“Kasi naman Bro naikama mo na nga ni hindi mo man alng kinuha muna kahit pangalan o kahit cellphone number man lang. Napakahina mo naman!” Pang aasar sakin ni Oscar Binato ko si Oscar ng piraso ng nuts na inorder namin pang pulutan. “Hahahha siraulo! Uminom na lang tayo bakit sakin nauwi ang topic. Cheers!” Sabi ko naman sa kanila Sabay naming tinungga ang aming beer. Bakit nga kaya hindi ko makalimutan ang babaeng nakasama ko ng gabing yun! Alam kong medyo malabo ang kanyang itsura pero sigurado akong matatandaan ko siya kapag nagkita kami ulit. “May anak na nga ba siya?! Meron na nga ba siyang asawa ngayon? Sana naman wala pa” sa isip-isip ko. Madami na kaming naiinom ayaw ko pang umuwi ng bahay. Magpapakalasing ako ngayong gabi. Kakaiba talaga ang babaeng iyon, o dahil na-gu-guilty ako kasi ako ang nakauna sa kanya?! Hindi namin namalayan ang oras inumaga na pala kami sa inuman, gusto ko lang sana mag-unwind pero dahil sa pinaalala sakin ng mga mokong na yun ang nangyari samin
"wow! baby Anthony, edi pogi din pala si Daddy mo kasi pogi yang baby namin." biro namang tanong ni Ian sa anak ko "SYEMPRE NAMAN PO! kaya nga po love siya ni mommy!. kasi sabi ni teacher kapag love daw ni mommy ang daddy duon po nagkakarun ng baby." sabi na naman ni Anthony. “Ganon nga yun baby!? Diba Mommy Amelia?! Hahaha” pang aasar ni Ian sakin. Pinandilatan ko naman si Ian ng mata. "Naku Amelia, ang kulit nga niyan ni Anthony, nahiya ako dun sa lalaki kasi kinapitan niya yung kamay, ayaw pang bitiwan. Buti na lang at mabait yung lalaking yun at hindi nagalit sa kanya!” sabi ni Ana sakin "baby, what mommy said to you?! diba don't talk to strangers. Baka mamaya bad man pala yung mga nakakausap mo, kawawa naman si mommy kapag kinuha ang pogi kong baby!" mahinahon kong paalala kay Anthony "okay po mommy! sorry po" nakayukong sagot naman niya sakin "It's ok baby! you don't have any fault. Pero sa susunod wag ng makikipag-usap sa hindi mo kilala." sabi ko pa ulit sa kanya. A
Saktong pagpasok ko sa elevator pababa ay narinig kong bumukas ang kabilang elevator . Pamilyar sakin ang pabangong iyon. Hindi ko makakalimutan ang amoy na seven years ago ko pa huling naamoy. Sinubukan kong habulin na magbukas ulit ang elevator mabilis kong priness ang open button para magbukas ito at makita kung sino ang may ari ng pabangong iyon pero tuluyan na itong nagsara at bumaba. Wala nang chance na makita ko pa ang may ari ng pabangong iyon. Napapaisip tuloy ako ngayon. Same floor pa naman kami ng may ari ng pabangong naamoy ko. At ang sinabi ni Anthony tungkol sa lalaking nakasabay nila sa elevator. Naghahalong takot at excitement tuloy ang naramdaman ko, takot para sa kaligtasan naming mag-ina at na-eexcite ako, ewan ko ba sa hindi ko maintindihang rason. Pero imposible din naman si Arnaldo nga yun dahil hindi na sana niya pinatagal pa at kinuha na si Anthony. Hindi na siya magsasayang ng oras lalo at yaya lang naman kasama ni Anthony ng mga sandaling iyon. At maganda
Habang ako ay naglalakad sa pasilyo naisip ko sa totoo lang sa bait na ipinapakita sakin ni Regan at sa lahat ng tulong nito sa akin kung hindi lang siguro nangyari ang isang gabing pagkakamali na tinuring ko na ding blessing dahil sa pagkakaroon ko ng isang Anthony na mabait at mapagmahal na anak , sigurado akong hindi malabo na mahulog ako kay Regan. Siya na ang tumayong maging ama kay Anthony sa loob ng pitong taon na nag-exist ito sa buhay namin , nararamdaman ko naman at alam ko ang pagmamahal na meron si Regan para sa akin pero hindi ko iyon kayang tumbasan. Alam kong higit pa sa kaibigan ang turing sakin ni Regan. . Utang na loob ko sa kanya kung bakit kami namumuhay ng matiwasay at malaya ng aking anak.Dinaanan ko na muna si Ian at Sophia sa kanilang cubicle. Nakapagpaalm naman na sila sa kanilang mga boss para makauwi ng maaga ngayong araw. May meeting kasi kami kasama ang aming event planner. Dumiretso na kami sa restaurant kung saan ang meeting place namin ng planner coord
