Share

VII - Sinangag

Asteria's Point of View

Nagising ako sa init na nararamdaman at sa bigat na parang may nakapatong sa akin. Pagkabukas ko ng mata ay nagulat ako sa tumambad sa akin. Nakapatong lang naman si Gray sa akin habang mahimbing na natutulog. Naalala ko na naman ang nakakahiyang ginawa ko kanina. Mas mabuti kung kalilimutan ko na lamang ang ginawa ko na iyon. Dahan-dahan ko siyang inasog sa kabilang side ng kama upang makahinga ako nang mabuti.

Hindi tanaw ang sinag ng araw rito, pero napakainit at hindi ako sanay sa gano'ng init. Nakabukas pa rin ang gasera na nagbibigay ilaw sa buong silid. Dahan-dahan akong umupo nang marinig ko si Gray na nagsalita.

“Saan ka pupunta?” tanong niya sa akin habang nakapikit pa rin ang mga mata niya. 

“Naiinitan ako. Pupunta lamang ako sa labas para magpahangin,” wika ko sa kanya. Mga ilang minuto ay hindi na siya sumagot. Bababa na sana ako nang bigla niya akong higitin at niyakap ulit. Aba, sumosobra na yata siya, ah.

“Hoy, ano bang ginagawa mo!” asik ko sa kanya. Mas binigatan naman niya ang mga kamay niya para hindi ako makaalis. “Napakaganda mo pala 'pag natutulog,” bulong niya sa tainga ko na nagbigay sa akin ng kiliti. Ang mga pisngi ko ay naging kamatis dahil sa sinabi niya. Shit, ano kaya ang hitsura ko no'ng natutulog ako?

Agad akong napabalikwas. Mabuti na lamang ay hindi na mabigat ang kanyang mga kamay. Dali-dali akong bumaba upang pumunta sa banyo.

Nakita ko ang tulo-laway ko sa bandang labi na ikinahawak ko ng ulo. Nakakahiya naman ang bagay na ito. Ni kahit minsan ay wala pang nakakakita sa akin na ganito ang hitsura ko. Not even my mom and dad.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Gray na guwapong-guwapo sa suot niyang T-shirt. Gano'n pa rin ang hitsura niya. Tumaas lang ang mga buhok niya nang kaunti at naging singkit ang mga mata. Mabuti pa siya, sana all, 'yan na lang ang masasabi ko.

Akmang lalagpasan ko siya nang bigla niyang higitin ang waist ko at bumulong, “Halika sa aming lutuan at ipagluluto kita ng almusal.” Sasagot pa sana ako nang bigla siyang nagsalitang muli, “Alam kong gutom ka na. Narinig ko ang tiyan mo,” wika niya na ikinairap ko. Haynaku. Lahat talaga ay alam ng lalaking ito. Kulang na lang, siya na ang maging ama ko, pero nakatutuwa dahil naalala niya ako at hindi niya binanggit ang tungkol sa pagyakap ko sa kanya.

Nang magtungo kami sa kusina ay katamtaman lang ang laki nito, pero mukhang ayos naman dahil mukhang makakapagluto naman. Tumatama sa balat namin ang kaunting sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Tuloy-tuloy siyang pumasok at  kinuha ang chopping board. “Halika, tuturuan kitang magluto,” wika niya.

Agad naman akong napasabi ng, “No way.” Kaya lang bigla niya akong hinawakan sa baywang at akmang yayakapin. “Oo na, oo na, ito na nga, oh,” napipilitan na sabi ko. Mukhang wala naman akong magagawa kundi sumunod sa kanya. Kung hindi ay 'di ako makakakain ngayong umaga.

“Balatan mo muna ang bawang,” wika niya at iniabot sa akin ang kulay puti na ingredient.

“Hindi ba ito masakit sa mata?” tanong ko sa kanya dahil lagi kong naririnig na may ingredient daw na masakit sa mata. Natawa naman siya na ikinagulat ko. 

“Ano, bahala ka nga riyan!” asik ko sa kanya nang bigla niya ulit ako hilahin.

“Sorry na, binibini. Hindi iyan masakit sa mata. Ito po iyon, ang sibuyas,” wika niya habang pinapakita ang pulang bagay na parang tomato. Ang laki.

Nagpatuloy kami sa proseso. Sa pagbabalat ko ng bawang ay agad niya itong pinahiwa. Kaya lang, malalaki ang hiwa nito kaya tinuruan niya pa ako kung paano mas mapapadali ang paghiwa rito. Sumunod roon ay naghiwa kami ng hotdog habang ang itlog naman ay inayos din namin. Kakaiba naman yatang sinangag ito. Never pa kasi ako nagpaluto ng sinangag sa mga maid ko dahil mas gusto ko ang totoong kanin.

