Asteria's Point of View
Ilang oras na akong pabalik-balik sa salamin para tingnan kung bumagay sa akin ang pagkakatali ng buhok ko. Kulay puting T-shirt lamang ang isinuot ko na p-in-artner-an ko ng itim na pantalon na binili ko sa mismong store ng Adidas noong magtungo kami roon.
“Iha, halika na, baka mahuli pa tayo. Mga alas singko ng hapon ay magsasara na ang registrar,” wika nito habang kumakatok sa pintuan. Hindi naman na ako nag-atubili pa at lumabas na ng silid. Tumambad sa akin ang matamis na ngiti ni Tiya Cecilia na ibinalik ko naman.
“Napakaganda mo naman, iha. Kahit ang simpleng T-shirt ay bumabagay sa iyo. Halika na at baka tayo ay mahuli pa,” saad nito at kinuha ang payong. Sinara din nito ang pintuan ng bahay.
Itatanong ko sana kung nasaan si Gray, ngunit mas mabuti kung tatahimik na lang ako dahil baka kung ano pa ang isipin ni Tiya Cecilia. At saka ano ba ang pakialam ko kung hindi na siya sasama?
Pagkalabas ay sariwang hangin ang unang bumungad sa amin. Kasabay niyon ang mga lalaking nakaupo sa puno na ngayon ko lang nakita. “Magandang tanghali, Tiya Cecilia at sa magandang binibini na kasama mo,” wika nito habang pumapaswit na parang mga tricycle driver kapag may lumabas na tao sa mall upang alukin sumakay.
“Maglubay nga kayo, Felis. Sa susunod na papaswitan ninyo si Asteria ay tatamaan kayo sa akin, nakukuha ninyo?” asik ni Tiya Cecilia habang nakapamaywang pa. Hindi pa man kami nakakaalis nang tumambad sa amin ang mukha ni Leiya. Mukhang balak na naman niyang sirain ang araw ko. Nasa gilid niya si Gray. Marahil ay sinundo niya ito. Kaya pala gusto niyang sumama, dahil pala kay Leiya.
“Nandito ka na pala, Leiya. Sexy naman!” sigaw ng mga lalakong kaninang pumaswit sa kanya. Agad naman silang nginitian ni Leiya at nagsalita, “Oo naman, dito na rin ako mag-aaral at huwag n'yo nang tangkaing magkagusto sa akin dahil mayayaman lang ang puwede sa akin. Hindi ako pumapatol sa mga kagaya n'yong tambay!” sigaw ni Leiya saka dumila pa. Nainis naman ang mga ito na akmang tatayo nang pigilan ito ni Gray. “Pagsabihan mo iyan, Gray. Hindi pa rin nagbabago ugali niyan!” galit na wika ng mga ito at tuluyan nang bumalik sa bukid na kanilang inaani.
Hindi niya sinabi na bilyonaryo pala ang gusto nitong mapangasawa. Well, huwag ko sana siyang makitang magkaroon ng asawa na taga-probinsya, baka mabaliw ito.
“Iha, hindi tama ang ginawa mo. Mas makabubuti kung hihingi ka sa kanila ng paumanhin,” wika ni Tiya Cecilia na ikinabuntonghininga nito.
“Ngunit—” tututol na sagot nito nang magsalita si Gray at sumang-ayon sa kanyang ina kaya wala itong nagawa kundi magtungo sa mga lalaki at sumigaw ng paumanhin kaya hindi ko mapigilang matawa dahil mukha siyang tanga roon nang dumako sa akin ang tingin nilang lahat.
“Mas mabuti kung magtutungo na tayo. Masyado nang nauubos ang oras natin dito,” wika ni Tiya Cecilia at nagsimulang maglakad kaya sinundan ko na lamang ito. Nasa likod naman sina Gray at Leiya.
Hindi ko magawang sumilip sa kanilang dalawa nang biglang hawakan ni Gray ang braso ko na ikinalingon ko. “Yes?” tanong ko, ngunit nginitian niya lamang ako.
“Ang ganda mo ngayong araw, binibini,” papuri niya habang nakatingin naman si Leiya sa amin at umirap.
“Ano ka ba, Gray. Hindi ngayon ang oras para maglandian kayo sa harap ko,” wika nito. Mabuti na lamang at nagsalita ito, kung hindi ay makikita ni Gray ang pagpula ng mga pisngi ko na tinago ko hanggang sa makarating kami sa isang paaralan. Nakikita ko ang mga estudyante na lumalabas doon na nakasuot ng kulay dark blue na palda na p-in-artner-an ng blouse na may necktie na parang sa Hogwarts. Ang iba lang ay iisa lamang ang kulay.
Malaki ang paaralan. Pagpasok namin ay nakita na agad namin ang registrar office. Sobrang init dito, paano kaya sila hindi pinagpapawisan gayong napakahaba ng manggas na suot nila? Sumilip sa bintana ng registrar ang isang matandang kalbo na lalaki na nakasuot ng salamin. “Ano ang kailangan nila?” tanong nito. Ang mga dumadaan ay napapatingin sa amin. Hindi ko alam kung sino ba ang tinitingnan nila. Baka ang kasuotan ni Leiya na maiksi dahil nakasuot ito ng croptop na p-in-artner-an niya ng maiksing short.
