PAGSAPIT ng malalim na gabi ay sumilip si Jennifer sa sala. Nakiramdam din kung mayroon pa bang gising nang mga oras na iyon. One a.m na in the morning kaya siguro siyang masarap na ang tulog ng mga katulong. Dahan-dahan siyang lumapit sa silid ni Jennelyn at pinakiramdaman kung gising pa. Kasunod ay ang silid naman ni Edwin. Patingkayad ang mga paa sa bawat hakbang upang hindi makalikha ng ingay. "Pare, kuha ka muna ng maiinum na pampawala ng antok." Utos ng isang guard sa kasama. Tanging silang dalawa lang ang gising tuwing gabi bilang bantay.Hinintay ni James na makaalis ang isa bago maingat na lumapit sa lalaking naiwan. Nakasuot siya ng kulay itim na damit at tanging mata lang ang nakikita kaya hindi siya makilala kahit makita pa siya sa surveillance camera. Alam niyang dalawa ang security camera sa labas ng bahay at hagip niyon ang gate."Uhmmmmp!" Nanlaban ang lalaki at pilit na kumawala sa pagkasakal ni James dito pero mas malakas ang binata. Naitakip din nito agad ang pany
"HINDI ko siya makuntak." Marahas na napabuntonghininga si Dexter pagkababa sa tawagan."Paano ka nagkaroon ng numero niya?" nagdududang tanong ni Yazed sa kaibiban. Nakaraang araw niya lang nakuha ang numero ni Kailani pero ito ay mukhang matagal ng may kontak sa dalaga.""Hindi ko na sinabi sa iyo noong makipag-usap siya sa akin. Hindi detelyado ang sinabi niya pero nabanggit niyang may alam siya sa tunay na nangyari sa pamilya Garcia." "Bakit may alam siya at bakit niya idinamay si Mommy?" galit pa rin si Yazed at nalilito na sa tunay na pagkatao ni Kailani."Hindi kita masagot pero isa lang ang alam ko, planado ang pagtagpo ng inyong landas at nakapasok sa pamilya mo. Hintayin natin ang tawag niya kung pera ba ang kailangan niya.""May iba pa ba siyang dahilan bukod sa pera kung bakit niya ginagawa ito?" salubong ang mga kilay ni Yazed at puro galit na ang nadarama ng mga oras na iyon. Hindi alam ni Dexter kung ano dapat ang isagot sa kaibigan. Sa nangyayari sa kaniya nitong nag
"Huwag mo silang pagkaabalahan dahil masasamang tao sila."Marahas na nilingon ni Dexter ang taong nagsalita. Nasa bukana ito ng pintuan at nakapamulsa. "Ikaw?!"Tumuloy na sa pagpasok si James sa loob. Siniguro niya kanina na walang nakasunod sa dalawa kaya nahuli siya ng pasok sa bahay. Nilapitan niya si Lando at inalis ang busal sa bibig nito."Pero bakit binihag niyo sila kung masama palang tao?""Kinidnap nila kami kaya tulongan mo kami, Sir Dexter." Parang batang pagsusumbong ni Lando sa inaakalang kakampi."Siraulo!" binatukan ni James si Lando. "Ano ka, mayaman para kidnapin?"Kahit may takip ang mga bibig ng tatlo pang bihag ay makikita na tumatawa ang mga ito dahil sa joke ni James."Sino ba talaga kayo at bakit ninyo ako tinutulongan?" nalilito pa rin si Dexter.Sa halip na sagutin ni James ang tanong nito ay ang mantsa ng dugo sa damit nito ang napuna niya. Magtatanong na sana siya nang marinig ang sigaw ni Sasha.Sabay na napatakbo sa silid ang dalawa at sinilip ang nangy
SA galit ni Edwin dahil pumalpak na naman sina Dino sa trabaho nito ay nabaril niya ang isa sa kasama nito na dati ng may tama sa braso."Puro palpak na lang ang trabaho mo!" Nanlilisik ang mga mata ni Edwin at tinutukan na rin ng baril sa ulo si Dino."Bo-boss, maawa kayo! Bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon. Sigurado ako na may traidor sa kupunan na ito dahil alam ang bawat galaw natin!"Marahas na ibinibaba ni Edwin ang kamay na nakataas. "Huli na itong pagkakataon na ibigay ko sa iyo, Dino! Kapag pumalpak ka pa sa susunod ay pasensyahan tayo!"Nabawasan ang kabang nadarama ni Dino. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag dahil tumalikod na si Edwin. Iginala niya ang paningin at hinanap ang taong pinaghihinalaan. Hindi niya ito makita kaya lalong lumakas ang kutob niyang ito ang traidor."Wala pa ba si James?" tanong ni Edwin sa isang tauhan."Wala pa po, Boss. Halos magkasunod lang silang umalis kanina nila Dino."Boss, duda talaga ako sa lalaking iyon." Lakas loob na
