"INUTIL!" Galit na hinampas ni Edwin ang lamesa nang ibalita ni Dino na pumalpak ito sa lakad nito.Nang-aasar ang ngiting sumilay sa labi ni James. "Ang yabang kasi, tatlo na kayo pero natakasan pa kayo ng taong hinahabol ninyo."Masamang tingin ang ipinukol ni Dino kay James. Parang kailan lang ay siya ang nang-iinsulto sa kakayahan nito. Pero ngayon ay siya na ang nasa hot seat. "Gusto kong unahin niyong itumba ang kung sino man ang pumuprotekta sa abogadong iyon!" nangangalit ang mga bagang ni Edwin habang dinuduro isa-isa ang nasa harapan na tauhan."Mukhang tama si James, boss. Magaling ang taong nagbabantay sa abogado at patago kung kumilos. Bigla na lang siya sumusulpot at inuunahan kami." Pangatwiran ng isa sa kasama ni Dino."Wala akong pakialam kung magaling man siya! Nag-iisa lang siya at marami kayo! Galit na bulyaw ni Edwin dito."Boss, mas maganda siguro kung pagkatapos na ng kasal ng anak niyo ituloy ang plano. Baka siya pa ang maging dahilan ng pag-postpone ni Yazed
"KAILANI, gusto ka daw makausap ni Sir Yazed." Tawag ng isang katulong sa dalaga habang hawak ang landline ng telepono.Biglang tumahip ang dibdib ni Jenny pagkarinig sa pangalan ng binata. Maghapon din itong walang paramdam sa kaniya dahil abala ito sa opisina. Pero nakatapos na sila maghapunan ay hindi pa ito umuuwi. Gusto na sana niyang magtampo dito dahil mukhang nakakalimutan na siya kapag kasama nito ang kaniyang impostora."Hey!" Napasimangot si Jenny nang marinig bungad na bati sa kaniya ni Yazed. Ang lagom na boses nito mula sa kabilang linya at medyo maingay sa paligid nito."Kumain na ba kayo ni Mommy?" Pormal pa rin ang boses ng binata sa pakipag-usap sa kaniya. Hindi niya tuloy alam kung ano na ba ang level na ng relasyon nila. Bago pa makasagot sa binata narinig niya ang boses ni Jennelyn."Yazed, ese-serve na ang pagkain." Malambing ang boses na tawag ni Jennelyn sa binata. Nagpaalam ito kanina sa kaniya na may tatawagan lamang. Pero hindi niya nagustohan na dumistans
PAGPASOK ni Yazed ng bahay nila ay tahimik na ang paligid. Malalim na rin ang gabi kaya tulog na ang karamihan maliban sa isang katulong na sadyang naghihintay sa kaniyang pag-uwi."Good evening po, Sir. Ipaghanda ko po ba kayo ng makakain?" magalang na tanong ng katulong sa binata."Huwag na po kayong mag-abala pa, Manang. Kumusta po si Mommy?" tanong niya dito habang isinasandal ang likod sa sandalan ng sofa. "Nakita ko pong ipinagluto siya ni Kailani ng pagkaing gusto nitong kainin.""How about her?""Sino po?" nalilitong tanong ng may edad ng katulong sa binata."Si Kailani, kumain po ba siya?" Matipid na ngiti ang sumilay sa labi ng ginang. Kung wala lang Jenny sa buhay ng alaga ay masasabi niyang may spark sa pagitan ng dalawa."Kasabay ko siyang kumain kanina pero hindi niya naubos ang pagkain." Nagsasabi lamang siya ng totoo sa binata. Tinanong niya kanina si Kailani kung hindi ba nito nagustohan ang pagkain. Ang sagot lang nito ay busog pa ito. Mabilis na tumayo si Yazed,
"BAKIT ikaw ang gumagawa niyan? Hindi ka ba papasok ng opisina?" tanong ni Edwin kay Yazed nang maabutan ito sa silid ni Amber."May sakit ang tagapag-alaga ni Mommy kaya ako muna umaasikaso sa kaniya." Pabaliwalang sagot ni Yazed sa ama.Hindi siya pumasok dahil nag-aalala siya kay Kailani. Sa tingin niya ay sumobra siya kagabi. May sinat ito kanina nang gumising siya. Gusto niya itong alagaan at ang ina kaya hindi siya pumasok. Ayaw niyang ipagkatiwala lang basta sa katulong ang mga ito. Napatingin si Edwin sa gamot na nasa tray. Iyon pa rin gamot na ibinigay niya kay Kailani. "Mukhang nag-iinarte na ang babaeng iyon mula nang malipat sa iyo ang serbisyo niya. Umamin ka sa akin, may gusto ka ba sa babaeng iyon?Kita ni Yazed ang pagdududa ng ama sa kaniyang damdamin para kay Kailani. Pero kailangan niyang magsinungaling dahil tiyak na gagawa lang ito ng paraan upang mawala sa landas nila ang dalaga."Papayag ba akong magpakasal kay Jenny kung tama ang hinala mo? Ang mahalag sa akin
