Share

II - Province

Asteria's Point of View

Papunta na kami ngayon sa mansion namin habang kasama ko sina Claire, Blaire, Kierra at iba pa naming mga kaibigan. Dali-dali silang nagtanggal ng mga sapatos nang makapasok kami sa loob. Habang mabilis naman silang nagtungo sa bar counter ng mansion namin na pinagawa nina Mom at Dad para sa tuwing nagha-hangout sila ng mga kaibigan. Ngunit ako muna ang gagamit habang wala sila.

“Meghan, wala ka bang nais ikuwento sa amin nina Asteria?” tanong ni Claire habang nakataas ang mga paa na nakaupo sa isang side habang si Meghan naman ay abala sa pagluluto para sa kakainin namin habang umiinom.

“What is it?” nagtatakang tanong niya na parang hindi namin siya nakita sa school kanina. Mukhang may tinatago siya sa amin.

“Well, alam mo naman na wala kaming relasyon ni sir. Ang tanda na no'n!” nagrereklamong wika niya na parang nandidiri. Apat na taon lang naman ang gap nila sa isa't isa.

Napairap naman ako ng tingin dahil ako lang yata ang walang karelasyon ngayon dito. Nakaka-bitter. 'Yan ang lagi kong iniisip and at the same time, walang pumapasa sa standard ko. Mas lalong ayaw kong sumunod sa mga rules na nakikita ko sa mga kaibigan ko. Some guys were controlling their girlfriend's lives.

Tiningnan ko naman si Kierra na nakapangalumbaba. Wala naman bago sa kanya dahil lagi siyang ganito tuwing may okasyon. Hindi ko naman siya masisisi dahil may bago siyang pelikula na gaganapan.

“Bakit nag-uusap kayo nang matagal? Umamin ka na kasi!” Panghaharot pa ni Claire na abala na ngayon sa paghahalo ng inumin. Magsasalita na sana ako nang biglang pumasok ang driver namin para ibigay ang ipinabili namin na drinks. Hindi naman ako nagpasalamat dahil alam naman nito na hindi ako nagpapasalamat kapag nag-utos ako. Ginagawa ko lamang ito kapag humingi ako ng pabor.

Sinimulan naming uminom habang nagkwekwentuhan habang si Claire naman ay pinapaikot ang bote na nasa gitna na nakapaligid sa amin. “Meghan, kung hindi ka nga takot, tawagan mo ang sir na kausap mo at sabihin mong sunduin ka rito!” aigaw ni Claire habang nagpapalakpakan naman sila nang sundin ito ni Meghan kaysa kumain ng sili na consequence nito.

Nagising na lamang ako sa liwanag na tumatama sa mga mata ko. Agad kong iminulat ang mga mata ko at ang una kong naramdaman ay parang sasabog ang ulo ko. 

Nakita ko si Mom na nakahawak sa magkabila niyang baywang habang nakangiti sa akin.

Ang unang sentence na lumabas sa bibig ko ay, “What do you need, Mom?” tanong ko sa kanya. Tumagilid ako upang matulog muli.

“Well, my little child looks like you had fun last night with your friends,” wika niya na mahahalatang taliwas sa ngiti niya ang lumalabas sa bibig niya. Mahinahon ang tono niya, pero nagulat ako nang bigla niyang kinuha ang alarm clock at nagsimula itong paingayin na parang masisira ang eardrums ko.

“Mom, I am awake. What exactly do you need?” tanong ko sa kanya habang naghihikab pa na umupo upang makita niya na gising na ako at handang makinig sa sermon niya.

“What exactly happened yesterday?” Bakas sa mukha niya ang galit habang umuupo sa tabi ko. Agad naman akong napatampal ng noo. Marahil ay nalaman ni Mom na uminom kami at dalawang dahilan lang ang naiisip ko. Una, isinumbong ako ng isa sa mga maid at driver namin. Pangalawa, hindi nila nalinis ang kalat namin kagabi.

“Drink?” pilosopong sagot ko sa kanya. Nakita ko naman na napataas ang isang kilay niya na halatang hindi niya nakuha ang gusto niyang sagot sa akin. 

Tumayo naman siya at nagsimulang tumalikod. “Well, my little Asteria, you should know the consequences of what you did, right?” wika niya sa akin. Nagsimula naman akong pumunta sa banyo para maghilamos.

“I know, Mom, just tell it to me,” wika ko habang sinasabon ang mukha ko. Mukhang kailangan ko nang ihanda ang pag-freeze ng bank account ko.

“Well, I have a friend of mine who was living in the province,” wika niya habang ine-emphasize ang word na province. Natigilan naman ako at sumilip sa labas upang tingnan siya kung seryoso ba ito. 