"Auntie Ana, please po wag niyo pong sasabihin kay mommy na nakipag-usap ako kay Daddy pogi. Hihi! Please po lagot na naman po ako kay mommy." pakiusap ni Anthony kay Ana, nag-tatantalizing eyes pa ito ng tingin sa kanyang yaya "naku Anthony masamang naglilihim sa mga mommy! pero dahil mapapagalitan din ako, sige hindi ko sasabihin pero wag ka na ulit basta makikipag-usap sa ibang tao aah. Si daddy pogi mo lang kakausapin mo!." sagot naman ni Ana kay Anthony. "opo promise po , hindi po ako makikipag usap sa iba."sagot pa nito kay Ana AMELIA POV Dumating ang araw ng linggo, abala ako sa pag-aasikaso sa venue ng birthday ni Anthony, lahat ay chine-check ko para makasigurado akong maayos ang magiging event ngayong araw. Bukod kasi sa mga bata ay may mga bisita din kaming mga ka-opisina, mga investors and share holders sa company. Isa-isa na ngang nagdatingan ang mga bisita ni Anthony. Masayang naglalaro na sa pool ang mga bata, kasama ni Anthony ang mga classmate niya, nakikisiya di
"Im sorry Mam, isa lang po ang pwedeng sumama sa ambulansya." sabi ng medical staff "Sige na Amelia, susunod ako sa ospital!." sabi sakin ni Regan "okay Regan sige,"dali-dali na akong pumasok sa loob ng ambulansya. May sinasabi pa si Regan at Arnaldo pero hindi ko na sila iniintindi ang inaalala ko lang ay ang buhay ng aking anak. "anak please! gumising ka. Wag mong iiwan si mommy huhuhu!" nakakapit ako sa kamay ng aking anak para maramdaman niyang kasama niya ako sa battle na ito. Tuloy tuloy ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata. "anak! hindi kita iiwan, dito lang ako. huhuhu " Dumating na sa ospital ang ambulansyang sinasakyan namin ni Anthony, mabilis na sinalubong ng mga nurse ang sinasakyan namin at agad nilang tinignan ang aking anak, ibinaba nila ito sa ambulansya at isinakay nila sa stretcher, habang tulak ng mga ito papasok sa Emergency Room ang katawan ni Anthony ay sinabayan kong ipasok ang aking anak hindi ako bumibitiw sa pagkakakapit sa kamay niya, kasabay ko ang
"Mommy hindi pa po gaanong stable ang kundisyon ng anak ninyo. Masyado pong madaming dugo ang nawala sa kanya, the good news is na-agapan naman po namin ang inter bleeding sa kanya pero kagaya po ng sinabi ko sa dami ng dugong nawala sa kanya ka-kailanganin po nating masalinan ng dugo ang inyong anak sa lalong madaling panahon. Ngayon din po mommy!, sinubukan na po naming kontakin ang blood bank pero dahil sa napakahirap hanapin ng blood type ng anak ninyo hindi po available ang dugo nito. "huhuhu! (napahagulgol ako sa narinig kong sinabi ng doctor) saan po ba doc pwedeng magpakuha. kuhaain niyo po ako." sagot ko sa doctor "ako din doc mag-do-donate po ako ng dugo." sabi din naman ni Regan. "Sige po mommy! sumunod na lang po kayo sa nurse para makuhaan na kayo ng dugo kaagad." sabi naman ng doctor. "Sino po ba sa inyo ang AB+ ang blood type?!" tanong samin ng doctor. "God!" napabulalas ako. "huhuhu" "Amelia AB+ ako kung hahayaan mo ako gusto ko din sanang mag-donate ng dugo sa a
"naguguluhan ako Arnaldo, kung totoo man ang sinasabi mo sino pala ang taong nagpadukot sa akin at bakit naman niya gagawin yun ng wala siyang dahilan?! Nagpanggap pa siyang ikaw!” sagot sakin nito "Kahit ako Amelia may mga bagay na hindi din ako maintindihan, kelangan ko lang ng ilang impormasyon tungkol sa nangyari sayo nuon! ipagdasal muna natin ang kaligtasan ni Anthony, kapag naging ok na ang anak natin pasisimulan ko na ang imbestigasyon! sa ngayon mas maiging tahimik lang tayo at wala munang makakaalam na nagkita tayo." sagot ko naman sa kanya "sige handa akong ibigay lahat ng impormasyon na kakailanganin ng mag iimbestiga ng kaso ko gusto ko din malaman kung sino ang taong nasa likod lahat ng ito, masyadong sumikip ang mundo namin ng dahil sa takot na dulot ng pandurukot na iyon samin” sagot naman niya sakin Dumating naman si Regan at hinihingal na sinabing pinapatawag si Amelia ng doctor. Sumunod lang ako sa kanyang likuran, pagdating namin sa tapat ng operating room ay