Asteria's Point of View
Tumingin kami roon sa sumigaw. Nakita namin ang isang lalaki na nakahandusay sa sahig. May bula ito sa labi at naniniwala kaming ito ay food poisoning.
Pero magkaiba dahil ang staff ang nag-serve. Kung may naglagay ng lason sa pagkain, maituturo sila. Siguro, may malapit sa lalaki na kailangang pagsuspetyahan sa nangyari. Hindi ako professional na detective, pero gamit ang logic, masasabi kong sinadya itong gawin. Gusto nilang iba ang masisi, hindi sila.
Pero, ano 'yong powder sa kamay niya? May kakaiba roon.
"Gray, tingnan mo 'yong kamay niya. May kakaiba roon. Alam mo ba kung ano 'yon?" tanong ko habang nakaturo sa kanang kamay ng biktima.
"Tumawag kayo ng pulis! Huwag
Asteria's Point of ViewHindi ko alam kung ilang thank you ang sinabi sa akin nina Leiya at Blake dahil sa regalo ko sa kanila. Ginawan ko talaga ng paraan para maibigay 'yon sa kanila. Kahit noong una ay ayaw pa akong pahiramin ng pera, how dare her na pagdamutan ako. Pero dahil nagawan niya ng paraan at um-oo siya sa akin, sumaya ako. At napasaya ko ang dalawa.Iyon nga lang, ang problema ay siya ang pipili ng bahay. Hindi naman ako maka-disagree dahil siya ang bibili."Fine. Sabihin mo na lang sa akin kung saan 'yon. Kapag maganda, babayaran kita kapag nagkita tao," sabi ko sa kanya. Next week ay lilipat na sina Blake at Leiya sa bahay.Sa wakas ay pinaplano na nila ang tungkol sa pamilya nila. Malapit na rin siy
AsteriaMaririnig ang pagdiin ko sa mga keyboard keys sa aking laptop, bawat pindot ko ay ramdam ang bigat ng mga kamay ko habang binabasa ng mga mata ko ang nai-input na mga sentences.Tumigil ako saglit upang hawakan ang sentido ko at marahan itong minasahe, parang sasabog ang ulo ko dahil sa nakasulat sa mga papel sa aking schedule chart sa araw na ito.Tanging ang pagbuntong-hininga ko lamang ang maririnig sa buong kapaligiran habang ang kape na kanina pa nakapatong sa table ko ay tila nasa Antartica na dahil sa lamig nito. Hindi ko alam kung ilang oras na ako nagtitipa habang ang mga kamay ko at mata ay tila bumibigay na sa aking gawain h
Asteria's Point of ViewNagmamadali akong suotin ang blouse na London Effect Bodysuit na bumagay sa kurba ng ko na 27 inches. Tiningnan ko ang mala-vintage na orasan na nakatapat sa 8 habang ang ibang daliri nito ay nakaturo sa saktong 30.Hindi naman masama. Tatlumpung minuto pa lang naman akong late sa klase. Ibinuka ko naman ang mga labi ko para tawagin si Florentina. Narinig ko ang ingay na nagmumula sa pinto nang pumasok si Florentina habang dala-dala ang black slacks na dapat kong susuotin. Ang totoo niyan, kundi dahil sa sinabi ni Blaire na gaganapin na quiz ay hindi ako papasok ngayong araw.Ang kursong kinuha namin nina Claire ay Business Administration dahil lahat kami ay nababagay sa kurso na iyon. Mas lalong bumagay ito sa akin dahil malls and resorts ang negosyo ng mga magulang ko ha
Asteria's Point of ViewPapunta na kami ngayon sa mansion namin habang kasama ko sina Claire, Blaire, Kierra at iba pa naming mga kaibigan. Dali-dali silang nagtanggal ng mga sapatos nang makapasok kami sa loob. Habang mabilis naman silang nagtungo sa bar counter ng mansion namin na pinagawa nina Mom at Dad para sa tuwing nagha-hangout sila ng mga kaibigan. Ngunit ako muna ang gagamit habang wala sila.“Meghan, wala ka bang nais ikuwento sa amin nina Asteria?” tanong ni Claire habang nakataas ang mga paa na nakaupo sa isang side habang si Meghan naman ay abala sa pagluluto para sa kakainin namin habang umiinom.“What is it?” nagtatakang tanong niya na parang hindi namin siya nakita sa school kanina. Mukhang may tinatago siya sa amin.