“And?” tanong ko sa kanya habang  binabasa ang mukha ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang towel at lumabas.

“You need to live with them until you learn your lesson,” sagot niya habang pinapaikot ang ballpen na hawak na nasa pocket niya. Agad kong naibaba ang towel na hawak ko sa sinabi niya at nagsimulang lumapit sa kanya.

“Are you serious, Mom?!” gulat na sigaw ko upang makita niya ang reaksyon ko, upang bawiin niya ang sinasabi niya. Wala naman siguro siyang plano na patirahin ako kasama ng kaibigan niya?

“Well, yes. Your dad agreed with my decision,” taas noo nitong wika sa akin dahil alam naming dalawa na kapag pumayag si Dad ay wala na akong magagawa dahil siya ang tinuturing namin na parang judge sa mansion.

Wala na akong maisip na dahilan kaya naman hinayaan ko kung ano ang lumabas sa bibig ko, “Mom naman, paano 'yong school ko?” tanong ko sa kanya upang makagawa ng dahilan. I will never live in a province.

“They have a school there, too, my child,” sabi niya habang nakangiti sa akin na parang mapupunit na ang labi. How can Dad agree with this?

“But the technology here was more amazing than there!” sagot ko, pero umiling lamang si Mom na tanda na hindi niya pakikinggan ang anumang sasabihin ko.

“Hindi ko na uulitin, Mom. I promise,” nagmamakaawang wika ko sa kanya. Hindi ko aakalain na magmamakaawa ako para hindi tumira sa isang probinsya. Hindi ko ma-imagine ang buhay ko na wala man lang kahit anong technology, maids at anumang malalaking malls.

“Mom, please,” pagmamakaawa ko sa kanya, pero agad lang niyang hinalikan ang pisngi ko at tumayo.

“We know what is best for you. So, dear, just accept this because our decision is final,” aniya na tuluyan nang lumabas ng pintuan habang ako ay nakatulalang nakatingin sa papasarang pinto. Wala na yata akong magagawa para magbago ang isip nina Mom. Once na sabihin nila ay final na iyon, pero paano naman ako nabubuhay ro'n nang wala man lang anumang katulong? I can't even cook for myself, so how can I do that?

Agad kong tinawagan si Claire, kailangan ko muna sigurong gumala, baka sakaling ma-refresh ang utak ko.

Naglalakad kami ngayon ni Claire patungo sa paborito naming botique. Parehas kami ng taste pagdating sa mga damit. Magaganda ang damit na tinda rito na galing pa sa ibang bansa kaya kadalasan, kaunti lamang ang nagsiya-shopping dito dahil siguro sa kamahalan ng mga tinda.

“So, where's Blaire?” 'yan ang unang tanong ko sa kanya dahil hindi niya kasama ngayon ang kakambal niya na lagi niyang nasa likod.

“Reviewing for the next quiz and doing her performance task,” sabi niya. Huminto kami sa tapat ng botique at pumasok doon. 

Agad kaming binati ng mga staff doon dahil kilala na kami rito dahil madalas kaming nandito. Tumango na lamang ako sa kanila at pumasok. Agad naman kaming nilapitan ng isang staff upang itanong ang hinahanap namin.

“Well, where's your new collection of dresses?” tanong ko na lamang habang sinusundan naman namin ito. “You will not believe what I'm gonna say,” sabi ko sa kanya habang humihigop ng dala-dala naming Starbucks coffee bago kami magpunta rito.

“What is it?” tanong niya sa akin nang huminto kami sa isang collection ng mga dress. Ang gaganda ng bago nilang designs at lalo na ang mga kulay na bumagay rito.

“This is my last day here in Manila. My mom decided that I should live with her friend,” sagot ko habang itinuturo ang mga bibilhin kong dress sa staff.

“And?” tanong niya habang namimili naman siya ng mga skirts.

“In the province, you know? No signal, no maids, and also, no more shopping,” reklamo ko sa kanya habang inabot naman niya ang skirt sa staff at tuluyan na kaming pumunta sa cashier.

“That's hard, you can't even wash your own dishes. How can you live in that place?” wika niya habang nilalabas ang credit card na hawak niya. Well, apparently, yes. What a bad news for me. Mas ayos pa sana kung freeze ang mga accounts ko kaysa tumira sa lugar na wala man lang kahit anong technology.

Nagulat ako nang tumatawag si Mom upang pauwiin ako para mag-ayos ng mga dadalhin kong damit sa probinsya na pupuntahan ko. Sana lamang ay maging maayos ang pagpunta ko roon.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
alanasyifa11
this seems promising,can't wait to read the next chapter~ btw,is there any way i can keep up with your work? do you have social media?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status