Nang makauwi siya ng mansion ay kasama niya si Kenzo. Pinakita niya sa kanyang mga in laws ang kanyang pinamili para sa kanyang baby boy. Nagsinungaling naman siya sa mga ito at sinabing healthy ang baby niya. Pinakita niya ang picture ng ultrasound na binigay ng doctor sa kanya. Dahil sa wala rin naman alam ang mga ito sa pagtingin ng resulta ng ultrasound ay basta pinakita ni Sandra ang larawan ng kanyang baby base sa ultrasound. Natuwa ang mga ito na very visible na ang gender nito. Nagpapasalamat naman ang dalawang matanda sa palaging pagsama ni Kenzo dito tuwing may check-up itong si Sandra , ganun din sa mga lakad nito.“Mommy! Magkakaroon po pala kami tonight ng get together nila Kenzo kasama ng iba naming friends , magpapadespedida kasi itong si Olena ikakasal na kasi siya sa fiance niyang taga Canada!” Pagpaapaalam ni Sandra kay Veronica“Ah ganoon ba iha! Walang problema ipapasundo ko na lang kayo sa driver pag uwi niyo. Saan bang hotel kayo?!”“Naku mommy wag na po! Late na
POV TIMBinati ni Tim ng nakangiting aso ang Doctora. Diretso siyang umupo sa coach sa gilid ng desk ng Doctor. Nakadikwatro ipa to ng paa na animo'y nasa bahay lang nila. Alam ng Doctor na may pakay na naman ito sa kanya. Dahil takot na takot ang boses ng receptionist nila ng tumawag ito sa kanya. Ayaw niya ng gulo kaya kalmado niyang sinabihan ang kanyang receptionist at papasukin na ito diretso sa room ng kanyang clinic. "Yes Tim, what can i do for you!" Propesyunal na tanong ng Doctor. "I heard that Sandra has problem with the baby. "Pagsisimula nito. "Ayoko ng magpapaligoy ligoy pa, Hindi maaring magpa MRI si Sandra dahil malalaman ng mga Alcantara ang problema.Hindi pwedeng malaman ng mga ito na may deperensya sa bata. Isa pa , are you thinking?!" maangas na tanong nito sa doctor. "kung magpapa-MRI si Sandra may chance na malaman ng mga to na hindi anak ni Arnaldo ang bata. Alam mo namang kailangang maisilang ng ligtas ni Sandra ang batang iyon!. Meron akong gustong malaman
Pagkapasok ni Arnaldo sa kanilang kwarto ay nilapitan niya si Sandra na nakaupo sa malambot na sofa coach sa gilid ng kanilang kama. Nanonood ito ng movie ng kanyang maabutan."Sandra, if your not tired. I just want to invite you to go out dinner with me?!" pagbati nito kay SandraNabigla naman si Sandra sa biglang pagbabago ng ihip ng hangin, hindi normal kay Arnaldo na kausapin siya pag ito ay dumadating mula sa trabaho. Palagi kasi itong dumidiretso sa banyo upang mag-shower at dumiretso sa kanyang study room an connected sa aming kwarto. Mahihiga na lang ito sa maliit na bed na binuo niya kapag siya ay matutulog na. "oh! Hi Arnaldo. Hindi naman , wala naman akong ginagawa. Sige bibilisan ko lang magbihis." nagmamadali itong tumayo sa kanyang pagkaka-upo. Tila bata na mabilis itong nagbihis upang hindi maiwan. Iniisip kasi niyang baka magbago ang isip nito. Aba once in a bluemoon lang itong mag-aya. Hindi pala. Sa buong pagsasama nila ay ngayon lang siya nito niyayang mag dinner s
SA LOOB NG BANYOMaingat na kinuha ni Sandra ang suklay ni Arnaldo at kanyang inilagay ito sa isang supot . Kinailangan kasi niyang makuha ito dahil ito ang gagamitin nila para sa isasagawang DNA Testing. Pasilip silip siya sa pintuan ng dahil baka biglang bumalik ulit ito sa kanilang banyo. Kampante na sya ng maisilid niya ang suklay ni Arnaldo sa kanyang bag at makitang tuluyan na itong umalis ng mansionHumanap naman siya ng tsempo para makapag-paalam sa kanyang in-laws dahil kinailangan niyang makipag-kita kay Tim sa isang coffee shop na malayo sa kanilang subdivision.Sinalubong siya ni Tim sa pintuan. Sabay na silang nagtungo diretso sa counter. Umorder sila ng cake at cold coffee ang para kay Sandra, habang sila ay naghihintay ng kanilang order ay inabot na ni Sandra kay Tim ang plastic na may suklay na dala niya . Ipinatong niya ito sa ibabaw ng lamesa , agad din naman itong kinuha ni Tim. Sinigurado ni Sandra kay Tim na gumamit siya ng gloves ng kuhain niya ito.Nakangisi nam