PAGKAPASOK ni Jenny sa mansyon ay bigla siyang kinabahan. Wala ang sasakyan ni Yazed sa garahe. Ibig sabihin ay iniwan nito ang ina sa pangangalaga lamang ng impostora niyang pinsan. May pagmamadaling pumasok sa loob at dumiritso na sa room ni Amber."Shit! Ano ang ginagawa mo?" Inilang hakbang niya lang ang kinaroonan ni Jennelyn at pahablot na inagaw dito ang hawak nitong injection.Nanginig sa takot si Jennelyn dahil nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Kailani. Halatang guilty siya ngayon sa isang kasalanan na ginawa. Pero nakahinga siya ng maluwag dahil ito lang ang nakakita sa ginawa niya. Biglang tumapang ang aura ng kaniyang mukha at hinarap ang babae."You! Hindi ka ba marunong kumatok, ha? At sino ka para kwestyunin ang ginagawa ko?" Dinuro niya ito habang ang isang kamay ay nakapamaywang."Ako ang tagapag-alaga niya kaya may karapatan ako na punain ka kasi ako ang sisihin kapag may nangyaring masama sa pasyente ko!" Bahagyang napaurong si Jennelyn dahil sa nakikitang galit
PAGSAPIT ng malalim na gabi ay sumilip si Jennifer sa sala. Nakiramdam din kung mayroon pa bang gising nang mga oras na iyon. One a.m na in the morning kaya siguro siyang masarap na ang tulog ng mga katulong. Dahan-dahan siyang lumapit sa silid ni Jennelyn at pinakiramdaman kung gising pa. Kasunod ay ang silid naman ni Edwin. Patingkayad ang mga paa sa bawat hakbang upang hindi makalikha ng ingay. "Pare, kuha ka muna ng maiinum na pampawala ng antok." Utos ng isang guard sa kasama. Tanging silang dalawa lang ang gising tuwing gabi bilang bantay.Hinintay ni James na makaalis ang isa bago maingat na lumapit sa lalaking naiwan. Nakasuot siya ng kulay itim na damit at tanging mata lang ang nakikita kaya hindi siya makilala kahit makita pa siya sa surveillance camera. Alam niyang dalawa ang security camera sa labas ng bahay at hagip niyon ang gate."Uhmmmmp!" Nanlaban ang lalaki at pilit na kumawala sa pagkasakal ni James dito pero mas malakas ang binata. Naitakip din nito agad ang pany
"HINDI ko siya makuntak." Marahas na napabuntonghininga si Dexter pagkababa sa tawagan."Paano ka nagkaroon ng numero niya?" nagdududang tanong ni Yazed sa kaibiban. Nakaraang araw niya lang nakuha ang numero ni Kailani pero ito ay mukhang matagal ng may kontak sa dalaga.""Hindi ko na sinabi sa iyo noong makipag-usap siya sa akin. Hindi detelyado ang sinabi niya pero nabanggit niyang may alam siya sa tunay na nangyari sa pamilya Garcia." "Bakit may alam siya at bakit niya idinamay si Mommy?" galit pa rin si Yazed at nalilito na sa tunay na pagkatao ni Kailani."Hindi kita masagot pero isa lang ang alam ko, planado ang pagtagpo ng inyong landas at nakapasok sa pamilya mo. Hintayin natin ang tawag niya kung pera ba ang kailangan niya.""May iba pa ba siyang dahilan bukod sa pera kung bakit niya ginagawa ito?" salubong ang mga kilay ni Yazed at puro galit na ang nadarama ng mga oras na iyon. Hindi alam ni Dexter kung ano dapat ang isagot sa kaibigan. Sa nangyayari sa kaniya nitong nag
"Huwag mo silang pagkaabalahan dahil masasamang tao sila."Marahas na nilingon ni Dexter ang taong nagsalita. Nasa bukana ito ng pintuan at nakapamulsa. "Ikaw?!"Tumuloy na sa pagpasok si James sa loob. Siniguro niya kanina na walang nakasunod sa dalawa kaya nahuli siya ng pasok sa bahay. Nilapitan niya si Lando at inalis ang busal sa bibig nito."Pero bakit binihag niyo sila kung masama palang tao?""Kinidnap nila kami kaya tulongan mo kami, Sir Dexter." Parang batang pagsusumbong ni Lando sa inaakalang kakampi."Siraulo!" binatukan ni James si Lando. "Ano ka, mayaman para kidnapin?"Kahit may takip ang mga bibig ng tatlo pang bihag ay makikita na tumatawa ang mga ito dahil sa joke ni James."Sino ba talaga kayo at bakit ninyo ako tinutulongan?" nalilito pa rin si Dexter.Sa halip na sagutin ni James ang tanong nito ay ang mantsa ng dugo sa damit nito ang napuna niya. Magtatanong na sana siya nang marinig ang sigaw ni Sasha.Sabay na napatakbo sa silid ang dalawa at sinilip ang nangy