Share

Kabanata 079

Humahangos naman si Sandra papasok sa loob ng silid ni Noah. Akala mo ay nag-aalala talaga ito sa kalagayan ng bata. Lumapit siya kaagad kay Noah at yumakap siya saka siya bumaling ng tingin sa akin. Napapailing naman ako habang nagbabalat ng prutas para kay Noah. Sa aking isipan ay natatawa ako sa nagiging arte nitong si Sandra. Hindi ko aakalaing kaya niyang gumaga ng malalalang mga bagay.

Nagpanggap ako sa kaniyang harapan na tila wala akong nalaman tungkol sa mga kalokohan niya. Kagaya ng pinayo sa akin ni Detective. Kahit na sa loob ko ay suklam na suklam na ako dito. Si Mommy naman ang bumasag ng katahimikan sa pagitan ng lahat sa loob ng silid na iyon.

“Sandra bakit napakatagal mong dumating? Saan ka ba nagpupunta at nakapatay iyang telepono mo?! Kagabi pa ko tawag ng tawag sayo hindi ka makontak kontak. Mabuti naman at natanggap mo pa ang message ko sayo” Galit na tanong ni mommy kay Sandra

“Sorry mommy nagkatuwaan kasi kami nila Kenzo at iba pa naming mga kaibigan, naka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status