“Ie-enroll ko silang tatlo ngayong semester. Ayos lamang ba 'yon?” tanong ni Tiya Cecilia habang hawak pa rin ang payong na hindi naman namin nagamit.
“Ayos lang, paaralan ito, eh. Magtaka ka po, misis, kung ie-enroll mo siya sa hospital,” pilosopong wika nito na ikinatawa ng ilang estudyante na nasa pila.
“Tiya Cecilia, ako na po ang kakausap,” wika ko na ikinatango nito. “Can you just give us the form we need to fill up?” wika ko rito. Agad naman itong kumuha ng isang form at iniabot sa aming tatlo. Nagsimula na akong mag-fill up. About business ang inilagay kong course dahil ito naman talaga ang course ko kahit nasa siyudad pa ako. Second year college na ako at mukhang gano'n din naman ang kasama ko. Mabuti na lamang at nagsisimula pa lang ang klase kaya hindi ako mahuhuli. Kaya lang, wala rito si Blaire na lagi naming kopyahan ni Claire.
Pagkayari niyon ay pinaghintay lang kami nito at sinabi ang mga kakailanganin sa school. May ilang subject na magkaklase kaming tatlo, pero iba-iba ang kurso namin. Si Gray ay Tourism, ako ay Business Management, habang si Leiya naman ay Education.
Kahit pala may attitude siya ay gusto rin pala niyang magturo sa mga bata. Well, hindi ko dapat siya husgahan. Naiwan kami ni Gray na naghihintay dahil pinoproseso pa ang kay Leiya. Walang nagsasalita sa amin nang putulin niya ang katahimikan. “Pasensya ka na, sinabi kasi sa akin ni Leiya na mag-e-enroll din siya kaya sinabay ko na rin,” wika niya na ikinatango ko na lamang. May isang tanong ako na nais itanong sa kanya kaya naglakas loob akong itanong ito.
“Bakit mo nga pala ako tinatawag na paraluman? Ano ba ang ibig sabihin no'n?” tanong ko dahil simula nang mapunta ako sa lugar nila ay never niya pa akong tinawag sa pangalan ko. Sa halip ay puro binibining paraluman ang sinasabi niya.
“Kasi ang ibig sabihin nito ay beauty queen at bagay na bagay iyon sa 'yo kasi pine-present mong mabuti ang kagandahan mo at—” Naputol ang sasabihin niya nang biglang lumabas si Leiya at niyakap si Gray.
Nakangiti naman sa akin si Tiya Cecilia. “Halika na kayong tatlo at mukhang uulan,” wika nito. Ilang oras na rin pala kaming narito, ngunit mga nasa bandang alas tres pa lang ay madilim na at nagbabadyang umulan kaya dali-dali nitong binuksan ang payong nito, subalit dalawa lang ang kasya rito.
“Mauna na po kayo, Ina. Maliligo na lang ako sa ulan,” wika ni Gray. Ngunit hindi ito pumayag, lalo na si Leiya.
“Hindi puwedeng mabura ang makeup ko at mabasa ang suot ko ngayong araw,” asik nito kaya agad akong napabuntonghininga.
“Mauna na kayong dalawa, maliligo na lang din ho ako sa ulan. Mukhang mas masaya naman ang gawain na iyon kaysa sa boring na pagpapayong,” maarteng wika ko at kunwari pang nagtaray, pero mukhang gumagawa lang ako ng dahilan para makasama ko si Gray.
R-18: READ AT YOUR OWN RISK.Asteria's Point of ViewSabay naming binabagtas na dalawa ang daan habang ang patak ng ulan ay patuloy na tumatama sa aming mga balat. Ito ang unang beses na nagpabasa ako sa ulan para lang makasama ang isang lalaki na kailanman ay hindi ko naisip na gawin ko sa tanang buhay ko.“Binibini, nais mo bang buhatin kita hanggang sa kubo? Mukhang napapagod ka na,” wika ni Gray habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa loob ng tiyan ko na parang may paru-paro na lumilipad roon. Hindi ako ignorante para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin no'n, pero ngayon ko lang naramdaman ito at kakaiba ang pakiramdam na iyon.“Gray…,” bigkas ko, nais kong malaman kung parehas ba
Asteria's Point of ViewDahan-dahang tumatama sa mga mata ko ang sinag ng araw na nanggagaling sa siwang ng bintana. Ano ba ang nangyari kagabi? Iminulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ko na may nakayakap sa akin. Huwag mong sabihing totoo talaga ang nangyari kagabi at hindi panaginip?Tiningnan ko si Gray na nakahubad pa ang pang-itaas habang ang akin ay nakabihis na nang buo. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya. Tumayo ako nang makaramdam ng sakit na nanggagaling sa ibabang parte ng katawan ko. Napahawak ako sa table na nandoon dahil hindi ko maitayo ang katawan ko na parang akong napilay.“Gaano ba kalaki ang bulldog niya at ganito ang naging balik sa akin? 'Yan, Asteria, ginusto mo 'yan,” bulong ko sa sarili nang may yumakap sa akin mula sa likod.
