Share

Chapter , 31-Warning

Sandaling napatitig si Dexter sa tagapag-alaga ng ginang nang magsalubong ang kanilang mga paningin.

"De-dex..." tawag ni Amber sa binata.

Mabilis na lumapit si Dexter sa ginang at masaya siya dahil nakaya na nitong bumangit ng ibang pangalan. "May kailangan po ba kayo, Tita?"

"Jen..ny!"

Ramdam ni Dexter ang pilit na paggalaw ng palad ng ginang upang gumanti sa paghawak niya sa kamay nito. Nilingon niya si Kailani, nanatili ito sa pintuan at ang atensyon ay tila ba nagmamatyag sa paligid. "May problema po ba kay Jenny?"

Tumango si Amber sa binata at umaasam na naintindihan siya nito.

Napaisip si Dexter at muling pumasok sa isipan ang mga bagay na gumugulo sa kaniya. Lalo na ang ikinikilos ng ginang sa harap ni Jenny.

"He..lp!"

Nangunot ang noo ni Dexter nang maintindihan ang binigkas ng ginang. "Ligtas na po si Jenny kaya huwag na po kayong mag-alala."

Malungkot na nakipagtitigan si Amber sa binata. Pakiramdam niya ay bigla siyang napagod dahil sa pagsusumikap na mabigkas ang ilan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
wilma valderoza
bakit wala masyado komento dito.di tulad sa the Best Mistake
goodnovel comment avatar
Vermie M. Perez
inlove ka pero denial ka sir
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status