"BANTAYAN mo ang bawat kilos ni Yazed. Alamin mo kung sino ang nakakausap niya lalo na sa mobile phone nito." Utos ni Edwin sa isang tauhan."Masusunod, boss! " tumango si Robert kay Edwin. Matagal na rin siya sa grupong ito at masaya siya dahil binigyan siya ng magandang role sa trabaho ngayon ng pinuno nila."Huwag kang gumaya sa kapalpakan na ginawa ng iba diyan! " pahabol na bilin ni Edwin sa lalaki.Naikuyom ni Dino ang mga kamay at nagkunwaring walang narinig. Alam niyang siya ang pinapasaringan ni Edwin. Isinisisi niya ang lahat ng ito kay James. Mula nang dumating ito ay puro kamalasan na sa buhay ang inabot niya. Naipangako niya sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat upang mapatunayan ang masama niyang hinala sa tunay na pagkatao ni James. Kahit walang utos ni Edwin ay palihim na sinundan ni Dino si James. Alam niyang malakas ang pakiramdam nito kaya nag doble ingat siya upang hindi nito mapansin ang pagsunod niya sa bawat galaw nito.Muling nakipagtalo si Yazed sa ama
ALAM ni Jenny na wala sa kanilang mansyon ang pinsan at ang ina nito kaya nagpasya siyang balikan ang bagay na kailangan niyang makuha roon. Hindi na siya nagpaalam kina Sasha at Dexter dahil hindi siya papayagang aalis na mag-isa.Dumaan siya sa likod na bahagi ng mansyon. May puno doon at madali lang sa kaniya ang pag-akyat hanggang makalipat sa bakod mataas na bakod. Bago tumalon sa loob at sinipat muna ang paligid kung mayroong umaaligid na bantay. Malalim na ang gabi kaya sigurado siyang tulog na ang tatlong katulong at isang guard sa gate. Itinali niya ng mahipit ang lubig na dala sa puno at iyon ang ginamit padausdos pababa sa bakod.Hindi nahirapan si Jenny sa pagpasok sa pintuan mula sa kusina kahit naka kandado pa iyon. Walang ingay na nabuksan niya iyon gamit ang bagay na dala niya upang mabuksan ang pintuan. Patingkayad ang lakad hanggang sa marating ang dating silid ng mga magulang.Naikuyom ni Jenny ang kamao nang makita ang mukha ng tiyahin sa picture frame na nakasabit
BAKIT ganiyan ka kung makatingin? sita ni Edwin kay Yazed. Hindi nagpatinag si Yazed, nakipagtagisan siya ng tingin sa lalaking akala niya ay kaniyang ama. Kung hindi niya lang iniisip ang plano ni Dexter ay baka nasunggaban na niya ito at nasuntok. Buong buhay niya ay puro sama ng loob ang ibinibigay nito sa kaniyang ina noon. Minsan lang nila ito nakakasama noon sa Italy pero hindi niya nakikitaan ng pagmamahal ito sa kanila. Mas importante ang trabaho dito at ito lagi ang nasusunod."Gagawin ko na ang gusto mo pero bigyan mo ako ng ilang araw. Kailangan na maturuan ko muna si Jenny upang mahawakan niya ng maayos ang kompanya."Napangiti si Edwin at tinapik sa likod si Yazed. "Good, maganda iyang naisip mo. Bibigyan kita ng tatlong araw upang maturuan mo siya ng tama."Pagkaalis ng ama ay muling tumalim ang tingin ni Yazed. Tinawagan niya ang kaniyang secretary at pinasundo si Jenny. Gagampanan niya ngayon ang kaniyang papel at pakisamahan ang impostora at ang kriminal. Pinapangako
MABILIS na nadampot ng kapulisan sina Jackie at Edwin. Kasama rin si Jennelyn kahit sinasabi ng mga ito na walang kinalaman ang dalaga sa nangyaring krimin."Jenny, patawarin mo ang pinsan mo kahit hindi na ako." Pakiusap ni Jackie sa pamangkin nang magharap sila sa korte."Walang kapatawaran ang ginawa ninyo ng hayop mong kalaguyo! Wala kang puso at pati ang anak mo ay kinasangkapan mo pa upang makuha ang yaman na hindi sa inyo!" namumuhing sumbat ni Jenny sa tiyahin.Napayuko ng ulo si Jackie at hindi magawang salubungin ang nag-aapoy sa galit na mga mata ng dalaga. Napaluha siya para sa kaniyang anak. Hindi niya pinangarap na makulong lalo na ang anak. Tumingin siya kay Edwin, bagsak ang mga balikat nito at hindi rin magawang tumingin kay Jenny. Ngayong araw ipapataw ang sentinsya sa kanilang kaso."Daddy, ayaw ko pong makulong!" umiiyak na kausap ni Jennelyn sa ama. Tanging siya lang ang nakapag pyansa noong mahuli sila ng pulis. Pero ang mga magulang ay walang pyansa dahil mabiga