Asteria's Point of ViewAbala ako sa pag-aayos ng maleta ko na dadalhin sa probinsya. Pinili ko ang magagandang damit habang isinama ko ang kabibili ko lamang. Tumawag si Mom dahil sobrang excited siya na papuntahin ako sa probinsya, mukhang ayaw nilang nandito ako. Tinawag ko si Florentina kanina na ngayon ay abala na sa pagtitiklop ng mga damit habang inilalagay ko ito nang maingat sa maleta.Napatigil naman ako sa pagtutupi nang bigla kaming makarinig ng katok at pumasok doon si Mom habang sinenyasan niya si Florentina upang lumabas muna saglit.“Anak, sana naman ay hindi masama ang loob mo,” bungad ni Mom habang naglalakad patungo sa tabi ko. “Alam namin na mas makabubuti sa 'yo ito upang matutunan mo ang iba't ibang side ng buhay ng isang tao. Hindi ang salapi ang umiikot s
Asteria's Point of ViewHindi naman ako nakapagsalita nang ilang segundo nang bigla ulit magsalita si Tiya Cecilia nang marinig niya na wala kami balak sumagot sa kanyang sinabi.“Oo nga pala, anak. Siya si Asteria, ang anak ng dati kong amo. Sadyang kay buti ng mga magulang niya sa akin. Dahil sa kanila ay nagkaroon tayo ng sarili nating bukid,” proud na wika niya habang ang mga kamay niya ay magkahawak at nakatapat sa kanyang puso na parang nananalangin.Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng tuwa dahil nakatulong sila Mom sa ibang tao o makaramdam ng awa sa sarili ko dahil mabuti pa sa ibang tao ay may oras sila, kaysa sa sarili nilang anak.“Magandang hapon, señorita,” magalang na bigkas niya h
Asteria's Point of ViewIlang oras na akong umiirap habang nag-uusap ang dalawa sa harap ko. At talagang sa harap ko pa silang dalawa nagharutan. Well, wala namang problema sa gano'n, pero nakakairita kasi sa pakiramdam.Maggagabi na ngayon at talaga namang nakakatakot na ang daanan habang ang simoy ng hangin ay dumadampi sa balat ko na nakakapanginig sa akin.“Alam mo ba, Gray? Ilang araw na akong nasa bahay ng tiya ko. Kakauwi ko lang dito sa probinsya and guess what?” wika ni Leiya na nagpakilala sa akin kanina. Mukhang galing din siya sa syudad kagaya ko.Kanina lamang ay nagpakilala ito sa akin.“Gray,” tawag nito na ikinalingon naming dalawa.
Asteria's Point of ViewMakalipas ang ilang sandali, nagpaalam na ako upang pumunta sa silid na hinanda nila para sa akin, ginawaran ko lamang sila ng ngiti bago ako pumunta roon.Nandoon pa rin si Leiya at mukhang balak pa niyang makitulog dito. Lagi akong napapairap sa kawalan tuwing magsasalita siya. Simula no'ng mapahiya siya dahil sa binigay kong Hermes bag ay hindi na siya nagkuwento ng buhay niya sa siyudad. Sa halip ay tungkol na lamang sa pag-aaral niya na hindi naman nakaagaw ng atensyon dahil sa kayabangan niya.Kinausap din ako ni Blake kanina at nakita ko ang simpleng titig niya sa amin habang kumakain. Ayos naman ang pagkain nila rito. Sa totoo niyan, ay mas ayos ang pagkain dito dahil mas sariwa at galing mismo sa kabukiran.