SA COMPANY NILA ARNALDOTinawagan ni Sandra ang kaibigan nitong head ng HR Department. Personal siyang nakipagkita dito. Sa pagkakataong ito hindi siya sumakay sa VIP elevator kundi sa elevator na sinasakyan ng mga staff. Dahil hindi pa niya planong magpakita kay Arnaldo . Kailangan muna niyang asikasuhin ang tungkol kay Amelia.Ng makarating si Sandra sa floor ng HR Departmeng ay taas noo itong naglakad papunta sa opisina ng HR Head. Kahit na binabati siya ng mga tao sa kanyang paligid ay ismarte itong naglakad at walang lingon-lingon. Hindi naman sya bumabati pabalik sa mga ito. Bago pa man siya makarating sa pinto ng Head ng HR ay sinalubong na siya nito. Malaking ngiti at pagbati ang binungad sa kanya ng kaibigan.“Hi Sandra! Ang tagal na ng huli kang nakapunta dito. Buti naman at napabisita ka!” Pagbati ni Eunice. Ito ang head ng hr department sa SB GroupBumeso si Sandra dito “kaya nga Eunice! Namiss kita!” Ka-plastikan nitong sagot.“Mmmmppp Sandra yung mga ganyan mo alam ko y
Dumiretso na siya sa Condo nila ni Tim. Nag-leave na lang siya ng message dito na doon na sya maghihintay hanggang makarating ito. POV TIM Samantalang habang si Tim ay nasa gitna ng transakyon ay walang tigil ang kakaring ng kanyang telepono ng tignan niya ito ang calls ay nanggagaling mula kay Sandra, malaki ang transaksyon na iyon kaya hindi siya maaring pumalpak. Kaya pinatay niya ang kanyang cell phone para walang abala sa pakikipag-deal niya. Ang mga kotrabandong kasing iyon ay dadalhin nila sa Cebu , Dumating na ang kanilang ka-deal , lahat ng mga kasama nito ay puro armado, ganoon din sa hanay nila Tim, puro sila kargado ng baril. Bukod sa mga tauhan nilang kasama nila sa loob ng warehouse ay may mga nagbabantay din silang tauhan sa harap at likod ng abandonadong warehouse na iyon. Hindi naman kasi basta-basta ang pera na pakakawalan sa transaksyon na ito. 500milyon ang halaga ng drogang dala nila. Naging maingat ang magkabilang grupo dahil hindi sila maaring ma-kalaboso ng
"sige, sige pumapayag na ko! pero kailangang, masiguro mong ititikom ng judge na yan ang bibig niya sa mga Alcantara. Kundi pati ikaw Sandra malilintikan." nahimasmasan na pag-sang-ayon nito kay Sandra. Naisip din ni Tim na tama ang mga tauhan niya, kung hindi niya mababayaran si Mr. Kim sa lalong madaling panahon, siguradong papatayin sila nito sa laki ng halaga ng kanilang na-dispalto. Worst ay idadamay talaga nito ang pamilya nila. "meron pa pala tayong isang problema Tim!" seryosong wika ni Sandra matapos na maresulbahan ang isa nilang problema. "ano na naman!" bwisit nitong tanong. "si Amelia!" "oh anong meron na naman sa babaeng yan!pwede ba Sandra kung hindi naman importante wag na nating pag-usapan muna yan ngayon" "Tim makinig ka muna sakin, kailangan nating madispatsya na yan sa lalong madaling panahon. Galing ako sa opisina ni Eunice kanina, yung HR sa company nila Arnaldo." seryoso nitong sabi "hindi sila maaring magtagpo ni Arnaldo, nalaman ko kay Eunice na si Ameli
"sweetheart makikipag-kita muna ako sa matanda tsinoy na yun!! kailangan kong maibigay na tong pera na to at naghihintay na din yun sa pagbabalik namin. Kelangan ko pang ipaliwanag sa kanya ang mga ngyari samin kahapon sa warehouse!" malambing at tila nawala na ang galit nito na kahapon lang ay akala mo kayang pumatay kahit pa na dimony* ang kalaban. "ok sweetheart!" "hintayin mo ko mamayang gabi, " nakangisi ito kay Sandra alam na niya ang ibig sabihin ng mga ngiting ito.............. ............. Tumungo na sila Tim sa bahay nila Mr. Kim. Napapaligiran ang bahay nito ng mga armadong lalaki. Kaya naman sigurado siyang pag pumasok siya sa loob ng bahay na iyon at hindi nagustuhan ng businessman na tsinoy ang kanyang mga sasabihin ay siguradong hindi na sila makakalabas pa ng buhay dito paniguradong pag-pi-pyestahan na sila ng mga isda sa dagat. Bago sila tuluyang pinapasok ay nilapitan muna ng isang tauhan niya si Mr.Kim na nakaupo sa gilid ng swimming pool at nagrerelax kasama