Nang matapos ay may kinuha siyang kanin sa kaldero at nagsimula itong lapirutin. “Ano ang ginagawa mo sa kanin?” tanong ko sa kanya habang nakatingin lamang sa ginagawa niya.

“Para mahiwalay ang grains,” wika niya na ikinatango ko na lamang. Nang matapos siya ay kumuha ito ng Star.

“Mas masarap ito kumpara sa oil lamang. Pero bago 'yan, iprito muna natin ang hotdog,” aniya habang kinukuha ang hotdog na hiniwa ko at sinimulang iluto. Namangha ako dahil ang galing niya magluto. Marahil ay siya ang nagluluto sa bahay nila kapag wala ang kanyang ina.

Pagkayari ay pinunasan niya ang kawali at nagsimulang iluto ang itlog. Ito ay scrambled egg. Dahan-dahan niya itong niluto at perpekto ang pagkakaluto nito. Wala man lang nasunog.

Pinunasan niya ulit ito at nagsimulang igisa ang bawang. Nang mayari ito ay inilagay niya ang margarine at sinimulang ilagay ang kanin. Sinimulan niya itong haluin nang haluin. Nang medyo ayos na ito ay isinama niya ang hotdog at itlog dito. Wow, ang dami kong natutunan ngayong umaga. Puwede pala ang bagay na iyon? Nang mayari ay agad niya itong sinandok sa bandehado at dinala ito sa lamesa.

“Ang bango naman,” puri ko sa kanya na ikinangiti niya. Kahit naman ang nagluto ay mabango talaga.

Nagsimula niya akong sandukan ng kanin. Nagpasalamat naman ako sa kanya na ikinangiti niya na lamang. Pagkayari ay kinuha niya ako ng isang basong tubig. “Hindi ka ba sasabay sa akin?” tanong ko sa kanya. Agad naman siyang naupo sa tabi ko at nagsimulang magsandok. Kakaiba ang feeling ngayong araw kumpara sa lagi akong nagigising ng mga hapon sa mansion namin. Nagtanungan kami tungkol sa mga sarili na agad ko naman sinasagot.

“Ano ba ang buhay siyudad mo, binibini?” tanong niya sa akin habang ngumunguya.

“Wala namang bago. Puro sa social media, shopping, school lang umiikot ang buhay ko,” wika ko na ikinatango niya. Ibinalik ko sa kanya ang tanong na sinagot naman niya.

“Ang buhay probinsya ay masaya. Nagtatrabaho ako sa hacienda ng tiyuhin ko upang may extra na kita pandagdag sa pag-aaral ko. Kung minsan ay sa bukid naman namin nang sa gayon ay makatulong ako kina Ina at Ama,” wika niya na sinagot ko na lamang ng ngiti. Ang komportable na namin sa isa't isa ngayon, pero mas mabuti kung ididistansya ko nang kaunti ang sarili ko upang kapag nahulog ako ay hindi masyadong masakit.

Nang matapos silang kumain ay lumabas siya upang magpahangin saglit. Nakikita niya na gising na ang ibang tao roon na abala sa kani-kanilang bukid. Napakasariwa ng hangin kumpara sa siyudad na puro building paglabas. Mayamaya pa ay naramdaman ko na may tumabi sa akin, pero hindi ito si Gray, kundi si Blake.

“Magandang umaga, Binibining Asteria,” bati niya na ikinatango ko na lamang. Akmang papasok na ako nang bigla niya akong tanungin kung kumain na ako na sinagot ko ng oo.

Nang pumasok ako ay gising na rin sina Tiya Cecilia na agad akong binati ng magandang umaga na binati ko rin pabalik. Pinaupo niya ako sa upuan dahil may sasabihin daw siya sa akin. “Oo nga pala, iha. Hindi maaring 'di matuloy ang iyong pag-aaral. Ang bilin sa akin ng iyong ina ay i-enroll kita sa paaralan din nina Gray at Blake. Baka ngayong araw ay ma-enroll na kita,” wika niya na ikinatango ko. Sabagay, hindi ko naisip ang ginawa kong dahilan kay Mom para hindi matuloy rito.

“Kumain ka na ba, iha?” tanong nito na ikinatango ko na lamang. Nang tinanong niya kung sino ay nagluto ay sumagot si Gray. “Siya ang nagluto ng umagahan natin, Ina,” sambit nito kaya sinamaan ko ito ng tingin dahil ang totoo namang nagluto ay siya.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong kinalabit ni Gray. “Binibini, ayos lamang ba kung kasama ako sa inyo ni Ina kapag pina-enroll ka niya?” tanong nito na sinagot ko na lamang ng simpleng sige dahil hindi ko rin alam kung bakit gusto niyang sumama.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status