Share

Kabanata 089

5 ARAW NA NAKALIPAS MULA NG UMUWI SI ARNALDO NG PINAS

AMELIA POV

Lumipas ang ilang araw mula ng umuwi ng Pilipinas si Arnaldo pero kahit isang message o tawag mula sa kanya ay wala akong natanggap. Panay pa ang silip ko sa aking cellphone sa tuwing tutunog ito sa pagbabaka-sakaling si Arnaldo ito ngunit lagi lang akong nabibigo.

Nawalan na ako ng balita sa kanya at sa kung anong ngyayari sa Pilipinas, hindi ko na din alam kung anong palusot pa ba ang sasabihin ko Kay Anthony kung bakit hindi pa bumabalik ang kanyang Daddy Arnaldo o tumawag man lang. Araw-araw itong nagtatanong sa akin, pati sila Ian at Sophia ay nauubusan na din ng alibi sa tuwing tatanungin sila ng aking anak.

Gustuhin ko mang maunang mag message sa kanya pero ayokong gawin iyon dahil gusto kong siya ang gumawa ng paraan kung talagang seryoso siya na babalikan niya kami ng anak niya. Ayokong kaya lang siya babalik sa amin ay dahil sa napilitan siya.

Napapatulala lang ako sa aking mga naiisip. May mga pagkakataong na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status