilang mga paningin."De-dex..." tawag ni Amber sa binata.Mabilis na lumapit si Dexter sa ginang at masaya siya dahil nakaya na nitong bumangit ng ibang pangalan. "May kailangan po ba kayo, Tita?""Jen..ny!" Ramdam ni Dexter ang pilit na paggalaw ng palad ng ginang upang gumanti sa paghawak niya sa kamay nito. Nilingon niya si Kailani, nanatili ito sa pintuan at ang atensyon ay tila ba nagmamatyag sa paligid. "May problema po ba kay Jenny?" Tumango si Amber sa binata at umaasam na naintindihan siya nito.Napaisip si Dexter at muling pumasok sa isipan ang mga bagay na gumugulo sa kaniya. Lalo na ang ikinikilos ng ginang sa harap ni Jenny."He..lp!" Nangunot ang noo ni Dexter nang maintindihan ang binigkas ng ginang. "Ligtas na po si Jenny kaya huwag na po kayong mag-alala." Malungkot na nakipagtitigan si Amber sa binata. Pakiramdam niya ay bigla siyang napagod dahil sa pagsusumikap na mabigkas ang ilan
MULA sa pinagkublinan ay tinanaw ni Sasha ang pagpasok ni Dexter sa gate ng bahay nito. Siniguro niya lang ang paligid na walang kaaway bago nagpasyang bumalik sa tinitirhan.Lumingon si Dexter nang maramdaman na walang nang nagmamasid sa kaniyang likuran. Kahit walang nakikita ay malakas ang pakiramdam niyang may nagmamatyag sa kaniya mula sa malayo. Hindi lamang siya nagpahalata kanina. Tinawagan ni Dexter ang kaibigang detective upang paimbistigahan ang nangyayari."Pupunta ako ngayon diyan, samahan na muna kita dahil mukhang hindi lang si Jenny ang puntirya ng sumusunod sa inyo kanina." Sagot ni Micko kay Dexter.Nawala na rin naman ang antok ni Dexter kaya hinintay niya ang kaibigan. Wala pang thirty minutes ay dumating ito."Nakapagtaka, bakit alam ng ina ni Yazed na may hindi magandang mangyayari kay Jenny?" nagtatakang tanong ni Micko sa kaibigan.Nahulog din sa malalim na pag-iisip si Dexter. Maging siya ay kanina pa ginugulo ng isipan tungkol sa ina ni Yazed. "Mas mabuti p
LUMABAN ng pakipagsukatan ng tingin si Jenny kay Yazed nang magkaharap na sila ng upo."Gusto ko lang ipaalam sa iyo na mula sa araw na ito ay ako na ang magpapasahod sa iyo. Wala kang ibang sundin kundi ang utos ko lamang. Hindi ka na hawak ng aking ama kaya ayaw kong makitang lumalapit ka pa sa kaniya. Kapag nilabag mo ang unang rules ko ay hindi ako mangingiming tangalin ka sa iyong trabaho, maliwanag ba?"Nakahinga ng maluwag si Jenny dahil sa kundisyon ng binata. "Dapat na ba kitang pasalamatan dahil nakawala na ako sa bakal na kamay ng iyong ama?" hindi napigilan ni Jenny ang maging sarkastiko sa kaniyang pananalita."Hindi ko alam kung bakit sinaktan ka ng aking ama. Pero dapat ka ngang magpasalamat kung hindi mo gustong manatili sa tabi niya." Aroganteng sagot ni Yazed dito. Napailing na lamang si Dexter nang maabutan ang dalawa na mukhang gustong sakalin ang isa't isa. Iniwan na ni Yazed ang dalaga nang makita ang kaibigan. Pumasok siya pansamantala sa kaniyang silid at may
"Hijo, may lakad ba kayo ni Jenny ngayon?" tanong ni Edwin sa binata."Iwan niyo po muna kami ni James, Dad." Sa halip ay sagot niya sa ama. "Huwag mong kalimutan na tauhan ko siya." Babala ni Edwin sa anak bago iniwan ang mga ito. Hindi niya alam kung ano ang kailangan nito kay James. Pero may idea siya na dahil iyon ang ginagawang pakipaglapit ng binata kay Kailani. Hindi siya ipinanganak kahapon para hindi mabasa ang paraan ng titig ni Yazed kay Kailani kapag hindi nakatingin dito ang babae. "Ano ang kailangan mo sa akin?" tanong ni James kay Yazed nang sila na lang ang naiwan."Stay away from her!"Pumalatak si James at tumikwas ang dulo ng kaniyang labi. "Parte pa rin ba iyan ng trabaho niya?""Wala ka na doon, ang gusto ko ay layuan mo si Kailani kung gusto mong manatili sa trabaho mo!" seryuso ang mukha ni Yazed. Ilang araw na rin niyang napapansin na naging malapit ang dalawa. Hindi niya iyon nagustohan."Ayaw kong napapabayaan niya ang trabaho nang dahil sa iyo." Paglilinaw
"NOW tell me the truth!" mahina ngunit may diin sa bawat katagang binitiwan ni Yazed."Ano bang katotohanan ang gusto mong malaman? Hindi ba at nasabi ko na at humihingi ako ng depensa?" nagugulohan si Jenny sa inaasta ng binata ngayon.Mas naniniwala ako sa aking ina kaysa sa iyo." Emotionless na tugon ni Yazed dito."So ano pa ang halaga ng sagot ko kung ganoon? Bakit kailangan mo pa akong kausapin kung hindi ka rin pala naniniwala?" Nakasimangot na si Jenny sa pagkakataon na ito."Bakit kailangan mong pagtakpan ang akin ama at saluhin ang ginawa niya?"Napaawang ang mga labi ni Jenny sa paratang ng binata. Gusto niyang tumawa ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili. "Tama, hanggang ngayon ay naniniwala ka na may relasyon kami ni Edwin." Parang sarili lang niya ang kaniyang kausap dahil sa hina ng kaniyang boses."Hindi nga ba?" maanghang na tugon ni Yazed dito. "Ganoon mo kamahal ang ama ko at kahit sinaktan ka na ay nagawa mo pa rin siyang pagtakpan sa akin!"Naging pilya ang n
HINDI na safe kay Dexter ang lugar na iyon kaya naisip niyang tumuloy muna sa pad ng kaibigang si Micko. Ikinuwento niya dito ang nangyari."Ikaw nga puntirya ng mga taong iyon. Pasalamat ka at may guardian angel kang dumating. By the way, maganda ba siya?"Pumalatak si Dexter dahil sa huling tinuran ng kaibigan. Kahit kailan talaga kapag may involve na babae ay nalilihis ang usapan nila."I'm just kidding," bawi ni Micko at bumalik sa pagkaseryuso ang mukha. "Sigurado ka bang Kailani Moñuz ang pangalan ng babaeng pinaiimbistigaha niyo ni Yazed?""Iyan ang pakilala niya sa amin, may natuklasan ka ba sa kaniyang pagkatao?" tanong ni Dexter dito."Pinuntahan ko ang lugar kung saan nakatira ang kaniyang ina. Ngunit walang nakakakilala sa kanila lalo na sa kaniyang ina."Napaisip si Dexter sa report ng kaibigan. "Sinasabi mo bang fake ang kaniyang pagkatao?""Short of, pero based sa iyong kwento ay inaalagana niyang mabuti ang ina ni Yazed. Maging ang ina ng kaibigan mo ay dito lang nagti