Asteria's Point of View“Naku, iha, napakagandang balita niyan, ngunit alam na ba 'yan ng magulang mo?” tanong ni Tiya Cecilia na parang kalmado lang sa winika nito.Hindi ako mapalagay, huwag sana maging tama ang iniisip ko, kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko.“Hindi pa po, pero ipapaalam ko po sa kanya once na makauwi ako sa amin,” masayang wika nito habang nakatingin nang diretso kay Tiya.Napatango naman sila nang bigla itong magsalita, “Kaya lang po, bago 'yon nais ko pong ipaalam sa inyo na si Gray ang ama,” sambit nito habang nakangiti sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, pero this time, hindi ko maitago ang sakit na nararamdaman ko.
Asteria's Point of View“Ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin. Hindi ko maiwasang mamangha sa kaguwapuhang taglay niya.Napatingin ako sa lalaking sinuntok niya na ngayon ay nasa sahig na at nakahawak sa panga nito. Akmang susuntukin ulit siya nito nang hawakan nito ang kamao ng lalaki at sinipa pataas. Daig ko pa ang nanood ng action movie sa ginawa niya. Hindi mapigilan ng ibang pumalakpak habang ang bouncer ay pumunta upang alalayan ang lalaki at tinanong ang nangyari.“That man tried to harass me!” asik ko habang galit na itinuturo ang lalaki. How dare he harass Asteria Bellamy, the only daughter of the owner of the third richest company in the world?“We will check the CCTV, ma'am. If we confirmed it,
Asteria's Point of ViewNagulat ako ng may tumawag na pamilyar na boses sa akin. “Asteria?” ulit pa nito na ikinatulak ko kay Terrence. Agad akong lumingon sa likuran ko at nakita ko ang inaasahan ko kanina na ngayon lang dumating. Si Gray.Tagatak ang pawis niya habang hinihingal siya. Nagtataka siyang nakatingin sa aming dalawa ni Terrence.“Who is he?” tanong ni Terrence. Pinasadahan nito ng tingin si Gray.“Ah, siya nga pala si Gray ang . . . .” Hindi ko alam ang idudugtong ko dahil unang-una, wala naman kaming label, at isa pa, malabong itong mangyari dahil sa sitwasyon nila ngayon ni Leiya. “. . . ang aking kaibigan. Gray, siya naman si Terrence. Iniligtas niya ako kanina sa lalaking
Asteria's Point of View“So, sino talaga ang tunay na ama ng dinadala ni Leiya?” tanong ko habang nakahiga sa mga braso niya. Kasalukuyan kaming nasa ilalim ng puno malapit sa bahay nila habang ang sapin namin ay tela na parang pang-picnic na nakuha namin sa damitan ni Tiya Cecilia.“Well, when we got home, she seeked for my help to make Blake jealous and take his own responsibility,” wika ni Gray habang nakatingin kami sa langit na puno ng nagliliwanag na mga bituin. Sadyang nakaka-relax ang ganitong bagay. Natutunan ko na mas maganda ang ibang gawain dito sa bukid kaysa sa pagharap sa mga gadgets.“Weh? Si Blake ba talaga ang ama no'n? Kakaamin niya lang sa 'kin, eh,” sambit ko sa kanya. Agad naman siyang napaupo sa sinabi ko habang nakakunot ang noo niya.
Asteria's Point of View Ilang oras na simula nang umalis si Blake papunta sa bukid. Pagkayari niyang sabihin iyon ay kinulit ko siya kung anong nangyare, pero ngumingiti lang sa akin. “Past is past, hindi mo na dapat binabalik ang nakalipas na,” wika niya habang nakangiti lang sa akin at saka lumabas. Samantalang katatapos ko lang maligo at ngayon ay nagbibihis na ako. May klase kami at required pumasok. Nakita ko sina Leiya at Gray na nasa lamesa. “Oh, may acting pa ba? Wala na si Blake, ah,” wika ko habang nakataas ang kilay. Masyado yata nilang ginalingan ang pag-acting at hanggang ngayon ay ginagawa pa rin nila, eh wala naman na si Blake. “Gray, sinabi mo sa kanya?
R18: READ AT YOUR OWN RISK.Asteria's Point of ViewIlang araw na kami hindi nagpapansinan ni Gray, marahil ay galit pa rin siya sa ginawa ko na pinaghintay siya tapos kasama ko lang pala si Terrence, and hindi ko man lang sinabi sa kanya ang tungkol sa amin.Ilang beses ko nang tinangka na kausapin siya, pero lagi akong nabibigo dahil hindi niya ako pinapansin. Sa tuwing kauusapin ko ito ay bigla itong may gagawin. Sinubukan ko rin na kausapin siya ngunit, lagi na siyang sumasama sa bukid kasama ang magulang niya.“Sis, ikaw ang maid of honor, ah. Alam mo na igi-gift mo sa akin, Hermes lang,” wika niya na agad kong ikinatawa. Ilang araw na rin simula nang maging legal sa pamilya sina Blake at Leiya haba